CHAPTER 38

421K 20.5K 33.9K
                                    


CHAPTER 38

HINAPLOS NI Maxrill Won ang pisngi ko nang hindi pa rin ako makasagot. "You don't have to answer now, if you're not ready yet." Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko. "And please tell me if I make you feel uncomfortable in any way." Isinenyas niya ang kamay kong hawak niya.

Namasa ang mga mata ko ngunit pinilit kong ngumiti para hindi niya 'yon mapansin. Masyado kasing masarap sa pakiramdam 'yong mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang gusto na talaga ako ni Maxrill Won. Ang lalaking parang kailan lang ay inihahalintulad ko sa buwan ang layo.

Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat na magustuhan. Hindi ko man sabihin, nakikita ko ang adjustments niya sa ugali para mapagbigyan ako.

"I want coffee," bulong niya.

"Sige," ngumiti ako.

Magandang ngiti ng crew ang sumalubong sa 'min. Nagtago ako nang bahagya sa tagiliran ni Maxrill Won dahil sa ngiti nito para bang nasaksihan nito ang pag-uusap at aksyon namin. Nahihiya ako dahil hinalikan ako ni Maxrill Won, bagaman dampi lang 'yon. Hindi ko akalaing posibleng magawa ko 'yon sa paligid nang maraming tao.

Um-order siya ng hot coffee para sa kaniya at iced coffee naman para sa 'kin, bukod sa dalawang uri ng bread. Nangiti ako nang ilagay niya sa kaniyang braso ang kamay ko saka niya binuhat ang tray papunta sa pandalawahang table.

Nakangiti kong iginala ang paningin sa paligid. Dahilan para makita ko ang mga taong nakatingin at nakangiti sa akin. Naiilang man ay ginantihan ko rin sila ng ngiti saka ako humarap kay Maxrill.

"So, what are we going to watch?" tanong niya.

"Hindi ko alam kung anong mga palabas ngayon, Maxrill Won."

"But you know hot to get there?"

"Sa sinehan? Oo, nakapunta na kami ro'n ni Rhu...Bree...hehehe." Pinalitan ko ang pangalan nang sumama ang mukha niya. "Friendly date lang naman 'yon."

"Hmm, and what about this date?"

Umawang ang labi ko at nag-isip. Nanliit ang mga mata niya na para bang ayaw niyang pag-isipan ko pa ang isasagot sa kaniya.

"E, di friendly date din," natakpan ko ang aking bibig saka natawa.

Gano'n na lang kalalim ang paghugot niya ng hininga at nakapikit pa 'yong pinakawalan. "So, you only want to be friends with me?"

Natigilan ako at napanguso. Nanliit ang mga mata niya at tumitig sa 'kin nang masama ang loob.

"It's okay, I know I don't have the rights to ask. I don't want to demand anything anyway," seryoso niyang sinabi at saka hiniwa ang isang bread at inilapag 'yon sa harap ko. "I don't...really want to force myself to anyone anymore."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Alam kong na-offend ko siya at nahihiya ako dahil para sa 'kin ay biro lang talaga ang sinabi ko. Hindi ko lang talaga akalain na seseryosohin niya at ganoon pa ang isasagot. Hindi ko mapigilang isipin na tinutukoy niya ang naramdaman kay Ate Yaz. Na ayaw niyang maulit iyon.

"Sorry," sinsero kong sinabi. Sa kabila ng ganito kahinhin kong katangian at ugali, minsan ang bibig ko, hindi ko rin mapigilan.

Ngumiti siya. "It's okay."

Napatitig ako sa kaniya. Hindi na ito ang unang beses na nagkasama kami. May mga pagkakataon na rin na nakita ko kung paano niyang itrato ang ibang tao. Kaya siya nasasabihan ng spoiled brat dahil parati nang taliwas sa gusto niya ang opinyon ng iba. Pero sa akin, parati nang ayos lang sa kaniya.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESDove le storie prendono vita. Scoprilo ora