CHAPTER 47

556K 19.8K 36.8K
                                    

CHAPTER 47

TUMAYO SI Maxrill Won matapos ubusin ang kaniyang pagkain. Hindi naman ako napahiya dahil naubos ko rin ang sa 'kin. Ngumiti siya at gumilid papalapit sa 'kin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko 'yon at saka niya ako iniharap sa magandang tanawin. Tanawin kung saan nakikita ko ang nakakalat na ilaw mula sa malalayo at hindi mabilang na kabahayan sa Laguna. Tanawin kung saan pareho naming nalalanghap ang sariwang hangin ng gabi. Tanawin kung saan nakatunghay sa 'min ang maliwanag at bilog na buwan. Ito na ang pinakamagandang gabi na dumaan sa buhay ko. Ikalawa na lang 'yong gabi ng kaniyang kaarawan kung saan ko siya unang nakita.

Niyakap niya ako mula sa likuran, 'ayun na naman 'yong padampi-dampi niyang halik sa buhok ko, mula sa likod hanggang sa may sentido. Humihigpit ang yakap pero bahagya ring pinipigilan. Kinuha niya ang kamay ko at magkahawak-kamay na iniyakap sa sarili ko ang aking mga braso.

"I want to stay here forever with you," bulong niya sabay dampi ng halik sa pisngi ko. "Can we do that?"

Nakangiti akong pumikit sa sarap ng pakiramdam niyon. Sana nga, Maxrill Won... Dahil kung siya ang makakasama ko, kahit anong lugar niya piliing manatili ay sasama ako. Kahit anong maging desisyon niya ay sasang-ayunan ko. Gano'n kasarap ang pakiramdam na tila wala akong ibang kayang gawin kung hindi magpaanod sa kaniya at magtiwala.

"Maganda sa lugar na 'to," ngiti ko at saka nagmulat. Eksaktong buwan ang nadapuan ng paningin ko. "Kung gabi-gabi ay makikita ko nang ganito kalapit ang buwan..." tumango-tango ako at saka lumingon sa kaniya. "Gusto kong manatili rito kasama mo."

Ngumiti rin siya at saka tinanaw ang buwan. "Why do you like that thing so much?" saka siya lumingon sa 'kin dahilan para magkadikit na ang ilong niya at pisngi ko.

Ngumuso ako at muling tinanaw ang buwan. "Dahil ikaw ang naaalala ko sa t'wing titingnan ko ang buwan, Maxrill Won." Napabuntong-hininga ako. "Lahat ng alaala mo, napapanood ko nang paulit-ulit sa buwan. Kahit hindi kita makita, kontento ako dahil gabi-gabi, nakikita ko siya."

"Hmm."

"Dati..." napangiti ako. "Makita ko lang 'yong buwan at maalala ka ay tuwang-tuwa na ako, Maxrill Won."

"That's how simple you are," aniyang ikiniskis ang ilong sa pisngi ko. "I'm yours now. You can see me, hug me, kiss me...any...time of the day."

Napatitig ako sa kaniya at nang hindi mapigilan ang ngiti ay tinanaw ko na lang ang buwan. Doon ako ngumiti nang todo at ninamnam ang mga salitang binitiwan niya.

Ganito pala ang pakiramdam no'n. Para akong kinikiliti nang paulit-ulit na gusto ko siyang yakapin at labanan ang yakap niya nang mas mahigpit. Kung may lakas lang ako ng loob ay gagantihan ko ang bawat dampi niya ng halik. Pero kulang na kulang ang lakas ko para gawin lahat 'yon. Iniisip ko pa lang ay nahihiya na ako. Nasisiguro kong pagtatawanan niya lang ako kung susubukan ko.

Ngunit kahit gano'n, pipiliin kong maramdaman ang lahat nang ito nang paulit-ulit, at kung pwede nga lang, talagang ayaw ko nang matapos. Kung pwede lang, ayaw ko nang mawala siya sa tabi ko.

Naramdaman ko nang magbaba siya ng tingin kina Hee Yong at Nunna. Magkatabi ang dalawa sa harap ng lumalaking bonfire at parehong natutulog. Nilingon ako ni Maxrill Won at saka binitiwan, iniharap niya ako at saka tinitigan. Naitikom ko ang aking bibig nang mailang ako.

"Sleepy?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi yata ako makakatulog." Naitakip ko ang isang palad sa mata ko nang mag-init ang buo kong mukha.

Narinig ko siyang tumawa at gano'n na lang ang gulat ko nang nakawan niya ng halik ang labi ko. Sumimangot ako ngunit sa huli ay nangiti rin.

"Sit here and wait for me," aniya saka ako pinaupo sa malaking kahoy na naroon mismo sa harap ng apoy.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now