CHAPTER 28

466K 24.8K 49.4K
                                    

CHAPTER 28

ISINUBSOB KO ang aking mukha sa pareho kong palad at saka doon umiyak nang umiyak. Hindi ko matukoy ang pinagmumulan ng lungkot at sakit sa kalooban ko pero ang isip ko ay kayang isigaw ang dahilan niyon. Si Maxrill Won.

Bakit kahit alam kong si Ate Yaz ang mahal niya ay pinili ko pa ring gustuhin siya? Bakit sa kabila ng mga nakikita, naririnig at nahahalata, may parte pa rin sa aking umaasa at naniniwala? Ano ba ang problema ko? Bakit sa kabila ng sakit at lungkot na idinudulot niya, tila mas lumalalim pa ang nararamdaman ko? Kung dati ay sigurado akong gusto ko si Maxrill Won, higit na ro'n ang damdamin ko ngayon.

"Dainty Arabelle..." Gano'n na lang ang pagtindig ng parehong balikat ko nang mangibabaw ang tinig ni Maxrill Won sa aking harapan.

Awtomatiko akong huminto sa pag-iyak ngunit ang paghikbi at tumutulong luha ay naroon pa rin. Habang pigil ang paghinga ay pinaghiwalay ko ang ilan sa aking mga daliri upang masilip siya. Nakagat ko ang aking labi nang makumpirmang naroon nga siya sa harapan ko.

"Dainty..."

Napaiwas ako at dali-daling pinunasan ang mga luha ko. "Maxrill Won..." Hindi ko malaman kung paano siyang titingnan nang deretso.

Ngunit natigilan ako nang sakupin ng palad niya ang kabuuan ng pisngi ko. Pakiramdam ko ay ganoon na lang kaliit ang mukha ko.

"Why are you crying?" mahina, halos pabulong nang tanong niya.

Sa ganoong hitsura ay napanood ko siyang maupo sa kaniyang paanan upang mapantayan ako. Saka niya hinakawan ang pareho kong braso upang alisin ang pagkakatakip ng aking mukha. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng aking mukha saka pinahiran ang aking luha.

"Why are you crying?" mahinang pag-uulit niya.

Nakagat ko ang aking labi nang ang magkahawak naming kamay ay ipinatong niya sa aking kandungan. Hindi ako makapaniwalang nasa akin ang timbang ng braso niya at ramdam ko kung paano niya iniingatang huwag maipatong ang buong bigat sa akin. Lalong hindi ko inaasahang matapos ng mga narinig kong usapan nila ay bababa siya rito at pupunta sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman.

"Dainty..."

Iling ang awtomatiko kong isinagot. "Hindi ako umiiyak." Iyon ang naisagot ko.

Inosente siyang tumitig sa akin, naguluhan. Napanguso ako at nagbaba ng tingin dahilan para bigla siyang matawa.

"Why are you sad, then?" May diing tanong niya, nang-aasar, na naman.

Lalo akong napanguso. "Hindi ako...ano..."yumuko na ako nang tuluyan nang hindi na masundan ang sasabihin. Nakakahiya!

Pilit kong inagaw ang mga kamay ko sa kaniya upang muli sanang takpan ang aking mukha. Ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga iyon. Pumikit na lang ako para hindi makita ang tila nagpipigil ng tawa niyang mukha.

"You heard it wrong," mahinahong aniya, nagpapaintindi. "No, I mean, I was wrong. Yeah, it was my mistake." Hindi ko alam kung bakit tila hindi niya alam kung paanong ipaiintindi ang sarili, iyong siya ang magmumukhang mali talaga.

Natigilan man ay napako ang paningin ko sa magkahawak naming kamay. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak ko, alam niyang may kinalaman doon ang mga narinig kong sinabi niya. Nakakahiya ang katotohanang alam niya.

Gano'n na lang kalalim ang buntong-hiningang hinugot at pinakawalan niya, na siyang dahilan upang tingnan ko na siya. Wala naman na sa akin ang kaniyang paningin.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now