CHAPTER 23

850K 37K 98.5K
                                    


CHAPTER 23

HINAWAKAN NI Maxrill Won ang pisngi ko na para bang sa ganoong paraan niya mapananatili sa ginagawa ang mga labi namin. Halo-halo ang nararamdaman ko na kahit anong tuon ko sa malambot niyang labi ay kung saan-saan napupunta ang isip ko. Sa unang pagkakataon ay natagalan ko ang higit pa sa presensya niya. Sa unang pagkakataon ay hindi ako inatake ng hika gayong kinukuha niya ang lahat ng hangin na meron ako. Sa unang pagkakataon ay hinayaan ko ang lalaking ito na gawin ang higit pa sa nagawa ng sinoman sa akin. Hindi lamang iyon sapagkat inangkin niya maging katinuan at kaluluwa ko nang paulit-ulit.

Nagkamali ako nang isiping tapos na ang sandaling iyon. Nang bitiwan niya ang labi ko upang titigan ako nang ganoon kalapit, bahagyang nakadagan habang nakatunghay sa akin. Noon ko lang naramdaman nang ganoon kainit ang mga pisngi ko, pakiramdam ko maging ang labi ko ay namumula na dahil sa tagal ng halik niya. Pero hindi ganoon ang nangyari. Paulit-ulit niyang hinaplos ng daliri ang aking labi habang titig na titig pa rin doon. Minsan niyang sinalubong nang matalim niyang tingin ang mga mata ko at muling inangkin ang aking labi.

Matagal. Sobrang tagal. Na para bang ganoon katagal niya nang ginustong gawin iyon kaya hindi niya kayang ihinto na lang basta ngayon. Sobrang tagal na halos mamanhid ang mga hita ko ngunit nakakaya ko ang bahagyang bigat niya. Sobrang tagal na hindi ko na mapangalanan pa ang ibang pakiramdam.

Nang bitiwan ni Maxrill ang labi ko ay marahan akong nagmulat at nagtamang muli ang mga mata namin. Ang inaasahan kong ilangan naming dalawa ay hindi nangyari. Sa halip ay kampante at humahanga naming tinitigan ang isa't isa. Siya ay tila nagagandahan sa akin habang ako naman ay gwapong-gwapo sa kaniya.

Kung kanina ay nakikita ko pa kahit papaano ang kalangitan, ngayon ay binalot na iyon ng kadiliman. 'Ayun at malinaw nang nakatunghay sa amin ang buwan.

"Be my baby, Dainty..." bulong niya.

Umawang ang labi ko sa narinig, hindi talaga makapaniwala. Ang kaninang makaubos-hininga kong kaba ay mas tumindi pa. Kung ang halik ay inalis ang katinuan ko, ano na lang ang natitira sa isip ko ngayong sinabi niya ito?

Sinasabi niya ba talaga 'yon? Si Maxrill pa ba itong kaharap ko? Sigurado ba siya sa kaniyang sinabi? Totoo bang nangyayari ang lahat nang ito?

Be my baby, Dainty... Kahit anong hina nang pagkakabulong niya ay umalingawngaw iyon nang malinaw at paulit-ulit sa aking pandinig. Maging ang gulat ko ay hindi maputol at sa halip ay mas tumitindi.

"M-Maxrill Won..." hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi na magkalapat ang mga labi namin ngunit ang pakiramdam na idinulot no'n kanina ay nahigitan nang dahil sa sinabi niya. At mas tumitindi pa ang alon sa dibdib ko habang nakalapat ang paningin namin sa isa't isa.

"I want you mine..." malambing, mahina pa ring sabi niya at saka muling dinampian ng halik ang labi ko. "I want you mine, Dainty," aniya na muli na namang sinakop ang labi ko, hindi na nakapaghintay ng sagot.

Ang dawat dampi at palitan ng aming mga labi ay tila may kani-kaniyang emosyon. Samu't saring pakiramdam na noon ko lang nadama kaya hindi ko kilala. Na bagaman sobra ang aking kaba ay gusto ko at hindi na hihilinging matapos pa.

Pakiramdam ko ay tinupad ng kalangitan ang hiling kong huwag nang matapos ang gabing iyon. Dahil humihinto si Maxrill hindi para itigil ang halik kundi upang ipahinga lang ang aming mga labi. Kung kanina ay matagal nang magkalapat ang mga labi namin, sa ikatlong pagkakataon ay mas tumagal pa iyon. Paulit-ulit lang naman ang ginagawa ng mga labi namin pero pakiramdam ko ay bago nang bago. Kayhirap ipaliwanag ng pakiramdam at nangyayari doon.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon