CHAPTER 17

767K 34.3K 50.3K
                                    

CHAPTER 17

"SUMABAY KA na sa 'ming maghapunan," anyaya ni nanay kay Maxrill Won nang makabalik kami sa hotel na aming tinutuluyan.

"Thank you but I have to go, Heurt." Sumulyap sa 'kin si Maxrill matapos isagot 'yon.

"May lakad ka nang ganitong oras?" nagtaka pa si nanay.

Umiling si Maxrill. "I need to be there for hyung,"bumuntong-hininga siya. "He's not yet sleeping."

Sandaling natigilan si nanay saka nakangiwing tumango. "Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho."

"Thanks," sumulyap muli sa 'kin si Maxrill. "I'm leaving, Wednesday."

Bahagyang nangunot ang noo ko, nasasanay na siyang ganoon ang itinatawag sa 'kin. "Ingat, Maxrill Won."

Bahagya siyang ngumiti. "I will." Hindi ko inaasahang lalapit siya at marahang papasadahan ng palad ang aking buhok. Dahilan para mahabol ko siya ng tingin nang umalis.

Sandali pa akong napatitig sa pinto bago ko nasalubong ang nanunukso nang tingin ni nanay. Agad akong ngumuso. "Nanay naman, eh..."

"Oh, bakit? Natutuwa lamang ako sa inyo."

"Para kasi kayong nanunukso, 'nay."

"Gano'n ba?" lalo siyang ngumisi. "Marahil ay ganoon nga."

"Nanay naman, eh..."

"Para kang bata, Dainty, ano ka ba?" natawa siya.

Nagbaba ako ng tingin. "Nahihiya po kasi ako sa ginagawa ninyo."

"Bakit ka naman mahihiya? At sa akin pa talaga?"

Hindi ako nakasagot at sa halip ay ipinagbuntong-hininga na lang ang panunukso niya. Marahan akong lumabas sa balkonahe at mula roon ay hinintay na makita si Maxrill. Palihim akong nangiti nang makita ko siyang maglakad papunta sa dalampasigan kung saan naghihintay ang yate na minaneho niya.

Lalo pa akong nangiti nang maalala kung gaanong kalakas ang dating niya habang pinatatakbo iyon. Sa kabila ng dilim ng gabi at liwanag na nagmumula lang sa ilaw ng yate, nakikita ko ang mamula-mula niyang kutis. Ang nililipad niyang buhok ang nagbibigay ng mas matinding lakas sa kaniyang dating. Kakaiba ang dulot na pakiramdam sa 'kin.

"Bagay kayo ni Maxrill, anak." Hindi ko inaasahang nasa likuran ko na si nanay. Ugaling-ugali niyang kumilos nang hindi ko nararamdaman.

"Paano naman kami naging bagay, 'nay?" tugon ko, ang paningin ay nakasunod sa noon ay papaakyat na sa yate na si Maxrill. "Napakagwapo niya at mayaman, samantalang ako..." Nawala ang ngiti ko, lalong tumamlay ang aking mga mata nang hindi masundan ang sariling sinasabi.

Matunog ang buntong-hininga ni nanay. "Hindi kita masisisi kung nakikita mo ang kakulangan sa iyong sarili. Pero sana ay makasanayan mo ring makita ang napakaraming magagandang katingiang meron ka."

Napabuntong-hininga rin ako saka tinanaw ang paglayo ng yate. "Bakit nga kaya iyong nag-iisang mali sa 'kin ang nakikita ko, 'nay?"

"Kasi iyon parati ang tinitingnan mo."

"Hindi naman, 'nay," nakangusong tanggi ko.

Ngumiwi siya. "Sa t'wing pupurihin ang ganda mo ay idinadahilan mo ang kapansanan mo. Wala naman sa mukha ang paa mo," nakuha pa talagang magbiro ni nanay.

Ngunguso na sana ako nang matawa rin sa sinabi niya.

Nakangiting ginulo ni nanay ang buhok ko saka tinanaw rin si Maxrill. "Pero ang totoo ay maganda rin naman ang mga paa mo, Dainty. Kung hindi ko marahil nalalaman na prosthesis 'yong isa, iisipin kong perpekto ka."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now