CHAPTER 58

210K 7K 7.1K
                                    


CHAPTER 58

"ARAW-ARAW KA na bang sasamahan ng boyfriend mo?" tinabihan ako ni Gideon nang lumabas ang huling professor namin nang araw na 'yon. Inaayos ko na isa-isa ang mga gamit ko.

Nilingon ko si Maxrill Won na kanina pa naghihintay sa ilalim ng umbrella. Nakapandekwatro, nakadantay ang isang siko sa table at nagse-cellphone. Hindi ko makikita kung tumitingin siya sa 'kin dahil sa itim niyang shades.

"Ngayon lang. Hindi naman kasi madalas dito si Maxrill Won. Sa Palawan siya madalas."

"I see."

"Mauuna na ako, Gideon. May lakad pa kasi kami."Sinabit ko ang bag sa likuran ko at kinawayan siya.

Pero hindi ko inaasahang haharang pa si Gideon sa daan ko para magsalita. "Pwede akong humingi ng favor?"

Natigilan ako saka siya muling inunahan. "Sige, ano 'yon?"

Nakamot niya ang ulo. "'Yong kanta na binuo ko para sa finals...gusto ko sanang tugtugin sa 'yo para...malaman ko kung okay ba."

Awtomatiko akong nangiti nang lumingon. "Tapos mo na? Congratulations, Gideon!"

"Thank you, Dainty."

"Hindi ako gano'n kahusay pero sige, tutulungan kita. Magkita na lang tayo bukas."

"Kung pwede sana...sa 'tin lang muna? 'Yong tayong dalawa lang. Nahihiya kasi akong iparinig sa iba."

"Oo. Naiintindihan kita kasi ganyan din ako." Naisip kong sa quadrangle niya 'yon tutugtugin o kaya ay sa ilalim ng umbrella para kaming dalawa lang talaga ang makarinig.

"Thanks, Dainty."

Kinawayan ko siya habang naglalakad palabas ng room. "See you tomorrow, Gideo" Natigilan lang ako nang bigla akong bumangga.

Malalim na buntong-hininga ni Maxrill Won ang nasalubong ko. Nakapamulsa at nakababa ang tingin na para bang liit na liit siya sa 'kin. Ngumuso ako at minasahe ang sentido kong bumangga sa kaniya.

"Do you need another audience?" baling ni Maxrill Won sa kaklase ko. "I'm a good listener."

Nagtiim ang bagang ni Gideon, saka napilitang ngumiti. "That'd be very uncomfortable."

"And what makes you think I'm comfortable with you wanting to play a song for my girlfriend? Alone...?"

Natulala si Gideon, hindi malaman ang sasabihin. Ngunit pareho naming hindi inaasahang ngingiti si Maxrill Won nang sobrang tamis, hindi malaman kung seryoso o nang-aasar.

"I was just kidding, you freaking brat," dagdag ni Maxrill Won.

Nakahinga nang maluwang si Gideon. "Sorry, hindi ko naisip 'yon."

Lumapit si Maxrill Won, nakangiti pa rin, at tinapik siya sa balikat. "Next time..." pinagpantay niya ang kanilang mga mata. "Isipin mo 'yon." Saka naging mapakla ang ngiti niya at sumeryoso. "Let's go?" bumaling siya sa 'kin, inalok ang kamay.

Tinanggap ko ang kamay niya at saka guilty na nilingon si Gideon. Binigyan niya ako ng umiintinding ngiti at saka kinawayan.

Nakatingin lang ako kay Maxrill Won habang naglalakad kami palabas sa school. Tahimik siya hanggang makasakay sa sasakyan.

"Ano..." hindi ko na natagalan ang katahimikan. "Nagseselos ka ba kay Gideon?"

Binigyan uli ako ng ngiti ni Maxrill Won katulad kanina. Hindi makita ang mga mata, matamis ngunit may hindi maipaliwanag na bitin.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now