CHAPTER 60

311K 7.3K 7.5K
                                    


CHAPTER 60

"SORRY FOR that," umiiling na ani Maxrill Won at mabilis na inubos ang lamang ramyeon sa kaniyang mangkok.

Umawang ang labi ko at sinubukang gumaya pero hindi ko kinaya. Kaunti pa lang ang naisusubo kong noodles, hindi na ako makapagsalita. Lalong hindi ko magawang nyumuya na kasimbilis ng sa kaniya.

"Nakakatuwa sila," ngumunguyang sabi ko. "Gusto ko ang friendship nila."

"Yeah," ngumiti rin si Maxrill Won at nakapangalumbabang tumingin sa 'kin.

"Hindi sila nagkakapikunan, nakakatuwa. Para silang magkakapatid," natatawa pa rin ako.

"Their friendship is genuine and pure." Pinanonood niya ang bawat kilos ko, mula sa pagsubo hanggang sa pagnguya. "They're not always together but very willing to be there for each other."

"May anak na si Kuya Randall, tama?"

"His nickname's RD. He's different from his parents. He's kind of aloof and timid. But he's intelligent, I heard."

"Si Ate Keziah..." nahihiya kong usisa. "Nabanggit ni Bree Anabelle na...may gusto siya kay Kuya Randall. Hindi ba't asawa si kuya ng bestfriend niya na si Ate Dein?"

Kinatok ng daliri ni Maxrill Won ang noo ko. "Kay kuya siya may gusto, mali ang tsismis mo."

Umawang ang labi ko. "Hala, mali ba 'yong naalala ko?" Nag-isip ako nang nasa gilid ng labi ang isang daliri.

"Not unlike Yaz, everybody knows that Keziah liked Maxwell too," ngiwi niya. "They're almost alike, Kez and kuya. They get along really well as friends."

"Paano 'yon? May ibang gusto si kuya."

Nakangiwing nagkibit-balikat si Maxrill Won. "I'm not really sure. We work together in Palawan but we never really had the chance to discuss each other's feelings for someone. I hope she's fine, though. Well...sa nakikita ko, okay lang naman si Keziah."

"Sana nga," hindi ko alam kung saan nagmumula ang lungkot ko.

Nakangiting tumitig sa 'kin si Maxrill Won. "You know all our friends and family, and now you're friends with them too, it just feels nice."

"Madalas magkwento sa 'kin si Bree Anabelle noon. T'wing aasikasuhin niya ako, nagkukwento siya ng kung ano-ano, gano'n din kay tatay. Kaya kahit noon pa man, kilala ko na kayo sa kwento," nakangiting sabi ko.

"Hmm," tumango-tango si Maxrill Won.

"Noong una, tungkol lang sa pagbebenta niya sa kalsada. Hanggang sa makilala niya sina Ate Taguro, ang dami-dami niya lalong kwento. Ang totoo, sa t'wing makikinig ako kay Bree noon, nalilito ako sa dami ng pangalang binabanggit niya."

Natawa siya. "Why?"

Napabuntong-hininga ako. "Karamihan kasi sa mga binabanggit niya, isang beses ko lang nakilala o kaya naman, hindi pa. Sina Ate Maxpein at Kuya Deib ang una niyang kinuwento sa 'kin, wala pa 'kong idea kung sino sila at hindi ko pa rin sila nakikita. Ang sabi ng kapatid ko, mababait sila. Pero natatakot siya kay Ate Maxpein noong una kasi matapang daw tingnan."

Natawa lalo si Maxrill Won. "She's really scary sometimes."

"Oo nga," ngumuso ako. "Noong una ko siyang makilala, parang hindi siya ngumingiti. Gano'n ang tingin ko kay ate."

Lalong natawa si Maxrill Won. "But she's nice."

"Tapos no'ng nakilala ni Bree ang pamilyang Moon, mas marami na siyang kinuwento. Habang pinakikinggan ko siya, para bang nai-imagine ko kung gaano kamisteryoso 'yong pamilya ninyo."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon