Kabanata 203

8.3K 435 199
                                    

Kabanata 203:
Hiding

I fell silent after that. Akala ko matatapos na ang lahat ng ito kapag nakawala na ako sa pagkakahawak ni Jaydiel at ngayong wala na siya pero... parang mas dumami ang iniisip ko.

Lalo na ang mga misteryoso niyang kilos at may kahulugan na katulad noong sinabi ni Jhomer. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung narito pa rin siya, gustong gusto ko siyang komprontahin sa lahat ng ito.

"Kahit wala na silang dalawa, naniniwala ako sa kakayahan mo, Jhomer." saad ko. Ayaw ko nang banggitin ang pangalan ni Jaydiel, mas lalo lamang lalawak ang iisipin ko kapag humaba ang usapan namin tungkol roon.

"Like what I said, I'll give my life serving you. Pinagkatiwala ka sa akin ng ama mo, at gagawin ko ang lahat Raiven." aniya. Napangiti ako roon.

"Thank you," I said sincerely.

"We're going to investigate about this. Maybe that someone purposely shot Jaydiel on the exact time you pull the trigger so you will thought you are the one who did it. Mabigat ang parusa kapag nahuli kung sino ang may gawa nito kay Jaydiel kaya naman, para hindi sumailalim roon ginamit ka ng kung sinong tao na iyon para hindi niya matanggap ang bunton ng sisi." balik naman ni Jhomer sa usapan namin. Bumuntong hininga ako roon.

"Hinding hindi matatapos lahat ng alalahanin ko. Whoever shot Jaydiel, I only wish he or she could tell the reason why he or she did it." I said. Nararamdaman ko na ang pagsakit ng ulo ko. Hinilot ko ang sentido at dumaan ang pag-aalala sa mga mata ni Jhomer. Tumayo siya ng tuwid.

"I am now letting you leave for your peace of mind on all of these. You had enough. Sa lahat ng nangyari, sobra sobra na na alalahanin mo pa ito. Kaya naman sang-ayon na ako sa desisyon mo na aalis. Kailan ang balak mo?" pag-iiba ni Jhomer sa usapan nang makita na nahihirapan na akong pagsasama-samahin sa isip ang lahat ng mga nalaman.

Bumalik ang atensiyon ko sa sinabi niya. Sa lahat ng bigat na dinadala, may kasabikan sa akin na umalis na sa lugar na ito. It's like a solution to end all of this. An escape to this hell. Tumikhim ako at gumaan ang pakiramdam ng maisip lahat ng mga plano.

"Ngayon na." sabi ko. Namilog muli ang mga mata ni Jhomer sa sagot ko.

"I'll just put Papa on the place he wants so he could get his peace too. Si Ryker, sa bahay. Kasi naroon si Mama. His peace is on Mama's arms. Siya ang nagtatanggol sa kanya sa tuwing s-sinasaktan kami ni Papa. Kaya doon lang siya." sagot ko. Bumuntong hininga nang saglit manginig ang tinig. Tumitig nang matagal sa akin si Jhomer na para bang tinitimbang ang sinabi ko.

Last night, he told me what is Papa's wish before he died. To put his remnants on a culumbarium. He wants his remnants to put there to have his peace. At nirerespeto ko ang desisyon niyang iyon. Gusto kong sundin ang kagustuhan ni Papa kaya tutuparin ko iyon. Kagaya ng pagtupad niya na protektahan ako sa kabila ng dami niyang nilihim sa akin.

"How about your peace?" Jhomer ask after my long silence. Napatingala ako sa malawak na kalangitan. Walang ulap, purong asul lamang iyon. At tuwing ganito ang langit, mas lalo kong naiisip kung gaano kalawak ang mundo. Sobrang lawak, pero bakit may mga pagkakataon na madalas iyong mga uri ng tao na ayaw nating makilala ay iyon pa ang napapalapit sa atin?

"I... don't know where I will find it but, I'll start on leaving this place. I'll go to a far place and maybe I could find my peace there." sabi ko. Umihip ang hanging pang-umaga. Sariwa pa iyon kaya naman nakakarelax sa balat ng yumakap sa akin.

The cold breeze of the air feels so soothing. Iyong pakiramdam na pawisan ka at init na init, tapos may malamig na hangin na biglang yayakap sa iyong katawan. That was so comforting and a big relief.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now