Kabanata 236

7.9K 360 151
                                    

Kabanata 236:
I'm Fine

Kuwai's POV

I hummed lowly as I stared at Raiven's face. She's sleeping peacefully now. Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na nakatabing sa kanyang pisngi.

Umangat ang sulok ng labi ko habang pinagmamasdan siya. I slowly withdraw myself from crouching down and caress her temple.

"Good night, sleepy head." I whispered as I poured her kisses on her forehead. I put the sheet on her body until her shoulder. Isang halik sa tungki ng kanyang ilong at tumayo na rin ako para magpaalam na.

I can't sleep here tonight. Mahirap na at baka hindi pa ako makatulog.

It's unfair that she could sleep peacefully but I will be insane laying beside her.

Kaya ihanda ko na siguro ang sarili ko kapag mag-asawa na kami? Baka pagkatapos naming ikasal araw-araw akong puyat dahil hindi makatulog. I sigh heavily on that.

Isang sulyap na lang sana ang gagawin ko para kay Raiven pero naging titig pa iyon sa tagal. I massaged my temple.

C'mon Kuwai, patulugin mo ang tao! Kailangan mo na ring matulog!

So even I couldn't resist staring at Raiven, I force myself to march towards the door to leave her alone now. Hirap pa akong humakbang papalayo at parang biglang bumigat ang mga paa. Ang hirap niyang iwan.

Magkikita pa naman kayo bukas. Huwag ka nang mag-inarte at matulog ka na rin! A whisper from my mind sounds like Xerox. Minsan nga iniisip ko, kung pilit ba siyang pumapasok sa isip ko at nagiging katunog niya na ang konsensiya ko.

Kalaunan naiwan ko na rin naman si Raiven sa kuwarto. Dumiretso na rin ako sa sariling silid pagkatapos noon. I was fixing my bed when my phone suddenly rang.

Kilala ko na agad iyon kahit hindi pa ako lumilingon. Naalala ko ang kuwento ni Raiven kanina bago matulog. That they almost bump a little girl in the road. At naiwan si Zillah sa hospital para bantayan ang bata.

Tama ang hinala ko nang makita ang pangalan ni Zillah sa screen. I reach for my phone to answer his call. Binagsak ko ang unan sa kama nang itapat ang phone sa tenga.

"Hello?" I greeted in my low voice. Anong oras na rin. Ano kayang balita roon sa bata at gising pa itong si Zillah. Wala bang dumating na kaanak noong bata at naroon pa rin siya sa hospital hanggang ngayon.

"Hey." he greeted back.

"Nasa hospital ka pa rin?" I ask while combing my hair using my fingers.

"Yeah. Is Raiven asleep now?" nagtaas ako ng kilay sa tanong niya. Sa akin tumawag pero si Raiven ang hinahanap.

"Yes, she is." tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Katabi mo?" normal ang boses ni Zillah nang itanong iyon pero nabakasan ko pa rin ang kaunting panunuya. I shook my head on him.

"No, I'm here on my room." humalakhak si Zillah sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko.

"Behave ah." he teased. Napailing ako sa panunuya niya.

"Tss. Bakit mo ba siya hinahanap?" pilit kong ginawang suplado ang tinig. Naririnig ko pa ang munti niyang bungisngis sa kabilang linya.

"Wala, I'm just going to tell her that the little girl is fine now. Nagising na siya." he said, sounding so happy. I wrinkled my forehead again. Bakit parang sobrang saya ng isang ito?

"Bakit nahimatay? May sakit ba?"

"She doesn't have any disease. She was starving for days that's why she lost consciousness," he said. Nawala na ang bungisngis ngayon at naging seryoso.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now