Kabanata 256

11.2K 428 556
                                    

This one is a long chapter, pambawi sa two months na walang ud >.< thank youu so much for patiently waiting! Kapit lang makakabalik din ako sa dating pace haha. College life is really a pain in the ass =_=

Kabanata 256:
Hide

"What are you doing here?" that was Kuwai's stern question when his eyes landed on me. Pabalya ko pang binuksan ang pinto ng resto ni Skio para makapasok. Dito ko sila nahanap dahil wala sila sa mansiyon ng mga Velarde.

Muntik pa akong pigilan nila Zillah sa padalos dalos kong pagpasok sa loob. Gusto nilang dahan-dahanin ang pagpapapalam sa kanila na narito kami. Balak pa nilang si Zillah muna ang unang papasok. But I don't have more time for that shit. I want to tell the reason why I'm here right away. Wala ng lugar pa para magpaligoy-ligoy.

Napalingon sa akin lahat ng nasa loob sa biglaang kong pagdating. Maliban sa kanila ay naroon din sina Levin, Quin at Leron. Mukhang narito muli sila para kumbinsihin ang lahat na tumigil na sa paghahanap.

Para bang nabulabog sila sa presensiya ko sa biglaang pagpasok. Their stares are not welcoming, I already expect it anyway. Alam kong iyon ang magiging reaksiyon nila.

Naningkit ang mga mata sa akin ni Xerox nang magtama ang tingin namin.

His eyes were telling me that if Kuwai beat me up for suddenly coming here, he wouldn't help me.

Kuwai's sitting in the center of the table. Mukhang napahinto sila sa kung ano mang pinag-uusapan nang dumating ako. Skio closed his resto. Sinara niya iyon noong mag-umpisa silang maghanap kay Raiven. Mukhang ginawa pa nilang headquarters ito.

"May kapal ka pa pala ng mukha Helix para magpakita pa rito." ismid ni Rylan. I don't know if he's Kuwai's spokesperson that he's the one who always talk first.

"Wala akong pakialam sa kung anuman ang sasabihin niyo. Gusto kong makausap si Kuwai." agad na suminghal si Kuwai roon na para bang ang pagtawag ko lang sa pangalan niya ay sapat ng rason para mairita siya.

"And you think I'll let you talk to me?" he said, anger so visible in his eyes.

"It's about Raiven, if you don't want to talk about her then fine." I said my reason why I'm here straightforwardly. Wala na rin namang rason pa para magtagal pa ako rito. Gaya nga ng sabi nila, ayaw nila akong makita rito at ganoon rin ako. Kung wala lang akong mabigat na rason ay hindi ko naman pipiliin na pumunta rito.

Nakita ko na natigilan si Kuwai sa narinig sa akin. He clenched his jaw. Just a mere mention of Raiven's name and his dark expression is diminishing. Napansin ko rin ang paghinto at pag-iiba ng ekspresyon ng last section.

Tatalikod na sana ako nang mabilis siyang umimik.

"What about Raiven? Aaminin mo na ba kung saan siya nagpunta?" tanong niya sa akin at umismid ako.

Uulitin ko na naman ang mga litanya ko sa kanila.

"Sinabi ko na na hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Narito ako para sabihin na tatawagin namin siya mamaya at gusto kong magkausap kayo." he was stunned when I mentioned Raiven's name a while ago but right now he looks more suprise on what I told him.

Suminghap sila Skio sa narinig mula sa akin. Para bang hindi makapaniwala na ipapakausap ko si Kuwai kay Raiven.

"Tatawagan? Do you have her new number?" Skio asked. I shook my head.

"No, just her old phone number. I just know when is the right time to call her." napatitig nang mariin sa akin si Kuwai. Hindi pa rin nawawala ang galit kahit na nahaluan na iyon ng interes sa kung anong sinasabi ko.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now