Kabanata 252

6.3K 306 173
                                    

Kabanata 252:
Truth

Nagkabuhol-buhol ang hibla ng buhok ko nang umihip ang malakas na hangin nang huminto ako para tanawin ang isang kilalang kilala ko na lugar. Kanina kahit malayo pa ito sa paningin ko noong nasa loob pa ng sasakyan, halo halong emosyon na agad ang lumulukob sa dibdib ko. Ngunit ngayon na tanaw ko na ng malinaw ang bawat parte, mas lalong nanikip ang dibdib ko.

I am standing in front of the familiar racing field where Jaydiel and I use to hangout before. Ang lugar na ito ang pinaghaharian niya noon. Ito rin ang lugar kung saan unang beses kong matutong magkarera. Every corner of this place, I could remember Jaydiel.

Lahat ng parte nito, siya ang naaalala ko.

Halos kulang na lang maramdaman ko ang presensiya niya sa lugar na ito. The ends of my hair sway again as another wind blow towards my direction. Dahan dahan akong humakbang para lumapit sa field.

It's just sad that this place looks abandoned now. Nagulat ako na tahimik na lugar ang bumungad sa akin. Malayong malayo sa nakasanayan ko noon.

There was diamond mesh around the field, covering it from those people who will try to sneak in. Nakita ko pa ang karatula na nakapaskil sa gilid noon.

"Do not cross. Private property."

Ngunit mukhang katulad ko, ang mga pumupunta rito ay hindi nakikinig roon. May hati sa gitnang parte ng bakod, mukhang malimit na may pumapasok o tumatawid sa kabila. Sa itsura ng lugar, mukhang akma itong taguan.

The place was so silent. It's giving me a solemn and eerie presence. The low creaking of metal from a distance is giving me chills. I couldn't feel the presence of fun and happiness here anymore. I miss the loudness of the crowd. The cheers, the whistle, the roar of the engines.

It seems like the fun and wildness die a long time ago. Sa pagkakatanda ko, buhay pa naman ito kahit papaano noong narito pa ako. Ngunit siguro noong mawala ang hari ng kalsada, unti-unti na ring nawala ang sigla ng karera.

Maraming tuyong dahon ang nakalatag sa field. Iba na rin ang itsura noon mula sa nakasanayan ko. May mga damo nang nagsisimulang itago ang lugar. Ang maraming ilaw na nakakabit sa mga poste na nagbibigay liwanag rito tuwing gabi ay mukhang hindi na gumagana, ang iba ay basag pa. Kinakalawang na rin ang mga poste. May mga ilan pang naiwang sasakyan sa gilid na nagmukha ng luma dahil sa alikabok at duming nakabalot sa katawan noon.

Akala ko kahit papaano may lugar rito na maghahatid sa akin ng saya, pero wala pala.

"Sabi ko na nga ba at dito ka didiretso." napahinto ako sa pagtanaw sa lugar. I stilled a bit when I heard a sudden voice. Huminga lang ako ng malalim nang makilala ang tinig.

Her shadow moves as she walks towards me.

"Alam mo bang hindi maganda ang ginawa mo na pagkatapos mong sabihin sa aming wala kang napala sa mansiyon niyo, ay hindi ka magpapakita at didiretso pa rito?" ani Winona at huminto siya sa gilid ko. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"I don't have much time to explain. Isang araw lang tayo rito, hindi ba? Kailangan kong dumaan rito." mahinahon kong sagot. Hindi ko inaasahan ang presensiya niya rito. Gusto ko sanang mag-isang tignan ang lugar. Pinahahanap na ba ako ni Daniel, kaya siya narito?

"If there's consequences on going here, then I'll face it." saad ko nang hindi siya umimik at bumaling sa lugar na tinatanaw ko.

"Diyan ka naman magaling eh." aniya. Naningkit ang mga mata ko at bumaling sa kaniya.

"What do you mean?"

"Doing wrong things. Blaming yourself then take the consequences..." she said lowly as her eyes turn blank.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now