Kabanata 245

7.6K 333 125
                                    

Warning! Read at your own risk!

Kabanata 245:
Lace

"Hindi mo naisip na mas lalo akong magagalit kapag naglasing ka ng ganito?" pikit na ang mga mata niya pero dinilat niya ang mga iyon nang marinig ang sinabi ko. He look up to me and worry cross his eyes.

"Are you mad?" hindi ako nagsalita. I only look at him sharply. Umihip ang malamig na hangin sa direksiyon namin at tumingin si Kuwai sa suot ko. His lips twisted when he look at my pajama.

"How can we solve our argument if you can't talk to me properly because of your state," I said.

"I ask you to talk to me a while ago but you refuse... thrice." napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko para akong nasapol ng bato roon dahil hindi ko naman maitatanggi na tama siya. Tumanggi nga ako tapos ngayon sinasabi ko na mag-usap kami?

Parang niloloko ko lang ang sarili ko. I closed my eyes and sigh.

Sumabog ang buhok ko nang mas lumakas ang ihip ng hangin. Hahawiin ko na sana ang mga nakatabing na hibla sa mukha ko ng maunahan ako ni Kuwai na gawin iyon. He sigh as he gently fix my hair strands. I was stunned that I stared at him. Napahinto ako at tumingala sa kaniya.

"Let's continue this conversation at home. Umuwi na muna tayo." aniya sa mahinahon na tono. He put some loops of my hair in the side of my ear and hold my wrist as we continue walking home. My heart is thumping furiously.

Tahimik ako habang naglakakad kaming dalawa. I don't know what just happened that I suddenly lost the strength to speak, even though I have a lot of words to tell him in my mind.

I glance on Kuwai and I saw his serious face. Diretso ang tingin sa nilalakaran namin. Hindi na ako tuluyang nakaimik pa, at hinayaan na lang ang mapayapang pagkakataon na iyon para sa aming dalawa.

"Bakit ang tahimik ng bahay?" saad ko nang dumating kami. Binitawan niya lang ang kamay ko ng isarado niya ang pinto ng rest house. Kumunot ang noo ko nang pagmasdan ang loob ng rest house.

The rest house was so silent. Kakaiba ang katahimikan. Alam kong tahimik na ayos ang sasalubong sa amin, lalo na at may possibilidad na tulog na silang lahat pero may kung ano sa katahimikan na iba ang iniisip ko.

I look at Kuwai and he shrugged at what I said. Umupo siya sa couch.

"Mukhang dinala na sila ni Zillah sa kabilang rest house." aniya at mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko.

"Kabilang rest house?" nagtataka kong tanong.

"I ask them to give us privacy so they're not sleeping here tonight." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mabilis akong nagmartsa para harapin si Kuwai. Halos padabog pa iyon.

"W-What?" halos pahisteryang singhap ang nasabi ko.

"Bakit parang kinabahan ka?" ani Kuwai at pilyong ngumisi sa akin. I throw the pillow on him and he chuckled as he catch it. Napailing ako. Ibigsabihin kami lang dalawa ang narito ngayon!

Kaya naman pala sobrang tahimik! Kahit ihip ng hangin wala akong marinig.

"Nakita ko sila Pierce kanina rito! And they said Helix and Xerox are already sleeping in there room here!" saad ko. Hindi pa rin magawang paniwalaan na umalis nga ang mga last section para iwanan kaming dalawa rito. I can't believe it! Why they're following Kuwai's order now?

Kahit si Xerox sinunod siya?! Hindi ako makapaniwala! Anong klaseng pagsulsol kaya ang ginawa niya para mapasunod ang isang 'yon.

Xerox won't betray me like this!

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon