Kabanata 249

6.4K 316 185
                                    

Happy 1 Million Reads RTLS Season 1! Thank you so much Lollypops for always supporting me! You're one of the best thing that happened in my life. (◍•ᴗ•◍)✧*。

Kabanata 249:
Sleepless

"Kumain ka na?" I almost flinched when I suddenly heard someone speak as I step out from the comfort room. Doon ako nagbihis. Napasapo ako sa dibdib at nagkatinginan kami ni Daniel. Bumuntong hininga ako nang makita siya.

Kakatapos ko lamang magbihis at hawak ko pa ang tuwalya para patuyuin ang buhok ko. Hindi ko inaasahan na narito siya sa loob ng kuwarto ko dahil mag-isa ako ng dumating rito. Nakaupo siya sa kama at tumayo lang nang makita ako.

"Sorry, I didn't intend to suddenly sneak here," he said when he noticed my reaction. Huminga ako ng malalim. Nakabawi sa gulat.

"It's fine. This is your headquarters anyway." I said in a monotone and continue drying my hair using the towel. Naningkit ang mga mata sa akin ni Daniel.

"Kumain ka na ba?" ulit niya sa tanong kanina. Sinulyapan ang tray na hindi ko man lang nabawasan ng kahit kaunti. Tubig lamang ang nagalaw ko roon. Huminga ng malalim si Daniel, tila nasagot niya na ang sariling tanong.

"This food is already cold. Papapalitan ko na lang sa kasambahay." aniya at sinulyapan ako. Simple lamang akong tumango roon at matipid na sumagot.

"Okay."

"Anong pagkain ang gusto mo? Ayaw mo ba nito? Ipaghahanda kita sa kasambahay ng putahe na gusto mo." napabaling ako sa kaniya dahil roon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito kabuti ang trato sa akin ni Daniel.

"You don't need to babysit me, Daniel. Wala lang talaga akong gana." nagtaas siya ng kilay sa sinabi ko pero nanatili ang seryosong ekspresyon.

"I am not babysitting you. I am here to check on you. You're one of my agents now. I should make sure you're in good condition before you start your role here." he said emphasizing his serious tone at every word.

Binaba ko ang towel at inabot ang suklay sa side table. Umupo ako sa upuan na naroon. Nakatalikod kay Daniel.

"Paano ka makakapagsimula kung matamlay ka at mahina? Baka unang araw mo pa lang, malamig na bangkay mo na agad ang bumalik sa amin." tumatagos ang tingin niya sa akin kahit pa nakatalikod na ako.

"I know my role here. Hindi kita bibiguin. Gagawin ko ang dapat kong gawin. At tatapusin lahat ng misyon na ibibigay mo sa akin." seryoso ko ring saad at tinitigan na lamang ang suklay sa palad.

"You should, Raiven. I will ask the maid to bring you another food here. Make sure, you'll eat." aniya ngayon sa tonong nagpaparamdam sa akin na isa siya sa mga may mataas na posisyon rito at nasa ibaba niya lamang ako. Dapat ko lamang siyang sundin Hindi na ako umimik pa roon.

Kahit anong masarap na pagkain siguro ang ihain niya sa akin, hindi pa rin ako gaganahan na lantakan iyon. Kahit pa siguro paborito ko pa. I can't find my appetite. I can't eat. Para akong may sakit.

Hindi ko mahanap ang gana na kumain dahil... nakasanayan ko na kumain sa isang malaking hapag... kasama silang lahat.

Sa tabi ko si Kuwai, sa harap si Xerox at sa kanan ko ay si Helix. I miss the loud dining table. I miss the fun while eating. Hindi ko mahanap hanap iyon sa ganitong katahimik at saradong kuwarto dahil wala rito ang... presensiya nila.

Sanay naman akong mag-isa non eh, pero simula nong nasanay na ako sa kanilang lahat... nagbago na iyon.

Paniguradong babagsak ang timbang ko sa paglipas ng araw, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko pipilitin ang sarili na kumain kung ganito ang pakiramdam ko.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt