Kabanata 232

7K 381 227
                                    

Happy 100K reads RTLS Season 3!!

Kabanata 232:
Kid

Zillah's POV

"P-Please, Raiven huminahon ka." si Levi na nanginig ang tinig nang idiin ni Raiven ang dulo ng baril sa kanyang sentido. Napapikit si Levi pero sinubukang huminahon sa kabila ng takot.

"Magpaliwanag kayo sa akin kung bakit kayo nagtraydor!" sigaw ni Raiven. Napatalon ang ilang lalaki na kasama ni Levi. Walang nagawa kundi tumingin lang at itaas ang kamay. Pamilyar sa akin ang mga mukha nila pero hindi ko kilala sa pangalan.

Acid is frowning. Mukhang malapit nang maubusan ng pasensiya. Parang siya pa yata ang kakalabit ng gatilyo ng baril.

"May kasunduan tayo, at pinagkatiwalaan ko kayo! Tapos babaliktad din kayo sa huli!" si Raiven at tumingin isa-isa sa kanila na sabay sabay nag-iwas ng tingin sa kanya. Ang pinakamatangkad sa kanila ay yumuko.

I creased my forehead. Why they all look guilty? Ilang beses ko na silang nakita pero limot ko na ang mga pangalan nila.

"M-Magpapaliwanag kami, p-pero please huwag mo akong tutukan ng baril. Hindi ako makapagsalita nang maayos." si Levi ulit. Mukhang mga walang dila ang kasama niya at siya lang ang tanging may lakas ng loob na magbukas ng bibig.

Nag-angat ng tingin si Raiven sa pinakamatangkad sa kanila.

"Gaspar, magsalita ka." utos niya. The guy Raiven called swallowed hard as if he was so nervous. I frown. He has a muscular body and an overwhelming height, and yet he looks scared. Mas matangkad pa nga siya sa akin ng ilang pulgada.

"S-Si Levi ang nakakaalam ng lahat." aniya at sumulyap kay Levi na hindi nagbabago ang ekspresyon.

"You won't talk or I----" Levi immediately cut Raiven's sentence as if he's so threatened by that. Agad niyang binuksan ang bibig.

"Hindi ka namin trinaydor!" awat ni Levi na pikit ang mga mata. Nagsalubong ang kilay ni Acid na para bang hindi na kayang hindi sumabat ngayon.

"Anong hindi? Halos patayin niyo na kami noon, nadaplisan pa ng bala at napuruhan ang iba sa amin! At hindi pagtraydor iyon?!" reklamo ni Acid na gusto nang balian ang buto ng isa sa kanila.

"Sabihin niyo ang totoo! Don't try to lie or I'll break your neck!" banta ni Raiven. I massaged the bridge of my nose. Sunod sunod na tumango si Levi roon, bakas ang tensiyon at kaba sa kanya.

"A-Alright, alright. Sasabihin ko ang totoo!" si Levi na nagpapanik na.

"Then start now!" Raiven demanded. Sumulyap pa si Levi sa mga kasama at mas lalong humigpit ang hawak ni Raiven sa leeg niya. Napadaing si Levi at sa kabila ng takot ay nagsimula nang magsalita.

"Raiven y-you know us, we're committed to follow you." Levi said. Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ni Raiven.

"You are but you disobey me." Raiven said. She's starting to be serious now. Hindi na lang tuloy si Levi ang ginagapangan ng kaba ngayon kundi pati na rin ako.

"Hindi kami nagtraydor! May nag-utos sa aming gawin 'yon!" giit naman ni Levi. Napatitig ako sa kaniya dahil roon at nagtagal ang tingin sa kanya si Raiven na naningkit ang mga mata.

Lumuwag ang pagkakahawak ni Raiven sa kanya. She loosened her hold on Levi, and he just cried in pain when Raiven throws him in the floor. Lumagapak siya sa sahig at napapikit siya sa sakit. Yumuko sa kanya si Raiven gamit ang mga matatalim na mata.

"Sino?" she said coldly. Ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid na ngayon habang hawak pa rin ang baril. Ngunit sa ekspresyon niya ngayon parang sapat ang isang sipa para mapawalan ng malay si Levi.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon