Kabanata 221

8.6K 436 237
                                    

Kabanata 221:
Moment

I was peeling fresh fruits when I suddenly took a deep breath. Nakabalik na ako sa kuwarto ko, kung nasaan si Kuwai at Zillah natutulog. Malalim at mahimbing pa rin ang tulog nilang dalawa. Kaya tahimik ang kuwarto at rinig na rinig ko ang malalim nilang paghinga.

Saglit lang ako na nakatulog kanina pero hindi na muling dinalaw pa ng antok. Malalim pa rin ang iniisip ko tungkol kay Daniel.

Iniisip ko ang ilang mga posibilidad kung kakampi ba namin siya o kaaway. Kung magiging kakampi, hindi ko alam ang magiging reaksiyon. Sa isip ko malaki ang tiyansa na kaaway siya, I am certain loathed me from what happened to his brother. They are surely thinking that I killed Jaydiel.

The case of who really shot him is still unknown. Hanggang ngayon wala pa ring nalalaman si Jhomer kung sino ba ang totoong bumaril sa kanya. Wala kaming mahanap kung sino ang tunay na gumawa noon at dahil ako ang kaharap niya noong mga oras na iyon ay paniguradong iniisip ng pamilya niya na ako ang pumatay sa kanya.

Kasi, kanino pa ba naman nila ibubunton pa ang sisi? Kung walang nakitang ibang tao roon na kasama si Jaydiel bukod sa akin. Kaya paniguradong sa huli sa akin lahat babagsak ang akusasyon. Kahit sariling kamag-anak ko sa akin nakaturo ang mga daliri.

I never saw Jaydiel's family again after I found out from Jhomer that they immediately flew out of the country after Jaydiel's funeral. I never know if they came back here after all that happened. Kanina ko lang muli nakita si Daniel pagkatapos ng bahagyang mahabang panahon.

Iniisip ko rin kung bakit narito siya sa Ilo-Ilo. Sino ang pakay niya? Wala akong ibang maisip kundi ako ang sadya niya rito. Ano pa nga bang maaring iba pa niyang dahilan hindi ba? Ako lang. Bakit pa ba siya biya-biyahe sa lugar na ito?

Nagtungo ba siya rito para sa paghihiganti sa akin para sa kapatid niya?

I was thinking deeply when I saw Kuwai move on my peripheral vision. I heard him groan lowly. Natigil tuloy ako sa pagbabalat ng prutas. Nilapag ko muna ang hawak sa side table at dahan dahan na naglakad patungo sa kanya. Napansin ko na nasa tiyan niya na ang kumot. Akala ko naalimpungatan lang siya dahil nilalamig pero dahan dahan niyang binuksan ang mga mata.

Our eyes met and I put my left hand to his hair. My finger gently comb the strands of his hair. I hummed softly to make him fall asleep again. Ilang oras pa lang siyang tulog, hindi pa iyon sapat para makabawi sa mahabang oras na dilat ang mga mata niya.

"Matulog ka pa." mahina kong saad, parang bulong na. He look up at me and I feel him sigh in relief.

"Hindi na..." sagot niya at bahagyang kinusot ang mga mata.

Dahil hindi ako dinadalaw ng antok ay napagdesisyonan ko na lang na maghanda ng pagkain para pagkagising niya. It's Lunch time already.

"How was your sleep?" I ask softly while gently tossing his hair on my fingers. I slowly rolled his hair strand on my finger and slightly played with it.

He's rubbing his eyes as he looks up to see me clearly.

"Fine." bahagyang paos ang tinig niyang sagot. I continue to hum while tossing his hair. Giving him a lullaby so he could go back to sleep but I think he won't sleep again as what he said.

Tumitig siya sa akin habang mahina akong humihele para patulugin siya. I gasped when he slowly snaked his arms on my waist and pulled me closer to him. My lips twitched a bit when his hands stayed on my small back.

"You're gone when I was asleep, right?" tanong niya sa normal na tinig. Ako naman ang napatitig sa kanya at namilog ang mga mata.

"Paano mo nalaman?" gulat kong tanong. Sa pagkakatanda ko mahimbing ang idlip niya noong umalis ako. Sinigurado ko dahil hindi ako makakaalis kung hindi.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now