CHAPTER 7

4.5K 79 0
                                    

Chapter 7: Chance

SASHA REIN SALVATORE

Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi ko na siya ulit nakita pa. Kahit na tumatawag siya kagabi ay hindi ko na sinagot. Ayoko munang makita siya kahit na alam kong imposible dahil bukas na ng gabi ang Engagement Party namin. Nakakasuka mang isipin pero alam kong tuloy na talaga ang kasalanang ito.

Nandito ako ngayon sa harap niya.

Pinagpag ko ang mga alikabok at ilang tuyong dahon sa lapida niya bago ko nilagay sa gilid ang bulaklak na dala ko which is white lily, her favorite flower.

"Ate, Kamusta ka na?" sambit ko at umupo sa gilid ng lapida niya. Hinaplos kong muli ang lapida niya.

"Ang tagal na pala nung huling binisita kita. Limang taon na rin ang nakalipas. Sorry, Ate. Siguro nagtatampo ka na sa 'kin 'no?" Pinikit ko ang mga mata ko, dinamdam ang haplos ng hangin bago binuksan muli at tumingala sa langit. Tahimik kong pinagmasdan ang langit. Payapa at tahimik ang paligid.

"Ang ganda ng langit, parang ang payapa lang." napabuntong hininga na naman ako. "Nandiyan ka ba, Ate? Nakikita mo ba ako? Ate, nagkita kami ulit nung gagong dahilan ng pagkamatay mo. Punong puno ng galit ang puso ko Ate. Alam kong kung nabubuhay ka ay magagalit ka sa akin kasi sabi mo masama mag ipon ng galit pero ang hirap kasi Ate. Alam mo Ate, ipinagkasundo ng pamilya namin na ikasal kami. Alam mo na, 'merging in business industry means wedding. Tsk. Kung may magagawa lang ako, hinding-hindi ako papayag. Baka kasi mapatay ko siya. Tuwing nakikita ko kasi ang mukha niya, Ate, ang sakit pa rin. Ang sakit pa ring isipin na nagawa mong iwan ang mundo dahil sa kanya." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Umiiyak na naman ako. It's been five years pero 'yung mga nangyari, hindi ko pa rin makalimutan.

"Alam kong ang dami na ng pinagbago ko Ate. Pero Ate, ako pa rin 'to. 'yung favorite sister mo. Pinilit ko lang ilayo 'yung sarili ko sa mga bagay na nakakasakit sa akin. Pinilit ko lang maging matigas ang puso ko. Pinilit ko lang maging malakas. Kasi wala ka na." Halos ibulong ko na lang ang huling mga salitang iyon.

"Ang daya mo kasi, e. Bakit kasi ang excited mo na iwan kami? Ate, ang sakit talaga. Ate, siguro kung nandito ka, masaya ako. Hindi siguro mapupuno ng galit 'yung puso ko. Hindi siguro ako magiging ganito. Ikaw 'yung taong nakakaintindi sa akin, e. 'yung kakampi ko kaso iniwan mo 'ko. Iniwan mo 'ko." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi pero hindi ko kaya.

"Bakit kasi a-ang daya mo? B-Bakit iniwan mo kami? Bakit iniwan m-mo ako?" Humihikbing sambit ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko at hinayaang bumuhos ang mga luhang limang taon ko ring pinigilan kasabay nang pagbalik ng mga alaalang hanggang ngayon nakabaon pa sa puso ko. Bawat alaalaang nakaukit sa puso ko.

Inangat ko ang ulo ko at tumingalang muli sa langit. Pakiramdam ko nakangiti sa akin ang langit. Ate, ikaw ba 'yan? Nakikita mo ba ako? Bahagya akong napangiti sa isiping iyon. Siguro binabantayan mo ako.

"Ate, panoorin mo lang ako. I promise you, sisingilin ko siya ng sobra pa sa sobra. Umpisa pa lang ito, Ate. Sisingilin ko siya. He'll pay. I'll make sure of that."

***

JAX TRAVIS BUENAVISTA

Damn that girl, hindi talaga nagtext o kung ano man. Tsk. Edi 'wag. I'm Jax Buenavista, hindi ako ang naghahabol.

Maaga akong nagbihis at nag ayos dahil gusto kong mag bar para mawala siya sa isip ko. Sigurado akong mawawala rin siya sa isip ko. Tutal bukas ay engagement party na rin naman namin, susulitin ko na ito.

Kakapasok ko lang sa loob ay sinalubong na agad ako ng mga babae.

"Hey, Jax." Hinawakan ko sa bewang 'tong babae sa kaliwa ko while inakbayan ko naman ang babae sa kanan ko.

Pained and Tormented (COMPLETED)Where stories live. Discover now