CHAPTER 10

4.6K 88 0
                                    

Chapter 10: Sabit

SASHA REIN SALVATORE

It's been a week since our engagement party and five days before my graduation day. Hindi ko maiwasang ma-excite at the same time ay madismaya dahil malapit na rin ang kasal namin, which is two weeks from my graduation.

Bahala na, sa ngayon ang graduation ko muna ang iisipin at aasikasuhin ko. Isang linggo na rin mula ng huli kaming magkita na labis ko namang ikinatuwa. Wala naman akong pake kung anong ginagawa niya at pabor na pabor sa akin ang hindi niya pagpapakita. Isa lang ang kinaiinisan ko mula ng mabalita ang tungkol sa engagement namin. Mas lalong dumami ang fans and bashers ko, by that it means kahit saan ako pumunta ang daming matang nakasunod. Sanay na naman ako kaso nakakainis pa rin lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa amin ni Buenavista katulad na lang ngayon.

Nasa school ako dahil wala naman akong schedule kaya naisipan kong bumisita rito na sakto naman dahil nag-pa-practice sila para sa graduation namin. Tuwang-tuwa rin naman ang principal sa balitang dadalo ako ng graduation, for I know gagamitin lang naman nila ako for marketing purposes. 

"Hindi naman siya ganun kaganda."

"Isa kasi siyang Salvatore."

"Tumpak ka d'yan pero kung hindi naman siya isang Salvatore sigurado akong hindi siya papatulan ni Papa Jax."

"Gaga, anong papatulan ka d'yan? Walang choice si Papa Jax."

"Oo nga pala. Merging na nga pala ang Buenavista at Salavatore Group of Companies."

Kanina pa nila ako pinagbubulungan, hindi ko nga alam kung bulungan bang matatawag 'yan kung naririnig ko naman. Hindi ko na lang sila pinansin, dahil una sa lahat hindi ko gawaing magsayang ng oras sa mga walang kwentang tao na wala namang ambag sa buhay ko pero ang lakas nila akong pag chismisan. Sioguro kung may kurso lang na para sa mga chismosa at pakielamera, nabaliw na ang CHED sa dami ng Cum Laude. Tsk. Mga tao nga naman. Hindi na lang atupagin ang sariling buhay.

Break kasi namin kaya siguro chismisan ang ginagawa nila. Nagsasayang lang sila ng oxygen. 

Hindi naman ganun kahirap ang gagawin namin. Tinuro lang sa amin ang pag martsa papasok ng auditorium at kung saan kami uupo pagkatapos. Pati rin ang pag akyat sa stage at pagkuha ng diploma ay inensayo namin. Marami pang itinuro sa amin.

Pagkatapos ng higit dalawang oras natapos na rin. Pinaalala lang ulit sa amin ang mga inensayo namin bago sinabing pwede na kami umuwi. Balik na lang daw bukas at para ma-finalize ang gagawin. Wala pala akong kasama dahil pinaalis ko si Mira kanina, wala rin akong dalang sasakyan dahil si Mira ang naghatid sa akin kanina. 'Di bale na, magcocommute na lang ako, marunong naman ako.

Tumayo na ako at dumiretso ng banyo. Magpapalit muna ako ng damit dahil natuyuan din ako ng pawis.

Kakatapos ko lang magpalit ng damit at nag-retouch na rin ako dahil kailangan presentable pa rin ang itsura ko dahil kilala akong modelo at galing sa kilalang pamilya. Pero kahit naman pawisan ako, maganda pa rin ako kaya nagpulbos lang ako. 

Palabas pa lang ako ng bathroom ng auditorium rinig na rinig ko na ang ingay at mga tilian. May dumating bang artista? O baka dumating ang EXO sa pinas?

Nakita ko ang pinagkakaguluhan nila ng tuluyan akong makalabas ng comfort room. Wala sa nabanggit ko ang pinagkakaguluhan nila dahil isa lamang itong hamak na malanding lalaking isa rin sa mga nagsasayang ng oxygen sa mundo. Bakit kasi, hindi na lang sila huminga ng matiwasay? Tsk, anong ginagawa niya rito?

Ayoko sana siyang makita ngunit huli na dahil nag tama na ang mga mata namin. Malalaki ang hakbang niya papunta sa direksyon ko na naging dahilan para mahawi ang mga tao.

Pained and Tormented (COMPLETED)Where stories live. Discover now