CHAPTER 27

4.3K 98 1
                                    

Chapter 27: Chasing Happiness

SASHA REIN SALVATORE

It's been two months and he's still sleeping. Although nakalabas na siya ng ICU. Nasa private room na siya rito sa St. Lorenzo Hospital.

At dalawang buwan na rin akong pabalik-balik dito. Ako na nga madalas ang nag-aalaga sa kaniya e.

"Feeling mo siguro ikaw si Sleeping Beauty kaya ayaw mo pang gumising. Hinihintay mo bang halikan kita? Asa ka." The doctor told us to keep on talking to him daw. Mas makakatulong daw ito sa kaniya. As much as possible make it as normal like just having a normal conversation with him.

That's why I talk like this. Like I used to. Nasanay na rin kasi ako kaya mahirap ng baguhin. And this is how we talk to each other.

"Hindi ko pa rin alam kung bakit mo 'ko sinundan sa Rome. Kung susundan mo pala ako edi sana nagpakita ka. Bakit ka umuwi agad tapos magpapa-aksidente lang, 'di ba?" Nagbabalat ako ng mansanas. Baka kasi bigla siyang magising, edi may makakain na siya.

"Medyo tanga ka sa part na 'yun. Sino ba kasing iniisip mo at hindi ka makapag-focus sa pagmamaneho?" Tinabi ko ang nabalatan at nahiwang mansanas.

Bumalik ako sa pagkakaupo at pinagmasdan siya. Gumagaling na ang mga sugat niya pero may iilan pa ring matagal pa siguro bago mawala.

"Alam mo ang peaceful ng mukha mo, parang walang gagawing kalokohan." Napailing ako sa naisip.

"Nakakarindi ang kadaldalan mo dati pero hindi ko alam na mamimiss ko pa lang marinig ang boses mo."

Tumingin ako sa relo ko. "Kailangan ko na pa lang umuwi. Dadaan pa ako ng office. Balik ako bukas, sana naman gising ka na."

Lumabas na ako ng kwarto niya.

Isang araw na naman ang natapos. Kailan ka ba gigising?

*********

Tinapos ko ang papel na kailangan kong ipasa. Ayaw pa nga ni Dad na bumalik ako sa office pero I insist. Mas nakakabaliw kapag wala kang ginagawa, and I don't want to go insane.

But I still managed to go to the hospital and work at the same time.

I'm a professional multi-tasker, you know.

I'm packing my things when I heard a light knock on my door.

"Come in." I slid the documents into a clear folder and arranged them on my desk. Si Sheerah na ang bahala rito. I can't attend the meeting tomorrow, dahil pupunta akong ospital. That's why Dad will attend it himself.

"Ah, Ma'am. Pupunta po ba kayo kay Sir bukas?" Sheerah asked.

"Yes. By the way, I've already arranged the documents needed for tomorrow's meeting. I'll leave it here on my desk. Please do me a favor, okay?" Tumango naman siya. I packed my things, I need to go home dahil maaga pa ako bukas.

"Hindi pa rin po ba siya gumigising?" Napahinto ako sa ginagawa at napataas ang kilay sa kaniya. I glance at her and continue what I was doing.

"Concerned?" I can't help but ask. I sounded sarcastic. Okay, what was that Sasha?

"Oo naman po." I can hear the concern in her voice. I looked back at her and was about to say something when she kept on going.

If only it's possible to see heart shapes in her eyes, then that's how I'll describe how she looks right now.

Does she like Travis?

"One of a kind po kaya si Sir. Hindi niyo lang po alam kung gaano po kayo kaswerte kay Sir. Nung naghiwalay po kayo, lagi po akong pinapaalalahanan nun na dalhan kayo ng lunch at siguraduhing kakainin niyo ito dahil alam niya po kung gaano kayo ka-focus sa trabaho niyo at nakakaligtaan niyo na pong kumain. Kaya nga po kung ano-ano na lang idinadahilan ko sa inyo. Pati po kape niyo sa umaga tinatakbo ko pa po sa favorite niyong shop dahil need niyo raw pong uminom nito para maging maganda ang umaga niyo. Lagi niya rin po kayong sinisilip sa office niyo. Para po siyang naging secret admirer niyo. Kahit ang sabi niya po sa akin kaya hindi siya nagpapakita is baka magalit kayo at iwanan niyo na siya ng tuluyan. Kaya po nung nalaman niyang umalis po kayo papuntang Rome ng walang pasabi, inakala niya pong hindi na kayo babalik. Kaya po siguro sinundan niya kayo." She then turned her gaze at me and plastered a genuine smile on her face.

Pained and Tormented (COMPLETED)Where stories live. Discover now