CHAPTER 17

4K 78 0
                                    

Chapter 17: The Plan

SASHA REIN SALVATORE-BUENAVISTA

"Your husband seems jealous of us," Santi chuckled, looking at our back where Travis is. Kanina pa ito nakasunod sa amin. Medyo malayo siya ngayon dahil may kausap ata sa telepono.

I rolled my eyes at him.

"Kilabutan ka nga," I hissed. Mas natawa naman siya sa reaction ko.

"Why?" he asked, still chuckling. "You want to get back at him, right? Why not use it to your advantage?"

I frowned. "What do you mean?"

He snapped as he thought of a great idea. "Right! You can make him fall for you and then break him. Easy!"

He clapped his hand pa like a kid na nakatama sa recitation. Really? Kung 'di lang 'to matanda sa akin, binatukan ko na 'to. Mukha siyang tanga e.

Anyway, he has a point. I can proceed with my plan by doing that. Ang kaso ayoko ngang nakikita ang pagmumukha niya tapos paiibigin ko naman siya? Ano 'to, suicide?

Pero, on the second thought, mas madali kong magagawa ang gusto ko dahil kasal na kami. Though it sounds corny and cliché, it might work. I will make him taste his own medicine, play him in his own game and break his heart into pieces. To the point na hihilingin niya na lang mamatay like what he did to my sister. I'm gonna be his Karma. And I will make sure that he will never forget it until his next life.

An evil smile formed on my lips but I tried suppressing it as I saw him still talking on his phone.

Paiikutin kita sa sarili mong laro, Buenavista. Wait for it.

"Lalim ng iniisip, ah? Nakagawa ka na ba ng balon?" napabalik ako sa wisyo sa sinabi ni Santi. Kahit kailan ang corny ng jokes niya, pareho sila ni Kuya Jaq. Napapaligiran ako ng mga corny-ing lalaki. Gosh.

I just gave him a bored look then pumasok na sa isang restaurant. Nagugutom na 'ko e.

Tumigil naman siya kakatawa. "Oo na, titigil na. Pikunin ka talaga."

I met Santi in Canada three years ago when I went there for my vacation and a modeling gig. He's a friend of my co-model, Andrei. At first, I thought he was hitting on me. I mean, who wouldn't? He was always there whenever we had a photoshoot. Bringing foods and all tapos nahuhuli ko pa siyang nakatingin sa akin, so who wouldn't assume, 'di ba? He's handsome and nice naman, plus he has a deep dimple. So nung naglakas loob na siyang lumapit sa akin ay sinabi ko agad na I'm not interested to him. Tapos sagot niya, likewise. 'Yun pala, he's a friend of Kuya Jaq din at naipakilala ako ni Kuya dito, lagi raw akong kinukwento nito at inihabilin ako ni Kuya sa kaniya, that's it. After that we became friends. I don't know how. It just happen. He's also older than me, same age as Kuya Jaq, 25. That's why we're close. Inaasar niya rin ako. And I don't call him Kuya, bilang ganti. He's just 25 in age, but his mentality is of 7 years old child. Childish.

Natapos ang araw na usap lang kami ng usap ni Santi. Paminsan-minsan ay sinisingit niya si Travis. Naawa siguro. Well, whatever.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Si Santi naman doon siya sa hotel na pinag-check-in-an niya, sayang naman daw kasi ang 5 days stay niya doon. Hindi pa naman gabi pero umuwi na kami para magpahinga. Napagod ako kakalakad e. At may gagawin pa raw si Santi, kita na lang daw kami ulit bukas. While, 'yung isa naman, hindi ko alam. At wala na akong balak na alamin.

Oo nga pala, last day na namin bukas. Tapos the day after tomorrow, uuwi na kami. Maaga pa ang alis namin dahil may surprise daw ang pamilya 'namin.' As if.

Anyway, isang araw na lang din pala at matatapos na ang ceasefire namin. Kaya naisip ko na naman ang sinabi ni Santi kanina. About that plan. It's not bad naman talaga, just a bit evil, I guess? Pero kapag kasi ginawa ko 'yun, I need to pretend. Pretend to be nice and sweet to him. And by just thinking for it, I can't but feel goosebumps. Isa pa, baka mahalata niya ako. So I think bago matapos ang ceasefire, kailangan ko na umpisahan.

Pained and Tormented (COMPLETED)Where stories live. Discover now