CHAPTER 21

3.8K 65 0
                                    

Chapter 21: Truth and Lies [PART ONE]

JAX TRAVIS BUENAVISTA

Simula nung malaman ko ang katotohanan tungkol sa amin ni Rein. Hindi na kami muling nagkausap. Bumalik na ako sa dati kong gawi. Hindi ko na inisip 'yung mga sinabi niya. She's just trying to justify her reason for fooling me. But in the end, it won't change the fact that she fooled me.

"Hmmm. More Jax..." Halinghing nitong babaeng kasama ko sa cubicle sa loob ng BC bar. Walang ibang maririnig kundi ang ingay naming dalawa nitong si. Oh, well hindi na 'yun mahalaga.

Kung tutuusin, what we're doing right now is against the rules of the BC bar. But no one will dare to do anything because this is my bar and this is my villa. I can do whatever I want.

Natapos ang make out session namin nitong babaeng hindi ko na maalala ang pangalan.

I buttoned my polo and make my way out of the cubicle.

"Are we done? Don't you want some round two?" malanding sambit nitong babae habang hinihimas ang likod ko. Tinignan ko naman ito sa salamin.

"No, we're done. You're boring," bagot kong sambit at iniwan na siyang mag isa ro'n. Bumalik ako ng counter.

"Jaguar."

"Sir. May mga nakarinig po nung ginawa niyo sa restroom. Nagrereklamo po 'yung iba kung bakit kayo raw po ay pwede at bawal silang gumawa ng milagro dito."

"Tell them to buy their own villa and do it there. Stupid fuckers," I answered then drink the glass of Jaguar. I own this so I can do whateverdamn thing I want to. They don't tell me what to do. 

Halata naman na may gusto pang sabihin si Neven pero hindi niya na lang tinuloy.

Patuloy lang ang pag-inom ko ng alak ng dumating sila Pierce at Yael.

"Tol. Gago, nabalitaan namin 'yung ginawa mo. Ikaw gumawa nung rules na 'yun tapos ikaw pa lalabag. Saka bakit ba ganito ka na naman? Pag nalaman 'to ng Lolo mo, lagot ka na naman. Saka 'di ba dapat nandoon ka sa tabi ng asawa mo? Gago ka pare, kasal ka na kaya." Tuloy-tuloy na sermon ni Pierce sa akin. Sarap talaga tapalan ng stapler 'tong bibig ng lalaking 'to. Kalalaking tao ang daldal.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pag inom. 

"Kita mo 'to. In-ignore lang ako. Alam mo Jax, kung may problema ka----" naputol ang sasabihin niya dahil pinigilan siya ni Yael.

"Let him." Buti pa 'to, minsan lang magsalita pero may pakinabang ang sinasabi. Maybe because he's older than us? Well, maturity is not based on age. 

"Tsk. Bahala nga kayo. Bakit ko ba pinoproblema ang problema niyo? Hindi bagay sa kagwapuhan ko." Umalis ito at pumunta kung saan. Malaki na siya.

Tahimik akong nagpatuloy. Tahimik lang din si Yael sa tabi ko. Kaya mas gusto ko siyang kasama e, tahimik ang mundo.

"Hindi mo ba 'ko tatanungin kung ano ang problema ko?" Hindi ko mapigilang itanong. Nagkibit-balikat lang ito at hindi na nagsalita. Sabi ko nga. Bakit ba ganito ang mga kaibigan ko? 'Yung isa nasobrahan sa kaingayan, itong isa naman, nasobrahan sa katahimikan. Ako lang ang normal.

Hindi na lang din ako nagsalita pa. At hinayaan na siya, mukhang wala rin talaga siyang balak magsalita.

"Malaki ka na. Alam mo na ang ginagawa mo. You don't need to be taught what to do because you have a mind of your own. You decide. It's your life." Napatingin ako sa kaniya na nakatingin lang sa hawak na baso. Akala ko hindi siya magsasalita e. Ang haba rin ng sinabi niya.

Binalik ko ang tingin sa kawalan.

"Pero hindi ko alam kung anong gagawin. I'm lost. I don't know where to start." Napabuntong hininga ako.

Pained and Tormented (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon