CHAPTER 9

4.5K 88 1
                                    

Chapter 9: Tease

JAX TRAVIS BUENAVISTA

Yesterday's our engagement party. It's one hella tiring day for the both of us, but she does look gorgeous in her gown. Nah, gorgeous is an understatement. She's stunning. Absolutely. It's good that she's my fiancé 'cause I don't like how those bastards look at her. She's mine, back off.

Aside from that, she escaped from the party. And I accidentally saw her escaping and I don't know what happened. I just found myself following her. She went to the MOA seaside. I mean, a small stall beside it. She seemed like a different person when I saw her talking to that middle-aged woman she calls 'Manang Rita'.

I didn't expect to see that side of hers. It's so unexpected. Though it's also memorable because that was the first time I ate that kind of food and also the first time to have a peaceful moment with her. Dahil kadalasan kapag magkasama kami, lagi kaming nagkakasagutan o nagbabarahan. She's feisty at madalas ayaw magpatalo.

And even though we're always fighting and she's always in her bitch mode, I can't deny the fact that I'm starting to feel something I know won't do any good to me.

The tingling sensation in my stomach when I saw her smile and laugh for the first time. The electricity that I felt when I first shook her hand and stared at her brown eyes. The thought of wanting to see her every day. Her face, her stare, her expressions, everything about her. Even in my dream, I can see her. And this is all new to me.

It's not like this when I fell in love the last time. Ibang-iba. Hindi ganito ang epekto sa akin ni J—.

Iniling ko agad ang ulo ko. Naisip ko na naman siya. Limang taon na rin ang nakalipas.

Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya sa lalaking pinalit niya sa akin?

'Sa tingin mo? Malamang ayos na siya, hindi ka naman kawalan.'

Mapait akong napangiti at napailing sa binulong ng boses sa gilid ko. Nababaliw na ata ako. Masama na ito.

Gumulong ako sa kama at lumitaw na naman ang mukha ng babaeng 'yon sa isip ko. 'Yung babaeng walang ginawa kundi magmura at manlait. 'Yung mata niyang laging masama ang tingin sa akin o 'di kaya ay sobrang lamig at minsan ay hindi naman mabasa.

Nababaliw na talaga ako.

Kinuha ko ang cellphone sa bedside table ko at tingnan kung may text ba. Bumungad sa akin ang number ng mga dati kong babae. Nagtatanong sila tungkol sa 'relasyon' kuno namin. I don't repeat girls. Pagtapos na ako sa 'yo, tapos na.

I just skipped their messages and scroll down. Wala namang importanteng message kaya pinatay ko na muli ang cellphone ko at humiga sa kama.

Nakatulala lang ako sa kisame nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinayaan ko lang ito ngunit nakailang ring na kaya naman inis akong sinagot 'to nang hindi tinitignan ang caller ID.

"What?" sambit ko pagkasagot ng tawag.

"Wow pre, wala man lang hello?" madamdaming sagot nito. Tsk, itong kupal na 'to.

"Anong kailangan mo?" tanong ko nang hindi pinapansin ang reklamo nito.

"Psh. Nakakasakit ka talaga ng damdamin. 'Di bale bar na lang tayo. Hindi ako naka attend ng engagement party mo dahil may shooting ako kaya ngayon na lang. Ilibre mo 'ko," sagot nito.

"Namumulubi ka na ba at kailangan pa kitang ilibre?" Narinig ko pa ang pag 'ouch' niya sa kabilang linya. Kadramahan talaga ng lalaking 'to. Kung 'di ko lang 'to kilala iisipin kong may gusto 'to sa 'kin o 'di kaya ay baliko.

"Grabe ka naman, Jax. Bawal na bang magpa libre sayo ngayon? Parang 'di ka kaibigan. Ang sakit sa puso. Sige, 'wag na. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat na lang sa all," madramang sambit nito na may pag singhot-singhot pang nalalaman.

Pained and Tormented (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt