CHAPTER 18

3.8K 71 0
                                    

Chapter 18: Melting her stone heart

JAX TRAVIS BUENAVISTA

Isang linggo na rin ang nakalipas ng makauwi kami galing sa honeymoon at akala ko doon na rin magtatapos ang ceasefire namin, ngunit hanggang ngayon ay ganoon pa rin niya ako itrato.

Hindi niya na ako masiyado sinusungitan o binabara. Sumasagot na rin siya kapag kinakausap ko siya. Hindi man siya ngumingiti o tumatawa, alam ko... alam kong mas naging komportable na kami sa isa't isa. Para kaming naging magkaibigan kahit kasal naman na kami. Sapat na 'yun. It means, I'm closer to her now, I guess.

We're here at my house. Inside the BC. The house my grandma gave to me. But actually, may bahay kami. Our house as a married couple. A gift from our families. A simple two-storey house with two bedrooms, garage, and small garden. But it's far from here kaya we decided na dito na lang sa bahay ko. At first, Rein doesn't want to. Mag-co-condo na lang daw siya, pero dahil nga mainit ang mata sa amin ng media dahil sa merging na nangyari sa dalawang kilalang pamilya, we need to live under the same roof to avoid scandal. And my house is the only option.

Mahigpit ang security dito sa loob ng villa ko kaya naman hindi agad makakapasok ang mga reporters, kung babalakin nila.

Ang problema nga lang.

"You only have one bed?" Napahawak ako sa batok ko. Nakalimutan kong iisa nga lang pala ang kama ko rito. Hindi lang kama, lahat ng gamit dito sa bahay ko ay iisa lang. Isa lang naman kasi ako, at hindi rin ako nagpapapunta ng kung sino dito. Siya pa lang.

"Yeah, but I'll buy one tomorrow. Malaki pa naman ang space kaya kasya 'yan. And if you want, we can put a divider here."

"Just bed." Tumango na lang ako. Nilagay niya ang dalang gamit sa gilid. Malaki ang cabinet ko kaya naman inayos ko sa gilid ang akin para sa kabilang gilid ang space niya.

"You can put your clothes here."

"Okay."

Hinayaan ko muna siyang iayos ang mga gamit niya sa taas at bumaba.

Ngayon lang kami nakapaglipat dito dahil doon kami sa niregalong bahay no'ng nakaraan. Ayaw kasi patalo nung mga magulang namin. Buti na lang at pumayag si Lolo kaya wala silang nagawa kundi ang pumayag din. Basta raw gagamitin pa rin namin ang bahay dahil sayang naman kaya pumayag na rin kami.

"Isa lang din ang mga gamit mo." Hindi ko napansin na nandito na rin pala siya at iniikot ang tingin sa mga gamit ko sa kusina, pati sa sala.

"I'm living alone," I said like it was not obvious.

"You don't bring your... girls... here?"

"Nope... Not here." Napataas naman ang kilay niya. Totoo naman, sa condo ko lang sila dinadala. I never brought any girls here. Except for her, my Mom and my sister. Mom and JD went here one time only. Dahil sa mansyon kami madalas magkita-kita.

Pagkatapos niyang magtingin-tingin ay tumingin siya agad sa kaniyang relo.

"Let's go," aya niya sa akin.

"Where?"

"To buy my stuff."

********

SASHA REIN SALVATORE-BUENAVISTA

"They look so good together."

"Kaya nga e. Match made in heaven."

"They're so cute and sweet."

"Fake. Hindi naman totoo 'yan. Pakitang tao lang."

"Sino ba 'yan sila?"

I just rolled my eyes at them. Wala na silang ibang ginawa kundi magchismisan sa buhay ng ibang tao.

Pained and Tormented (COMPLETED)Where stories live. Discover now