CHAPTER 19

3.8K 74 1
                                    

Chapter 19: Falling Deeply

JAX TRAVIS BUENAVISTA

It's been almost 3 months since our marriage started, and I think we're okay. We're not like other married couples, pero simula pa lang naman hindi na kami ordinaryo. We got married for our family's convenience. Doon pa lang naiiba na kami. 

Nagtatrabaho na rin ako sa kompanya, actually, dalawa kami. Graduate na rin kasi si Rein. Nagsimula kami last month. Dahil nga sa merger na nangyari kailangan kami ang humawak nito. Kaya kami ang representative ng sarili naming kompanya. Magkatulong kami sa pagtatrabaho. Though nag-mo-model pa rin naman siya. Ako ay tumigil muna.

Tatlong buwan ko na ring sinusubukang tibagin ang yelong nakabalot sa puso ng asawa ko. Sa tingin ko naman umuubra siya dahil nawawala na nga talaga ang kasungitan niya sa akin. Kung ako naman ang tatanungin, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa kaniya. Basta ayokong matapos 'to.

"You done?" I asked as I peeked through her door. May mga nagkalat na papel sa table niya. May hawak siyang folder na tila ni-re-review niya. Nakita ko rin ang tambak na mga papel sa gilid. Mukhang busy siya but she looks hot. She's wearing an eye glasses while her hair is tied in a messy bun.

Her office is just beside mine on the same floor. 

"Not yet. Why?" Hindi man lang ako nito nilingon at tutok pa rin sa binabasa niya.

"Let's grab lunch. Or do you want me to just order some and dito na lang tayo kumain?" I asked her as I went inside her office.

She just nodded while still reading the paper. I sighed and get the folder out of her hand that made her look at me. She looks annoyed.

"Makakapaghintay ang mga ito. We need to eat first." Inirapan niya na lang ako but she didn't say anything. She didn't cuss at me like she always does. And I think that's a good sign, right?

Anyway, I ordered us some food. Sa tatlong buwan naming pagsasama bilang mag asawa, medyo nasasanay na rin kami sa presensiya ng isa't isa. Sa bahay namin kami uuwi mamaya, the one given to us by our parents.

Natapos naman kami agad sa pagkain, halatang nagmamadali siya. She's really workaholic. Grabe. Kung hindi ko siya inaayang kumain, panigurado laging lipas gutom 'to. Siguro isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi na siya masiyadong nagsusungit sa akin. Dahil wala na siyang time.

After we ate, bumalik din agad siya sa kaniyang ginagawa. Hinayaan ko na rin siya dahil focus talaga siya sa trabaho niya kapag nandito kami sa kompanya. Sanay na rin akong makita siyang ganito. Dito pala ang office namin sa SGC.

"Sabay tayo umuwi mamaya." I think she heard me but she just doesn't have the time to answer. Napaka-workaholic talaga ng missis ko.

Bumalik na ako sa office ko at sinimulan na rin ang naiwan kong trabaho.

"Nakakapagod." Hilata ko sa kama ko. Kakauwi lang namin. We're here sa bahay na iniregalo sa amin kaya hindi kami magkasama. Magkaiba kami ng kwarto. Although medyo close na kami, there's still things that I can't do and I promise that I won't unless she wants me to. Isa na rito ang pagpasok sa kwarto niya rito sa bahay na ito. Isa ito sa mga napagkasunduan namin noong mga unang araw ng aming kasal, respect each other's privacy. Pero ayos lang naman sa akin kahit pasukin niya pa ang kwarto ko. Kahit gapangin niya pa ako. Kidding, as if she'll do that. 

Pagkatapos kong magpahinga sandali ay nagbihis na ako at bumaba sa kusina. May kasama kaming kasambahay, si Manang Lora. Siya lang ang kasama namin sa bahay. Siya ay isa sa mga matagal ng naninilbihan sa pamilyang Salvatore kaya siya ang pinadala rito. 

"Manang, ano pong niluluto niyo?" tanong ko ng makababa at maabutan ko si Manang na nagluluto. Isa sa pinakagusto ko kay Manang ay ang kakayahan niyang pasarapin kahit ang simpleng putahe. Masarap siyang magluto sobra kaya naman tuwang-tuwa ako na siya ang kasama namin kahit noong una ay akala ko masungit siya. Siguro nabihag din si Manang sa angkin kong kagwapuhan. 

Pained and Tormented (COMPLETED)Where stories live. Discover now