Chapter 3

776 25 0
                                    


REINA ALCANTARA

HABANG naglalakad ako pauwi sa amin ay dumadaan pa rin sa isip ko ang nangyari kanina sa City Market. Ayon na 'ata ang worst day ever ko dahil sa worst  person na 'yon.

Sana extra lang siya at hanggang do'n lang ang role niya, huwag na siya makapasok pa sa buhay ko dahil isang pang matagalang world war talaga ang mangyayari.

"Happy Birthday Rein!"

Natigilan ako nang marinig ang pagbati ng mga kapitbahay namin. Kahit wala ako sa mood ay pinilit kong ngumiti at kumaway sa kanila. "S-Salamat po..." sagot ko sa bawat pagbati nila.

Hanggang sa tuloy-tuloy na, binabati na ako ng mga nadadaanan kong kapitbahay na nasa labas ng kanilang bahay, pati mga batang naglalaro ng patintero sa malawak na daanan.

Inasahan ko na 'to dahil kahit hindi ko birthday ay talagang binabati nila ako ng magandang araw. Maayos ang pakitungo nila sa akin dito dahil subrang kilala ang pamilya namin dito. Maraming Alcantara dito sa Barangay 14 ng Hearts City.

Kilala kami dito, lalo na si mama na tinanghal pa nilang best kumari in town. Dahil talagang maaasahan siya, halos lahat ng tao dito sa amin ay kaibigan siya dahil sa subrang matulongin at bait niya.

Strict nga lang pagdating sa amin ni papa, lalo na sa akin, at naintindihan ko naman dahil nag iisang anak lang nila ako.


Nang nasa labas na ako ng bahay namin ay pinipilit ko munang ngumiti bago ko buksan ang gate dahil gusto kong makita ni mama na okay lang ako.

Pero nang pumasok sa isip ko na wala pala akong dalang cake at nasayang lang ang pera ay hindi ko na kayang ngumiti. Kaya nang buksan ko ang gate at hanggang makapasok ako ay makikita ang bagsak na mukha at balikat ko.

Nakatingin ako sa kanila ni mama at ng mga kaibigan niya na busy sa pagdedesinyo nitong malawak naming bakuran para sa birthday party ko mamayang gabi.

All set na ang lahat mula sa mga tables na nakaayos na at may nakalapag ng mga plato at baso. Naka display na rin ang malaking tarpaulin na may mga pictures ko at may nakasulat pang birthday greetings.

Sa gilid naman nito ay mga makukulay na balloons at mga bulaklak na idinikit. Meron ding mga tela na kulay pink dahil alam nilang ito ang favorite color ko. Actually white and pink ang napili kong theme color sa birthday ko ngayon.

Hindi rin nawala ang mga masasarap na pagkaing luto ni mama na nakalapag sa malaking lamisa na nakapagitna. Siguradong maraming bisita mamaya, sa dami ba namang kumari ni mama, pero walang problema dahil malawak naman itong yard namin.



Matagal na akong nakatayo dito pero ngayon lang nila ako napansin. "Oh Rein," sabi ni Ante Teresa at lumingon na rin ang ilan sa kanila.

Natigil sila sa mga ginagawa nilang preparation. "Nandito na pala si Inday Reina..." sabay nilang sabi. "Happy Birthday Rein!" Pati pagbati ay sabay din na parang mga cheerleader.

Nakita ko namang tumigil si mama sa pag arrange ng mga ulam sa lamisa at dali-dali siyang lumapit sa akin. "Happy Birthday anak..." agad niya ako niyakap at sinusubukan ko naman ngumiti.

Pagtapos niya ako yakapin ay nakakunot ang noo niya ngayon habang tinitignan ako. "Anong meron? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang binaksakan ng langit at lupa," pagtataka niya.

Nakasimangot lang ako. "Ma...'yong cake ko, wala na..." gusto ko na umiyak sa harapan ni mama, sa ngayon nagmukha akong batang nagsumbong dahil inagawan ng candy.

"O bakit? Anong nangyari? Hindi ba binigyan ka naman namin ng pera pang bili mo ng cake," sa tuno ng boses ni mama ay mukhang hindi pa naman siya galit.

Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now