Chapter 27

348 16 0
                                    


RIVER MENDEZ

PAGSAPIT ng gabi lalong binalot ng saya ang buong City Field. Lalong dumaksa ang dumalo dahil nag perform na sa harap ng stage ang mga famous Philippines bands at individual singer.

Ngayon ay nasabi kong ang gaganda pala ng mga kantang Pinoy. May iilang nag cover ng mga international songs pero walang hihigit pa rin sa pagkanta nila ng kanilang sariling kanta.

May mga singers na puro pop music ang kanta, kaya halos lahat ng tao ay napapatalon habang sumasayaw, lalo pa silang ginaganahan nang magkaroon ng pailaw na may iba't ibang kulay.

Nagmukha na itong party. Well, festival naman talaga 'to, kaya dapat masaya ang lahat at may party.

"Woooaaaahhh!!!"

Kahit ako na walang kahilig-hilig dito ay natutuwa nang magsigawan na sila Rein at ng mga kaibigan niya. Abot tenga ang mga ngiti nila habang nagpatalon-talon at nakaangat ang mga kamay.


Habang walang tigil sila sa pagsasayaw ay nakatitig lang ako kay Rein, at habang tumatagal ay natulala na ako. Sobrang ganda pala niya kapag simple lang siya, walang make up at hindi nakabuhaghag ang mga buhok.

Bigla niya akong nilingon. "Sayaw tayo..." halos sumigaw na siya para lang marinig ko, subrang ingay kasi dito sa lakas ng musika.

Umiling ako. "Ayaw ko, hindi ko alam paano sumayaw..." sigaw ko din kahit ang lapit-lapit lang namin.

"Basta sumabay ka lang sa 'kin..." hinawakan niya ang kamay ko at sumayaw siya sa harapan ko at nagpatalon-talon. Nakangiti siya, at ang tawa niya ay nakakadala, kaya hindi ko namalayang napapasabay na pala ako sa kanya.

Tawa kami nang tawa habang sumasayaw na random ang moves. Mayamaya ay muli pa niya hinawakan ang kamay ko at umikot siya. Nagulat ako nang gawin niya 'yon, pero siya ay nakangiti lang. Ang lapit namin ngayon sa isa't isa.




Mayamaya ay biglang lumuwag ang pwesto sa harapan namin, ito ay dahil nagsialisan pala ang iba dito. Napalingon kami ni Rein at natigil kami nang makita sina Inah at Hiro. Parang tumigil ang paligid habang nakatingin kami sa kanila na subrang saya tignan.

Dahan-dahan sila tumigil sa pagsasayaw at ngayon ay nagkatitigan sila. Hindi umalis ang mga tingin nila sa isa't isa. Mas lalo pa silang nagkalapit, at ilang sandali pa'y halos mahulog ang panga namin nang dahan-dahan hinalikan ni Inah ang pisngi ni Hiro.

Ilang minuto din bago matapos halikan ni Inah ang pisngi ni Hiro. Ngumiti lang siya at ganun din si Hiro. Mayamaya pa ay dahan-dahan na inilapit ni Hiro ang mukha niya kay Inah, hanggang sa mahalikan nga niya ang labi nito.

Nilingon ko si Rein at nagulat ako nang makitang nagkamali ako ng akala na malulungkot siya, dahil siya ngayon ay dahan-dahan na ngumiti at parang maluha pa siya sa tuwa.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingin kay Rein. Mas lalo akong humanga sa kanya dahil alam kong hindi ito madali para sa kanya, pero maluwag niya itong tinanggap at masaya siya para sa kanila.

Muli ko nilingon sina Inah at Hiro, at nakita ko sila ngayong nagtawanan habang dahan-dahan na bumalik sa pagsasayaw. Muli pa sila naghalikan at ngayon ay pariho na nila ito gusto gawin sa isa't isa.




Kalaunan ay natapos na ang sayawan sa mala party na 'yon dahil ang sumunod na kumanta ay wala masyadong beats, more on lyrics and puro love songs ang kinakanta niya.

Kaya gaya ng iba ay nagpahinga muna kami. Nandito kami sa may gilid at nakaupo, meron kasi ditong mga lamisa at upuan na pwedeng gamitin ng lahat. Dahil napagod kami sa pagsasayaw ay naparami kami ng pagkaing binili at dito sa lamisa ay nagsalo-salo.

Mayamaya ay biglang umalis si Rein dahil babanyo lang daw siya. Pero alam kong hindi banyo ang sadya niya, dahil pariho naming nakita na dumaan sina Inah at Hiro. Hindi kami nakita ng mga ito pero sinundan sila ng tingin ni Rein at sa may stall na nagtitinda ng milk tea pumunta ang mga ito.

Nang nakalayo na si Rein ay sumunod naman ako. Nakita kong umalis si Inah at pumunta ito sa restroom, kaya mag-isa ngayon si Hiro habang umiinom ng milktea.

Nang makalapit na sa kanya si Rein ay dali-dali na akong lumakad papunta sa katabing stall na binilhan nila ng milk tea, nagkunwari akong namimili ng pagkain na bibilhin para marinig ko ang usapan nila.


"H-Hiro there's just one thing I want to say," wika ni Rein.

"What was that?" Kalmadong tanong ni Hiro.

Lumingon ako at nakita kong nakatitig sila ngayon sa isa't isa. "I'm in love with you, from the first day I saw you." Nagulat ako sa pag confess niya.

Gaya ko ay nagulat din si Hiro. "B-But," nauutal siya at parang hindi magawang magsalita.

Ngumiti si Rein. "Yeah I know, you are in love with Inah. And I respect it. Sinabi ko lang ito sa 'yo para hindi ko na 'yon laging dala-dala, dahil subrang hirap matulog kapag may bagay kang gusto sabihin pero hindi mo masabi, weird but it feels like hunting me. So at least ngayon makatulong na ako ng maayos dahil nasabi ko na sa 'yo." Sandali siyang tumigil.

"Pero I never expect you to like me back, I actually support you and Inah. And akin lang ay masabi ko 'yon. And now I'm done."


Dahan-dahan hinawakan ni Hiro ang balikat ni Rein. "Thank you. And I hope na mahanap mo na ang lalaking para sa 'yo. Baka nandyan lang siya sa tabi-tabi. Just open your heart." Tumango si Rein at nakita ko silang dalawa na nakangiti.

Mayamaya ay nagtawanan sila dahil muntik na nabilaokan si Hiro sa black boba ng milk tea. "Ayan, ang takaw mo kasi sa milk tea..." tawa ni Rein.

Habang nandito ako sa likod nila ay naging abot tenga ang ngiti ko, na halos gusto ko pang sumigaw sa tuwa, dahil sa wakas ay magkaroon na ako ng chance kay Rein.



Lumipas ang ilang oras ay muli kaming bumalik sa center ng field at sumali sa mga tao ditong sumasabay sa pagkanta ng isang sikat na banda. Mukhang kilalang-kilala ang bandang ito dahil halos lahat ng tao kabisado ang mga kanta nila.

Sila ang band na Coastline, at ang gaganda ng mga kanta nila, no wonder na favorite band sila ni Rein na iniwagay-way pa ang kamay. Napakalamig ng boses nila and all people here are feel alive.

Nilingon ko si Rein. "I'm sorry pala, dahil bigla akong nawala nong kailangan mo ako, at hindi kita tulongan tungkol kay Hiro," mababang tuno ng boses ko.

"Okay na 'yon. Kalimutan mo na 'yon. Tinapos ko na ang tungkol do'n. I-feel nalang natin ngayon ang calm vibes ng mga kanta ng Coastline." Habang sinasabi niya ito ay nakatingin pa rin siya sa stage at nakangiti.

Kahit wala akong alam sa mga kanta nila ay sumabay pa rin ako sa mga tao na nagtaas ng kamay. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka attend sa mga ito, ang saya pala, lalo na kapag kasama mo ang mga taong nagpapasaya sa 'yo.




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now