Chapter 32

330 14 1
                                    


INAH VALDEZ

PAGKAPASOK ko sa loob ng kwarto ko ay agad na bumagsak ang katawan ko. Nanghihina pa rin ako dahil sa sobrang sakit ng nakita ko kaninang magkahalikan sila ni Rein at Hiro.

Kanina ko pa pinipigilan na sumabog ang galit ko, pero ngayon gustong-gusto ko na sumigaw. "Arrgghhhhhhh!!!" Sigaw ko habang nakaupo sa sahig ng kwarto ko.

Habang humagulhol ako ay naging madiin naman ang mga nakakuyom kong kamao. Para pa rin nag-aalab ngayon ang galit na nararamdaman ko. Tumayo ako at agad kong ginulo ang kama ko, itinapon ko ang unan at kumot.

Nagwala ako sa subrang galit, ikinalat ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto. "They betrayed me! Mga hayop sila! Lalo na ang Rein na 'yan, sigurado akong siya may gusto humalik kay Hiro, dahil subrang landi niyaaa!!!" Pagsisigaw ko na halos mapaos na ako.

May bigla akong naalala. Binuksan ko ang isang cabinet sa drawer ko. Kinuha ko mula dito ang isang black na box at agad na binuksan. Naglalaman ito ng mga pictures namin ni Rein nong mga bata pa kami.

Kinuha ko ang mga pictures at nanlilisik ang mga mata kong nakatitig dito. I keep this pictures dahil alam kong darating ang panahon na magkabati kami. Pero ngayon, hinding-hindi na. Lumala ang lahat. At sinusumpa ko na nga siya.



Habang tinitignan ko ang mga pictures ay napapaluha lang ako dahil bumabalik sa akin ang nakaraan. Ang nakaraan na si Rein ang laging bida. Nasa kanya lagi ang spotlight. At taga supporta lang niya ako, support lagi sa kalandian niya.

Lagi akong nasa tabi niya, hindi kami mapaghiwalay. Tinutulongan ko siya sa mga crush niya. Nanatili ako sa tabi niya kahit iniiwan siya ng iba, tulad nong admirer niyang naibigan na niya, pero biglang nawala. Umiiyak siya no'n, ako ang nasa tabi niya.

Pero hindi ko alam na ako pala ang magdudusa dahil sa pagkakaibigan namin. Ang pagkawasak ng puso ko pala ang kapalit ng pagkakaibigan namin. Sobrang sakit na lagi akong kinukumpara ng lahat sa kanya. Mga kaibigan namin, classmates, at pati teachers, siya ang paborito.

Ang mas masakit pa no'n, my parents always compare me to her. Kisyo "ganito" "ganyan" "gayahin mo si Rein" "mabuti pa si Rein" "si Rein magaling dyan" "subrang activie talaga ni Rein kaysa sa 'yo" "masayahing bata si Rein dapat ikaw din" "gustong-gusto ko talaga ang batang 'yon" "sana naging anak natin siya"

Habang paulit-ulit nilang sinasabi 'yon, unti-unting nawawasak ang puso ko. Pakiramdam ko wala na akong silbi sa mundo. I lost my confidence, puro nalang insecure.


Akala ko sa mga salita lang nila ako masasaktan, pero bawat kilos nila nagsasabing naging paborito na nila si Rein kaysa sa sarili nilang anak. Every time na dadalaw si Rein they threat her things they never did to me.

Habang nasa gilid, lagi ko silang nakikitang nagtatawanan sa mga jokes at paandar ni Rein. Mas masarap pa ang mga pagkaing binibigay nila kay Rein kaysa sa akin. Kapag may mga activities kami sa school, they always rooting for Rein.

Minsan napapa-isip ako kung anak ba talaga nila ako. I always fell left out. Kapag kinakausap ko sila mabilis lang nila tinatapos. They never listened to me.

I suffer so much pain from a fucking favoritism. I can't even sleep, thinking how can I be Rein? I tried, but it's not who I am. Dahil ito lang ako, maraming flaws sa buhay.

That night that I ended our friendship. Rein thinks na dahil lang siya ang nagustohan ng crush ko dati, pero no! Dahil subrang lalim ng galit ko sa kanya, hindi ko lang sinabi.

Ended our friendship is the only way para mag shine din ako. Dahil hanggang nasa tabi niya ako, wala akong silbi.

And ngayon lalo ko lang siya kinasusuklaman, dahil hindi lang mga magulang ko ang naagaw niya, kundi pati boyfriend ko. "Kinuha mo na ang lahat sa akin Rein, wala ka ng itinira..." halos masira ang ngipin ko sa subrang gigil kong saktan siya.

Agad kong pinunit ang mga pictures na hawak ko. "Now let's turn this great war, into a high level." Naging matalim ang titig ng mga mata ko sa mga punit na pictures.




When morning come, naka ready na ako para sa pinaplano ko kagabi pa lang. Lintik lang ang walang ganti kaya humanda siya sa akin, siya naman ngayon ang paglalaroan ko.

Matapos ko siya i-text na puntahan ako dito sa bahay ay nagbihis na ako ng costume na pang halloween, tatakotin ko lang siya.

Nilagyan ko ng make up ang mukha ko para magmukha akong nasunog. Halos pinaligoan ko na rin ang katawan ko ng mga dugo na food coloring lang.

Alam ko kasing matakotin si Rein sa multo, gagamitin ko ang weakness niya. Gugulatin ko lang siya, paniguradong maninikip na ang dibdib niya at mahihirapan siyang huminga.

"Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko kagabi." Ngumiti ako ngayon sa salamin.



Nagtatago ako ngayon sa gilid ng garden namin at hinihintay kong dumating si Rein. Nang magbukas na ang gate ay alam kong siya na ito dahil siya lang ang inaasahan kong bisata ngayon.

Agad akong nagpakita at inihampas-hampas ko pa ang props kong itak. "Arrrrgghhhh!!!" Sumisigaw ako habang hinahabol siya at tumatakbo naman siya habang sumisigaw.

Pero nagtataka ako dahil boses lalaki ang sumisigaw. Dahan-dahan akong tumigil at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang papa ni Rein, nakadapa ito at dahan-dahan na umaatras habang hawak-hawak ang dibdib.

Mukhang nabulag na ako sa matinding galit ko kay Rein kaya huli ko na namalayang ang papa pala niya ito. "U-Uncle Bren...anong ginagawa mo dito??" Kumakaba ang dibdib ko habang nagtanong.

Nahihirapan siya ngayon magsalita at maging sa paghinga ay hirap na hirap siya habang hawak-hawak ang dibdib. "I-Inah—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang mawalan siya ng malay.

Dahan-dahan ako napaatras sa takot. "N-No, hindi ito ang plano ko...w-wala, wala akong kasalanan, wala akong kasalanan..." madiin kong hinahawakan ang ulo ko, gulong gulo na ako, natatakot ako para sa sarili ko.

Natataranta na ako, pero hindi ko pwedeng hahayaan nalang dito si Uncle Bren. Dali-dali akong bumalik sa loob at inayos ang sarili, inalis ko ang make up sa mukha at fake bloods sa katawan.

Pagkatapos ay binalikan ko si Uncle Bren at nakita kong hawak niya ang cellphone ni Rein. So kaya siya ang nandito dahil nasa kanya ang phone ni Rein, pero bakit hindi nalang si Rein ang pinapunta niya, bakit siya pa ang pumunta dito, nadamay tuloy siya.



Agad kong dinala sa malapit na hospital si Uncle Bren at na-admit nga siya. Tinanong ako ngayon ng mga nurse. "Kaano-ano niyo po ang pasyente?"

Umiling ako. "W-Wala po, nakita ko lang po siyang tinakot ng isang lalaking naka halloween costume, inatake po siya sa puso, kaya ko po siya dinala dito," nagawa ko magsinungaling dahil natatakot ako sa posibleng mangyari.

"Naku grabe na talaga mga kabataan ngayon 'no, ginagawang trip ang pag pa-prank...mabuti nalang nando'n ka Ma'am at dinala mo dito si Sir," sabi niya.

Dahan naman akong tumango. Hindi ko na magawang sumagot dahil nagi-guilty ako. Inabot ko nalang sa nurse ang phone ni Rein. "Nurse, ito pala ang phone ng patient, ikaw na tumawag sa pamilya niya." Tumango naman siya at pumasok na sa kwarto para matignan si Uncle Bren.

Naiwan ako dito sa labas at hindi ko na nga napigilan umiyak. Sinasaktan ko na ang sarili ko, sinasapak ko ang sariling mukha dahil wala naman talagang ibang sisihin dito kundi ako. Galit na galit ako sa sarili ko.

"Ahhhhhh!!!" Napasigaw nalang ako sa sakit habang huma-hagulhol. Dahan-dahan akong bumagsak at tuloyang napaupo sa sahig habang parang ulan na walang tigil sa pagpatak ang luha ko.

Hindi ko akalaing aabot ako dito dahil sa matinding galit ko. Nakadamay pa ako ng inosenting tao. Tama sila, kapag makagawa ka ng kasalanan matinding pagsisisi ang kahantungan ko. Too late ko na narealize ang lahat.




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now