Chapter 10

426 16 0
                                    


REINA ALCANTARA

PAGKARATING ko sa second floor sa building na 'to ay tahimik na ang hallway malamang dahil nasa loob na ng classroom ang mga students. Bukas ang pinto ng aming room kaya pumasok na ako.

Kaunti pa pala sa mga classmates ko ang nandito at nakaupo na. Pagkatingin ko sa harapan ay akala ko magugulat na naman ako kay Ma'am Angel pero naka uniform na siya ngayon. Kahapon lang hindi dahil wala pang pasok.

"Good morning po Ma'am!" Pagbati ko at ngumiti lang siya.

Lumapit ako sa harapan niya at bumunot ako ng number mula box na nakalapag sa lamisa. Tinignan ko kung anong number ang nakasulat mula sa maliit na white card at 20 ito.

Ganito na talaga sa HA, hindi maka decide ang mga students kung saan uupo dahil may sinusunod na sitting arrangement.

Hinahanap ko ngayon kung alin sa mga upuan na ito ang may nakasulat na 20 sa likod. Mayamaya'y nakita ko na ang upuan ko at nandito ito sa pinaka likod.

Ayos, main character tayo ngayon.

May isang babae at isang lalaki na ang nakaupo sa tabi ko, sila ang 19 at 18, mukhang mga babait naman. Kaso 'yong 19 mataray tumingin sa akin.

"After a long time, ngayon lang ulit kami nakakita ng babaeng naka pigtail at may makapal na make up..." sabi niya na parang iniinsulto pa niya ang hairstyle ko kahit wala naman itong ginagawa sa kanya.


Aangal sana ako kaso bigla silang tumayo. "Well gurl welcome to the weird club!" Nagulat ako sa biglang pinakitang energy nila at nagtatawanan pa sila pagkatapos sumigaw.

Bigla nilang pinakita sa akin ang mga suot nilang medyas at napakahaba ng ito na halos abot na sa tuhod nila. May designs ng Dora The Explorer ang medyas ng babae complete na ata mga characters ng Dora. At Barbie naman ang designs ng medyas sa inaakala kong lalaki pero beki pala.

Sa labis na tuwa ay naging abot tenga ang ngiti ko. "Finally found my perfect weirdo homie..." napatakip pa ako sa bibig.

"Acccckkkk!!!" Sabay-sabay naming sigaw at agad na nagyakapan sabay biso-biso.

Hindi na namin hinintay na mapagalitan kami ni Ma'am kaya umupo na kami at nag usap-usap. Nagpakilala ako sa kanila at ganun din silang dalawa.

"I'm Princess, Princess Rapunzel...charot lang, Princess lang talaga..." takip bibig siyang tumatawa.

"And me, I'm Victor. Victorina sa gabi...yasss slayyy!!!" Sinabayan namin siya sa pagtawa.

Natigil ang tawa namin nang may mapansin ako. "Apat pala tayo dito sa row natin, may isa pang bakanti, and it's on 21, sana kasing weird natin..." sabi ko at tumango naman sila tsaka muli kami nagpatuloy sa pag chichismasan.


Mayamaya'y pumasok na si River at napagtanto naming first time pa nga niya dito sa HA dahil wala pa siyang alam tungkol sa sitting arrangement, binigyan instruction pa siya ni Ma'am na bubunot siya sa box.

Naglalakad siya ngayon sa loob hinahanap ang upuan niya, habang pinag-uusapan naman namin siya. "Ang gwapo niya 'no..." sabi ni Princess.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "What?! Hindi kaya nakakagwapo ang pagiging bastos..." hirit ko at natahimik ang dalawa dahil hindi ko pa nasabi sa kanila ang tungkol sa pagiging great rival namin River.

Dahan-dahan na lumalaki ang mga mata ko nang dito sa row namin huminto si River at tinitignan pa niya ang likod ng upuan na nasa tabi ko.

After sa makailang ulit na tingin niya sa likod ng upuan ay bigla siyang umupo sa tabi ko at ipinakita ang number niya na 21. "Hi, great enemy..." nakangiti siya kaya hindi ko alam kung nang iinis ba siya or what.

"Hello pogi..." mahinhin na tumawa ang dalawa at kumaway naman pabalik sa kanila si River kaya halos nagsampalan na sila na parang mga batang kinikilig.


Sa totoo lang ay gusto ko na gawin ang naiimagine kong tatayo ako dito at sisigaw.

"NATANGGAP KO NA NGANG CLASSMATES TAYO! TINANGGAP KO NA RIN ANG HAMON MONG MAGING KARIBAL AKO! PATI BA NAMAN SA UPUAN MAGKATABI TAYO! HINDI KO NA 'TO MATATANGGAP!!! LILIPAT NALANG AKO NG IBANG SCHOOL!!!"

Pero napabuntong hininga nalang ako. "Hays, grabeng pahirap naman ito oh..." napailing-iling ako at hindi ko makayang tignan ang tuwang-tuwang mukha.

Mayamaya ay completed na kami. We are in a total of 40 in this class. Tumayo na sa harapan namin si Ma'am at obviously na magpakilala.

"Good morning class! First of all I want to congratulate all of you dahil Senior High na kayo!" Pumalakpak siya and we do the same.

"My name is Angel Santos and I am your adviser this school year. And I actually believe in a quote, "honesty is the best policy." So class I want you to be honest with your feelings, you can talk it to me and I'm here to listen. Your feelings are valid." Dahil sa sinabi niya ay halos lahat kami dito ay napangiti.

"Okay, this time kayo naman ang magpakilala sa harap ng klase. Tell us your about yourself, your name, your favorite quote and why you choose Art & Design track. I won't call name, just step out if you're ready to speak. Be confident." The way she speak is making us comfortable, marami pa ang sabay na tumayo halatang napaka confident nila.





Crazy Love | Heartful Academy 3Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ