Chapter 22

339 14 0
                                    


REINA ALCANTARA

HINDI pa natapos dito ang kalbaryo ko kay River. Talagang itinudo na niya ngayon.

Nilagay niya sa bag ko ang ilang lampaso ng classroom, kaya ako ang napagalitan ni Ma'am. Inako ko naman ang kasalanan at hindi na nagsalita.

Meron pang pinalitan niya ng cheese powder ang pulbo ko, hindi ko ito namalayan dahil nakapikit ang mata ko bago ko ito ipinahid sa mukha.

"Ahhhhhh!!!"

Subra akong nagtaka dahil lahat ng classmates ko sumisigaw nang makita ang mukha ko, para bang takot na takot sila.

Tumingin ako sa salamin. "Jusmeyo anak ng dyablo!" Nabitawan ko pa ang salamin sa subrang takot ko sa mukha ko.

May ginawa din siya sa akin sa cafeteria. Inihulog niya sa sahig ang balat ng saging na pinagkainan niya dahil alam niyang dadaan ako sa gilid niya, hindi ko 'yon namalayan dahil naka angat ang tingin ko.

Pahiyang-pahiya ako nang matumba ako at nadapa sa sahig, nabuhos pa sa akin ang lahat ng ulam na binili ko. Kaya napagalitan ako ng janitor dahil sa pagkalat ko dito.


Napakarami niyang ginawa sa akin, lagpas sa pito. Pakiramdam ko wala na akong mukha na ihaharap sa mga classmates ko dahil sa mga nakakahiyang ginawa sa akin ni River.

Pero ang mahalaga naman naging matibay pa rin ako sa pag control ng galit ko.

Mabuti nalang din may dala ako ng extrang damit kaya nakapagpalit ako dito sa isa sa mga malaking restroom ng campus kasama sina Princess at Victor.

Biglang sinapak ni Princess ang noo ko. "Aray...bakit ba?" Napangiwi akong nag tanong.

"Wala, baka kasi nabagok ang ulo mo kaya nakalimutan mo na labanan si River..." sagot niya.

Biglang inilahad sa akin ni Victor ang kamay niya na parang dinadasalan ako. "Kung sino ka mang impostor ka, lumayas ka sa katawan ng kaibigan namin!" Siya naman ngayon ang parang nagtataka sa akin.

"Girls tumigil nga kayo, hindi ako nabagok, at hindi rin ako sinapian, ayos na ayos ako." Tugon ko sa kanila.

Lumapit ako sa may salamin at naghilamos. Tumabi ang mga kaibigan ko na may pagtataka pa rin sa mga mukha nila.


"Sorry, pero 'yong kilala kasi naming Reina is war freak, mabangis pa sa hayop kung gumanti. Pero bakit ngayon parang hinahayaan mo lang si River na apihin ka. Where's your girl power?" Wika sa akin ni Princess.

"Oh she left." Sagot ko.

"My gosh gurl nalolorke na ako sa 'yo. Hindi lang tayo pumasok ng dalawang araw, naging anghel ka na." Umangal naman si Victor.

"O baka naman kasi may gayuma 'yong kapeng ininom mo," dagdag pa ni Princess.

Talagang pinagtulongan na nila ako, kaya no choice na ako kundi sabihin sa kanila ang tungkol sa nangyayari ngayon.

Napabuntong hininga ako. "God knows kung gaano ko kagusto gantihan ang hayop na 'yon. Pero nagpipigil lang ako, dahil pinsan pala niya ang greatest crush ko." Napaamin na ako.

Napanganga naman sila na halos mahulog na ang baba. Nilingon nila ang isa't isa at biglang ngumiti.

"Kaya naman pala, lumalandi na pala ang beshy namin na 'yan..." magkasabay na sabi nila at niyakap pa nila akong dalawa habang nagtatawanan kami.

"Pakilala mo naman kami. Pogi ba?" Tanong ni Victor.

Tumango naman ako. "Oo subra. Half korean..." napasigaw na ako sa kilig habang naiisip ang mukha ni Hiro, kaya nagsigawan na rin silang dalawa dahil fan ang mga 'to sa kdrama.



After ng ilang oras na pananatili namin sa loob ng classroom, sa wakas ay hapon na, uwian na. Nagsi-uwian na ang lahat ng mga classmates ko, liban lang sa akin dahil nandito pa ako sa loob ng campus, kasama si River.

Pupuntahan namin ngayon ang classroom nila Hiro. Tinext niya kasi kami na puntahan siya sa classroom niya at sabay na kaming lumabas. Kaso hindi pa tapos ang klase nila kaya kami na mismo ang pupunta do'n.

Medyo malayo pa ang mga STEM buildings dito sa amin kaya medyo mahaba-haba pa ang lalakarin namin, sa lawak ba naman nitong HA na halos kasing laki na ng isang city.

Habang tahimik kaming naglalakad ay may hawak-hawak naman ako ng dalawang ice cream. Dahan-dahan ko na inabot kay River ang isa. "Ice cream for you," sabi ko.

Nilingon naman niya ako at nong una ay parang nagdadalawang isip pa siya tanggapin ito, pero mayamaya ay kinuha din niya sa kamay ko.

Narating na namin ang STEM Building 3 kung saan makikita ang classroom ni Hiro. Pero mukhang may klase pa nga lahat ng rooms dito sa first floor kabilang na sa kanila. Kaya dito nalang kami sa hallway naghintay.

"Magtapat ka nga. May pinaplano ka ba?"

Napanganga ako nang marinig ko magsalita si River, kanina pa kasi kaming tahimik.


Umiling ako. "W-Wala naman. Ang plano ko lang ngayon ay bilhan din ng ice cream si Hiro. Bakit mo pala natanong?" Nagbalik din ako ng tanong, kahit obvious naman na dahil nagtataka siya sa mga ikinikilos ko kanina.

"Then anong ibig sabihin ng pagkukunwari mo ngayong anghel?!" Sinimulan na niya ako taasan ng boses.

Nagpigil pa rin ako sa inis. "H-Hindi ako nagpapanggap, talagang gusto ko na makipagbati sa 'yo..." sagot ko.

"Huwag ka na magsinungaling!" Sigaw niya, sa subrang gulat ko ay napapikit ako ng mata.

I slowly open my eyes and I saw him slowly getting closer to me. Habang papalapit siya sa akin, dahan-dahan naman ako humakbang paatras. Ang mga mata namin ay nanatiling nakatitig sa isa't isa.

Hanggang sa napanganga nalang ako nang wala na akong maatrasan, naka sandig na ako ngayon sa mga lockers. Lalong bumibilis ang tibok ng dibdib ko dahil ang lapit-lapit niya sa akin ngayon at dahan-dahan niya ako kinorner sa dalawa niyang braso.

Ngayon ay wala na akong kawala sa kanya. Hayop na ito, parang nawala ang tapang ko, halos manginig pa ang labi ko. Ngayon lang ito nangyari sa akin na makorner ng isang lalaki, at sa lalaking hate na hate ko pa talaga.


"Huwag ka na magsinungaling, dahil alam kong ginagawa mo lang ito para kay Hiro. Talagang binabago mo pa ang sarili mo para sa kanya. Nasa'n na ang Rein na kilala ko?!" Parang nangangalit ang boses niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bumalik ang galit ko sa kanya dahil parang inaabuso na niya ang kabaitan na pinapakita ko. Total wala pa naman si Hiro, hindi ko kailangan mag panggap.

Napakuyom ako ng kamao. "Nandito pa rin." Agad ko siyang tinulak at mabilis kong sinuntok ang mukha niya.

Sa subrang lakas ng pagkasuntok ko sa kanya ay napangiwi pa siya habang hawak-hawak ang pisngi niya.

May naisip akong paraan para maalis ang pagdududa niya. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba, gusto ko na makipagbati sa 'yo! Pero inuubos mo ang pasensya ko, kaya ayan ang napala mo!" Halos mapaus na ako sa kakasigaw ko sa kanya.

Nilingon niya ako at walang salita-salita ay dahan-dahan siyang papalapit sa akin, muli niya sana ako ikorner sa locker pero biglang tumunog ang school bell ng building na ito which means tapos na ang klase nila, kaya napatigil siya at lumayo nalang sa akin.

Tsaka pa ako nakahinga ng maluwag.

Pero habang tinitignan ko siya ay napaisip ako. Bakit ko naman pala itinatago sa kanya ang nararamdaman ko kay Hiro, eh totoo naman ang feelings ko kay Hiro kaya walang dapat itago.

Mamaya, aaminin ko na sa kanya. At baka sakaling matulongan pa niya ako para lalo mapalapit kay Hiro.




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now