Chapter 24

333 13 0
                                    


RIVER MENDEZ

BIGLANG may humawak sa braso ko, lumingon ako at nagulat ako sa aking nakita. "I-Inah?"

"Mag usap tayo." Agad niya akong hinila.

Magkasama kami ngayon ni Inah dito sa malawak na quadrangle o tinatawag na Event Center, dito ginaganap ang ilan sa mga maliit na events at meeting ng HA.

Magkatabi kami dito sa bench. Nilingon niya ako. "I'll go straight to the point. Does Rein have feelings for Hiro?" Tanong niya.

"Paano mo nasabi?" Nagbalik lang din ako ng tanong.

"Because I know her so much." Maikling sagot naman niya.

"Eh ano naman ngayon kung nagkagusto si Rein kay Hiro, anong magagawa mo." Nagkunot ang noo ko.


Mukhang tinawanan niya ako ngayon. "Oh come on, alam ko namang may gusto ka kay Rein." Natigilan ako sa sinabi niya, halos hindi ako makapagsalita at napangunahan ng kaba, kasi paano niya nalaman eh hindi pa naman kami gaano magkakilala.

"No one can escape from my eyes. Laging tama ang kutob ko." Dagdag pa niya.

Hindi ko alam anong sasabihin ko, basta ang alam ko hindi pa niya pwedeng malaman ang mga secrets ko, lalo na tungkol sa nararamdaman ko kay Rein, gaya ng paano at kung kailan nagsimula.

Hindi pa ito ang tamang panahon.

"So bakit mo kilala ang pinsan ko?" Iniba ko ang topic namin.

"Mag classmates kami ni Hiro." Bigla siyang ngumiti. "Mukhang sumasang-ayon ang universe sa plano kong gumanti kay Rein."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa gulat. "Anong pinaplano mo?" Tanong ko.

"Secret." Maikling sagot niya at agad na siyang tumayo at umalis. Naiwan akong tahimik. Dahil sa mga nangyayari ngayon lalo tuloy lumalim ang dahilan ko para manatili pa dito.



Natapos na ang klase at gaya ng napag-usapan namin ay magkasami kami ngayon ni Hiro at Rein. Habang naglalakad kami sa loob ng campus ay napahinto kami nang makita namin si Inah.

Nakatingin din siya sa amin at ilang sandali pa ay lumakad siya papalapit sa amin. "Hi." Biglang bati niya.

Nakangiti siyang lumapit kay Hiro at nilingon niya ako. "River, hiramin ko muna si Hiro, pag-uusapan lang namin ang tungkol sa aming group project."

Tumango naman ako at dahan-dahan na niya hinawakan ang braso ni Hiro. Bago siya umalis kasama si Hiro ay inirapan pa niya si Rein. Manlaban sana si Rein pero agad ko hinawakan ang kamay niya kaya natigil siya.

"Bakit mo ba hinayaang sumama si Hiro sa hinayupak na 'yon?!" Mukhang sa akin nabaling ang galit ni Rein.

"Dahil mag classmates sila." Mahinahon kong sagot. "Huwag ka ngang oa dyan, remember wala pang kayo." Dagdag ko pa.

"Ang harsh mo naman sa 'kin." Sabi niya. Tahimik namin pinagmasdan sa malayo si Hiro kasama si Inah at iba pa nilang classmates.

Nakayuko ngayon ang ulo ni Inah at mukhang nasaktan ko ang feelings niya dahil sa nasabi ko kanina. Kaya sasabihin ko na ang bagay na malamang ikakasaya niya. Matagal ko din ito pinag-isipan. And time na para sa plan b ko dahil failed ang plan a.


"Tama na ang kakadrama mo. Hindi ka na rin malulungkot. Dahil pumapayag na ako sa gusto mo. Tutulongan kita kay Hiro." Tugon ko.

Gaya ng inasahan ko ay naging abot tenga nga ang ngiti niya. "R-Really? Thank you, thank you so much..." bigla niya akong niyakap.

Nagulat ako sa biglang pagyakap niya. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Parang gumaan ang loob ko. Dahil sa higpit ng yakap niya ay nakaramdam ako ng saya. Na may kunting kirot dahil siguradong si Hiro naman ang naiisip niya.

Kaya kahit gustohin ko man ngumiti ay hindi ko magawa. Hinawakan ko lang ang likod niya. "Tama na. Hindi na ako makahinga." Dahan-dahan ko inalis ang katawan niya sa akin.

"Yes tutulongan kita, pero hindi ibig sabihin no'n 100% sure ka na magustohan ni Hiro. Dahil hindi natin hawak ang puso niya, siya pa rin may karapatan mag desisyon. Ang magagawa ko lang ay laging banggitin ang pangalan mo sa kanya at mag plano para sa date niyo. Ayon lang."

Nakita ko pa rin ang saya sa mukha niya. "Ayos lang 'yon, malaking tulong na ang gagawin mo para mapalapit ako lalo kay Hiro, salamat talaga..."

Tumango lang ako at yayakapin pa sana niya ako pero pinigilan ko siya. "Ayaw ko ng drama." Tugon ko at naintindihan naman niya ako kaya nilingon nalang niya si Hiro.


Kahit hindi naman kasama sa plan b ko ang tulongan si Rein para magustohan siya ni Hiro ay ginawa ko na ngayon para magmukhang mabait na ako sa paningin niya.

Lagi kaming nag-uusap ni Hiro sa Instagram. At hindi ko inaalis sa topic namin si Rein. Puro mga magaganda ang sinabi ko tungkol kay Rein.

Kaya lang hindi ko pa rin alam anong kahantungan nitong lahat. Lalo na dahil hindi lang ako ang may plano, kundi pati si Inah. Hindi ko alam anong pinaplano niya, pero sa oras na malaman kong hindi ito makakabuti, pipigilan ko siya.



Sumunod na araw. Kami lang dalawa ni Hiro ang magkasama ngayon na pumasok sa campus, nasa room na siguro si Rein o 'di kaya going pa, maaga pa naman.

Sinamahan ko muna si Hiro sa classroom nila. Aalis na sana ako pero nakita ko si Inah sa loob, kaya nanatili nalang ako dito sa labas ng classroom nila at pinagmasdan ko sila.

Nasa likod ni Hiro ang pwesto ni Inah. Pero nakita kong dahan-dahan na tumayo si Inah habang hawak-hawak ang bag, hinarap niya ngayon ang babaeng katabi ni Hiro.

"Lyn, I'll take your set. Do'n ka na sa upuan ko." Rinig kong sabi niya sa babae.

"B-Bakit naman?" Tanong nito.

Tinaasan siya ng kilay ni Inah. "Kasi gusto ko. And I'm the class president here, sa akin ibinilin ni Ma'am ang classroom, kaya sundin mo nalang ako."

Mukhang wala namang kalaban-laban sa kanya ang babae kaya dahan-dahan itong tumayo at lumipat sa likod. Si Inah ngayon ang katabi ni Hiro. Nakita kong kinausap ni Inah si Hiro, kaya dali-daling tinanggal ni Hiro ang earphone niyang nakalagay sa tenga.


Nakita ko ang kakaibang ngiti sa mukha ni Hiro, at parang nauutal pa siya habang kinakausap ni Inah. Naging mahaba ang usapan nila. Hanggang sa inilagay ni Hiro ang kabilang side ng earphone niya sa tenga ni Inah at nakinig sila ngayon ng music.

Mukhang nag enjoy sila sa kantang pinakinggan. Napapakanta pa sila habang nakatingin sa isa't isa. Mayamaya ay napanganga ako nang makitang dahan-dahan na inilapit ni Inah ang mukha niya kay Hiro.

Tinitigan ngayon ng malapitan ni Inah ang mga mata ni Hiro, mukhang gaya namin ni Rein ay nagandahan lang din si Inah sa mga mata ni Hiro. Habang si Hiro nama'y halos hindi makagalaw, parang naninigas siya at namumula.

Sa ikini-kilos ni Hiro, nagsimula na akong magduda na may gusto siya kay Inah.




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now