Chapter 4

663 20 0
                                    


REINA ALCANTARA 

GUMISING akong nasa magandang mood. Kakamulat lang ng aking mga mata at dahan-dahan akong bumangon habang may ngiti sa labi. Nag stretch pa ako sa mga braso ko at nag jumping jack sa gilid ng kama ko.

"Good morning Philippines! Gising na ang iyong Reina!" Naging abot tenga ang ngiti ko. "It's my second day of being an official 16!"

Lumabas ako ng kwarto na may ngiti sa labi.

"Congratulations!"

Laking gulat ko nang bumungad sa akin sina mama at papa na gumamit pa ng party popper kaya halos naliligo na ako ngayon ng confetti, tila nag birthday ako ng dalawang beses.

"Ma, pa, ano pong meron? Tapos na po birthday ko kahapon, bakit maypa surprise pa kayo?" Natawa nalang ako.

"Congrats anak, you passed the HA Senior High Exam!" Hawak ni mama ang braso habang sinabi ang magandang balita.

"T-Talaga po?" Parang hindi ako makapaniwala.


Dali-daling kinuha ni papa ang kanyang cellphone na nasa bulsa at may kung ano siyang ipinakita sa akin. Kahit alam ko ng nakapasa ako nang sabihin nila sa akin ay nakaramdam pa rin ako ng excitement habang tinitignan ang post ng Heartful Academy official Facebook page.

May results na nga talaga sa HA Senior High Exam at marami-rami din ang nakapasa. Hindi pahirapan na makita sa pictures ang names ng mga nakapasa dahil bold and big letter ang mga ito at by alphabetical order din.

REINA A. ALCANTARA - With Scholarship

Nang makita ko ang pangalan ko ay naging abot tenga nga ang ngiti ko lalo na dahil nanatili pa rin ang scholarship ko sa HA.

Ang HA Senior High Exam ay entrance exam para malaman kung karapatdapat ba ang isang student na mag Senior High dito. Same lang din ng HA Elementary Exam at HA Junior High Exam.

Para makapasa kailangang 90% pataas ang makuha. Hindi nga lang madali dahil medyo advance ang lessons.

I'm proud dahil I'm one of those blessed students na naka survive sa tatlong beses na entrance exam this year. Mabuti na nga lang ito, unlike before na apat na beses ang exam.

Nakaka pressure minsan dahil once bumaba ang score mo sa susunod na exam automatic out ka pa rin kahit nakapasa ka sa naunang exam.

Pero gaya ng sabi ng lahat, "HA na 'to eh, kaya kahit butas ng karayom papasokin para dito." Once kasi na makapasok ka dito talagang mapapamahal ka dahil sa friendly environment, high quality education and opportunities.


"Grabe ang talino mo talaga anak, manang-mana sa mga magulang..." tuwang-tuwa si papa.

"Aba syempre naman, with beauty and brain kaya 'to. Full confident pa nga akong sumabak sa exam nila..." confident din akong sumagot.

"Expected na natin 'to, lalo na dahil nasa HA naman talaga si Rein since Kinder pa..." tugon naman ni mama at niyakap niya ako sabay pagbati, ganun din si papa.

Yes tama si mama, nasa HA na ako since Kinder pa. And ayon din ang dahilan kaya ako may scholarship sa kanila pagtungtong ko ng Junior High, dahil mas malaki ang chance kung sa kanila nagtapos ng Elementary.





HABANG kumakain kami ngayon ay nilingon ako ni papa. "Rein bumili ka na pala ngayon ng school supplies mo," sabi niya.

"Huh? Ang aga naman pa," natigil ako sa pag nguya.

"Mas mabuti na 'yon dahil wala pa masyadong namimili ngayon, kaya makakaiwas ka sa mahahabang pila sa mall," tugon niya. "Tsaka ilang araw nalang June 5 na, pasokan na." Dagdag pa niya.

Sumang-ayon naman do'n si mama. "Nag abot pala ng pera ang tita Rona mo para pambili mo ng gamit." Saad naman ni mama.

Sa lahat talaga ng tita ko si tita Rona ang pinaka close ko. Teacher siya sa HA under Elementary at Math ang subject niya, Math na minsan gets ko, madalas hindi. Naging adviser ko din siya nong Grade 4.

Tumango naman ako. "Sige po mamimili ako mamaya." Sagot ko na namay ngiti sa labi at nagpatuloy sa pagkain.

Excited ako dahil may bago na naman akong gamit, halos sira-sira na kasi ang mga gamit ko sa Junior High. Arts & Design track ang kinuha ko kaya for sure kailangan ko ng maraming arts materials.


Sa subrang excited agad na akong naligo pagkatapos kumain. Ngayon ay nasa kwarto na ako at nakaupo sa harap ng salamin na napaligiran ng mga make up ko.

Marami na akong pang paganda dito at parang beauty parlor ang kwarto ko, gusto ko kasi maging make up artist someday, pero hindi pa enough ang skills ko, more practice pa.

Pulbo, cream at lipstick o liptint nga lang alam kong gamitin sa sarili ko eh. Naglagay na ako ngayon ng kunting liptint sa lips. Tapos pink lipstick ang ginawa kong pang blush sa pisngi ko at nilagyan ko na rin ng red lipstick at ikinalat ko sa pisngi.

Nakanguso ako ngayon sa harap ng salamin. "Ayan, kuha ko na ang routine aura ko na sinasabi pa nilang parang sinampal ng dictionary." I rolled my eyes. "Duh wala akong paki sa kanila."

Nag flying kiss pa ako sa harap ng salamin at nagmamaganda. "Perfect." Sabi ko at tumayo na ako tsaka lumabas na ng kwarto dahil kanina pa naghihintay sina mama at papa para mabigyan ako ng pera.

"Ahhh!!! Sangtong kabayo! Nagmukha kang sinipa ng kabayo!"

"Ay naku tigilan niyo na nga ako!"




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now