Chapter 12

435 19 0
                                    


REINA ALCANTARA

UWIAN na pero naiwan pa ang walo sa amin sa classroom dahil cleaners for monday, kasali na ako do'n. Good thing naman na kasama ko sina Princess at Victor. Pero bad thing at subrang malas dahil kasama pa talaga si River.

Kainis!

Nagtulongan naman kaming lahat para mabilis kami matapos. Binubuhat ng mga boys ang mga upuan at nilalagay sa gilid para makawalis kami ng mga girls kasama si Victor. Naglampaso naman ang iba.

Nang wala na masyadong gawin ay nag chismisan nalang kami ni Princess at Victor sa gilid, enjoy kausap ang mga ito hindi mauubosan ng sasabihin.

Lumapit sa amin si River na galing sa labas at bigla nalang niya hinawakan ang hawak kong walis. "Anong ginagawa mo?! Alisin mo nga 'yang kamay mo..." nainis dahil parang wala siyang respeto.

"Hihiramin ko lang saglit dahil may wawalisin akong basura sa labas..." bigla siyang tumawa. "Kaso malaking basura ka rin pala dito na dapat walisin palabas..." pang-asar niya.

"Arrrgghhhh!!! Punyeta ka talaga!!!" Agad kong hinablot mula sa kanya ang hawak kong walis dahil ako naman nakauna dito.

Subra akong napikon sa biro niya kaya naisipan kong hampasin siya ng walis, ngunit mabilis niyang kinuha ang walis ni Victor at agad din niya ginawang atake kaya nagkasalpokan ngayon ang mga walis namin.

"Naku nagsimula na naman sila..." rinig kong sabi ni Victor kay Princess.

Lalong kumukulo ang dugo ko kay River kaya patuloy ako sa pag atake sa kanya gamit ang walis, ngunit habang walang tigil ako sa paghampas ay sinasagang naman niya ang kanyang walis kaya ito pa rin ang nagkakabanggaan.

"Gago ka talaga sa lahat ng gago! Kung basura ako, alikabok ka naman!" Sigaw ko.

Nakuha pa rin niya akong tawanan habang umaatras siyq at sumusugod naman ako. "Oo alikabok ako, dahil nakakapuwing talaga ang tulad kong subrang gwapo..."

Umacting akong nasusuka dahil feel na feel niyang gwapo siya. Oo gwapo naman siya pero may sayad lang sa utak.

"HAHAHAHA!!! Mukha mo!" Natatawa ako.

"Gwapo?"

"Gago!" Sigaw ko sabay bitaw ng malakas na hampas sa kanya pero hindi pa rin siya natatamaan dahil magaling siya sa pag sangga gamit din ang walis niya.


Itinigil ko na ang paghahampas sa kanya dahip halos umabot na kami sa labas ng classroom. Pariho kaming pinagpapawisan habang hinihingal.

Tinalikuran ko na siya.

"Siguro naman tanggap mo ng there will be no peace in this class. Nagsisimula palang ako. At sisiguradohin kong hindi mo magugustohan ang mga gagawin ko." Natigil nang bigla siyang nagsalita.

Are he really out of his mind? Ano bang nagawa ko sa kanya? Bakit the way he said those words ay parang ginagantihan talaga niya ako?

Ako naman 'tong si tanga pinapatulan siya kahit hindi naman alam kung anong meron sa kanya, basta lang magmukha akong astig na babae.

Agad ko siyang hinarap. "Matagal ko ng hindi gusto ang mga ginagawa mo." Dahan-dahan kong inilapit sa mukha niya ang walis at itinutok ito sa mata niya. "Pero hindi ako natatakot sa 'yo." Matapang akong sumagot at natahimik naman siya.

Naging matalim ang titigan namin sa isa't isa na parang walang magpapatalo sa amin.



Pagkatapos namin maglinis ay sabay na kaming naglakad ngayon ni Princess at Victor palabas ng campus. Pagkarating namin sa main gate ay napahinto kami at parihong napatingin sa gilid, tinitignan namin ngayon ang malaking signage na "I Love Heartful Academy" agaw pansin ang mga magagandang designs mula sa iba't ibang letters na itinayo.

Lalo pang gumanda ang bahagi na 'yon dahil sa mga blue tulips na nasa gilid-gilid. Sa likod din ay makikita ang mga malalaking puno na may iba't ibang kulay ng dahon. Mukhang pariho ang nasa isip naming tatlo.

"It's selfie time!" Sigaw namin.

Dali-dali kaming lumapit sa bahagi na 'yon at nag selfie ng marami na parang wala na kaming balak tumigil, iba't ibang wacky at pose na ang nagawa namin, isa-isa pa kami naging model sa malaking signage na 'to.

Kahit tinitignan na kami ng mga dumadaan ay go go go pa rin kami. Pagtapos namin mag selfie ay puro tawanan nalang kami habang tinitignan ang mga pictures.

"Bes nagugutom ako..." biglang sabi ni Victor.

"Same tayo bes," napahawak si Princess sa kanyang tiyan. "Tara bili muna tayo sa cafeteria habang hindi pa tayo nakalabas," dagdag niya.

"Sige dito nalang ako, hintayin ko kayo dito..." sabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong ni Princess.

"Yes of course." Sagot ko at tsaka sila umalis papuntang cafeteria.


Tinitignan ko pa rin ngayon ang mga pictures namin habang pabalik-balik ang lakad ko sa bahaging ito. Nakayuko akong naglalakad dahil sa kaka-swipe ko sa mga pictures.

Dahil dito ay bigla akong nakabangga ng tao at nahulog ko ang cellphone ko. "Pasensya na, sorry hindi ko sinasadya..." sabi ko habang pinulot ko ang cellphone ko.

Pagkapulot ko sa cellphone ay dahan-dahan ko ng nilingon kung sino ang nabangga ko. Dahan-dahan na nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ako ng multo. Multo sa nakaraan ko na ayaw ko ng balikan pa.

Parang tumigil ang mundo ko. Ang akala ko'y nakalimutan ko ang lahat sa nakaraan, pero habang nakatingin ako sa mga mata niya ay parang bumabalik lang ang lahat ng 'yon, na parang sariwa pa.

Sa dami ng pwede ko makaharap ngayon, bakit siya pa? Bakit si Inah pa?

Malaki na ang pinagbago niya, dalaga na rin siya, at malinaw na mas maganda pa rin siya sa akin, mas maputi, mas magaling mag make up, and I can say she looks even more pretty with glam look.

Ilang taon na rin kaming hindi nagkita. Sa tindig at titig palang niya sa akin masasabi ko ng hindi na siya ang dating Inah na kilala ko.





Crazy Love | Heartful Academy 3Onde as histórias ganham vida. Descobre agora