Chapter 20

355 15 0
                                    


REINA ALCANTARA

KUMIKINANG na naman ang mga mata ko nang makita ko siya. Ang prince charming ko. Si Hiro Lim. Napaka gwapo niya ngayon habang kalmadong nakaupo sa bench at umiinom ng milk tea.

Wala na akong sinayang na oras, dali-dali akong lumapit sa kanya. "Ahm, hi..." pagbati ko.

Napaangat siya ng tingin. "Oh hi. Reina right?" May ngiti sa labi niya.

"Yes the one and only Reina," agad akong umupo sa tabi niya. "But actually you can call me Rein," dagdag ko.

Tumango naman siya. "Rein, what a nice nick name, sounds like rain," sabi niya at napahawi naman ako ng buhok, kunwari mahinhing Filipina.

"Great to see you here again, Rein." Dagdag pa niya.

Hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya. "Same to you. Ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ko.

Umiling naman siya. "No, kasama ko pinsan ko." Sagot niya at lumingon naman siya sa paligid. "Oh there he is,"

Nakatingin kami ngayon sa isang lalaking papalapit sa amin habang may dala-dala ng dalawang milk tea, hindi ko pa nakita ang mukha dahil nakayuko ito at tinitignan ang hawak na milk tea.

Pero familliar ang pangangatawan niya, pati ang lakad.


Pagkarating niya sa harapan namin ay dahan-dahan na nanlaki ang mga mata ko. Ang walang hiyang si River pala ito.

"Hiro I buy you another milk tea, alam kong nabitin ka sa sarap n'yan," sabi niya dito, hindi pa niya ako nakita dahil nakatuon ngayon ang tingin niya kay Hiro.

"Thanks bro, pero ayos na ako dito, ibigay mo nalang dito sa new friend ko,"

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang lingonin niya ako. Agad akong umiwas ng tingin at tumalikod.

Jusko, bakit ba nangyari sa akin ito? Gusto ko lang naman gumala. Bakit ba kailangan ko pa maka encounter ang hayop na 'to?!

Kahit nakatalikod ako alam kong pinipilit ngayon ni River na makita kung sino ako, kaya todo iwas naman ako ng tingin. Mayamaya ay bigla nalang niya ako hinarap kaya napalunok nalang ako sa kaba.

"Rein? Ikaw ang sinasabing new friend ni Hiro?" Nakakunot ang noo niya na parang nagugulohan sa nangyayari.

"Wait, magkakilala kayo? This is great then..." sa tuno ng boses ni Hiro ay alam kong natutuwa siya, kahit hindi ko siya lingonin alam kong naka ngiti siya ngayon.

Biglang natawa si River. "I can't believe this...paano nangyaring naging kaibigan mo ang pinsan ko? Gumamit ka naman ba ng black magic..." parang nang aasar na siya.

Hindi na ako nakapag-timpi, agad akong tumayo at hinarap siya. "And I can't believe na mag pinsan kayo! Paano nangyari 'yon? Eh napaka-bait ni Hiro, subrang layo sa 'yo na parang anak ng dyablo!"

Lagi nalang may sigawan na nagaganap sa tuwing magkikita kami. Busit talaga, bakit ko pa siya nakita ngayon! And worst, mag pinsan pala sila ni Hiro.

Naging matalim ang titigan namin ngayon ni River at walang iwasan ng tingin.



Dahan-dahan na tumayo si Hiro. "Wait, guys I don't completely understand your words. But it looks like, there's a war between two of you." Nagtatakang sabi niya.

"Ito kasi eh! He's the one started this!"

"Anong ako?! Ikaw ang dahilan nitong lahat! Kung hindi ka sana nagpagitna sa kalsada, hindi tayo aabot dito!"

Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now