Chapter 14

401 15 0
                                    


REINA ALCANTARA

MULA nong sunduin ako ni papa hanggang makauwi ako sa bahay ay naging tahimik lang ako. Pagkatapos ko magmano kay mama ay agad akong pumasok sa kwarto.

Wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang mga nangyari kanina, nong makita ko ulit si Inah. Expected ko na 'yon na maraming magbabago sa kanya sa oras na muli kami magkita.

Kaya dati pa lang sinabi ko na sa sarili ko na once magkita kami ulit ni Inah, ipapamukha ko sa kanya na hindi ako natatakot sa kanya. Itinapon na niya ang pagkakaibigan namin kaya basura na rin ang tingin ko sa kanya.

I'm not a people pleaser anymore. Paki ko sa kanya.

Pero kahit papaano ay naging mahaba din ang pagsasama namin dati. Sa pagkaalala ko, love triangle lang ang dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan namin. First time niya no'n nagka interest sa lalaki, pero nangyari ang hindi namin inasahan.

Mahirap man paniwalaan, pero nagkagusto sa akin ang lalaki na 'yon. Tawang-tawa pa nga ako no'n dahil sinong tanga makagusto sa akin, eh halos lahat nga tingin sa akin nerd, weird, and crazy, tapos biglang may nagkagusto.

Hindi ako naniniwalang may magkagusto sa akin, sa ugali kong ito? Mas maniwala pa ako sa sabi-sabi ng iba na napakalandi ko. Dahil totoo naman talaga, flirting is middle name.

Mas gusto ko pa nga ako ang lumalandi, kaysa ako ang nilalandi.

Yes flirting is my game, but chasing is not my thing. Nangungulit ako, pero once na malaman kong hindi ako gusto ng tao na 'yon babye agad at hanap ng bago.

Pero duda ko hindi tungkol sa pag-ibig ang dahilan ng galit niya sa akin. Dahil knowing Inah, wala siyang paki sa pag-ibig na 'yan, hindi siya tulad ko na subrang balyo sa love.

Kaya siguradong may malalim pa na dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin. At 'yon ang kailangan kong malaman habang makipaglaban ako sa larong gusto niya.


Kanina pa tawag nang tawag sa akin si mama na kakain na raw kami. Nakita ko sa cellphone ko na 6 ng gabi na pala, nakatulog pala ako kanina kakaisip tungkol sa amin ni Inah.

Hindi ko na hinintay pa na pumasok si mama, agad na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nakita ko silang dalawa ni papa na tahimik kumakain.

Kakaupo ko palang ay nagsalita na si mama. "Rein kumusta first day of school mo? Hindi kita natanong kanina dahil agad ka pumasok sa kwarto mo," sabi niya.

Lumingon ako. "Okay lang naman po," maikling sagot ko.

"Nagkita ba kayo ni Inah? Balita ko nakapasok daw siya, nakita ko pangalan niya sa passer list," tugon naman ni papa.

Napahinto ako sa pag nguya at hindi ko alam anong sasabihin ko, pero hindi ako pwedeng tumanganga nalang. "Ah oo nagkita kami kanina, maayos naman, namiss nga din niya ako eh..." pinipilit kong ngumiti.

"Mabuti naman kung ganun, ilang taon din kayong hindi nagkita mula nong lumipat siya ng ibang school, siguradong napaka gandang dalaga na niya..." nakangiting tumawa si mama at ganun si papa.

Hindi ko sila magawang tignan dahil guilty ako na hindi ko nasabi sa kanila ang totoong nangyari. Hindi nila alam na nagkaroon kami ng away ni Inah bago ito lumipat ng school nong Grade 4 palang kami. Ang alam lang nila ay pinalipat ito ng kanyang tita.

Hindi ko masabi sa kanila dahil umaasa pa rin ako na magkaayos kami ni Inah at hindi na nila kailangan malaman ang drama sa aming dalawa.

Pero dahil sa pinapakita sa akin ni Inah ngayon, mukhang malabo na magkaayos kami.

Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now