Chapter 28

352 19 0
                                    


RIVER MENDEZ

HABANG nakahiga sa kama at kanina pa scroll nang scroll sa Instagram ay nakaramdam ako ng inggit sa iba kong mga classmates dahil puro bakasyon ngayon ang post nila.

Nariyan ang naliligo sila sa dagat. May umabot din sa Thailand, Japan at kung saan-saan pang bansa. May mga nandito lang sa Pilipinas at pumupunta sa iba't ibang tourist spot, gaya ng Boracay at El Nido.

Agad akong bumangon nang may naisip akong magandang plano. Pumunta ako sa group naming mag kakaibigan sa Instagram.

   INSTAGRAM
rivermndz
is everyone free tomorrow?

sassyprincess
yes, para saan ba?

brunodoggie
ako free lang ako lagi sayo bro roarrr

victorinanotvictor
ackla akin lang si river
pero yes rive free ako kahit ano payan

just.in
anong meron?

victorinanotvictor
mag backread ka tamad mo

crazyrein
at anong kagolohan to?

Napangiti ako nang mag seen na silang lahat. Lalo pa akong natuwa dahil nagpalit pala ng username si Rein. Kaya naisipan kong magpalit din.

loverriver
mag road trip tayo, pupunta ako bukas sa province namin, sama kayo? sure na mag enjoy kayo don

victorinanotvictor
yas hindi tayo magpapatalo sa classmates natin, ipapainggit din natin sila

brunodoggie
uy nagpalit

crazyrein
gaya gaya talaga

just.in
kakilig kayo

sassyprincess
baka mamaya nyan lowkey relationship na pala kayo

loverriver
shut up guys, don't changed the topic, ano sama kayo bukas?



Lahat naman sila ay pumayag kaya tuloy na tuloy na kami. Pagkabukas naka ready na lahat ng dadalhin ko, nasa loob na ng van. Isa-isa kong sinundo ang mga kaibigan ko sa kanilang bahay. At ang panghuli ay si Rein nalang.

Naiwan ang driver ko sa van at bumaba kami ng mga kaibigan dahil pupunta kami ngayon sa bahay ni Rein. Halos pinagtitinginan kami ng mga tao dito dahil sa mga attire naming pang summer, lalo na si Victor na naka flower print pa na dress at hindi pa rin nawala ang medyas niyang barbie.

Pagkarating namin sa labas ng bahay nila Rein ay sakto namang nagbukas ang gate nila at bumungad sa amin si Rein kasama ng mga magulang niya.


Natulala na naman ako ngayon sa sobrang ganda ni Rein habang suot niya ang white dress na suot niya nong una naming kita. Mukhang natuto na nga siya mag make up, hindi na makapal ngayon ang make up niya at hindi na lipstick, at nakabuhayhay na rin ang buhok niya.

"So, nasa'n ang boyfriend mo dyan anak? Ito bang nasa harapan mo? Ang pogi ah..." rinig naming sabi ng papa ni Rein at nagsasapakan naman na parang kinikilig ang mga kaibigan ko sa likod.

Natawa lang si Rein. "Papa naman, puro mga kaibigan ko lang mga 'yan...at tsaka strong independent woman na ako ngayon, hindi ko na kailangan ng love life para mabuhay..." tugon niya.

Biglang hinawakan ng mama ni Rein ang kamay ko. "Ikaw ng bahala sa anak ko ah, ipinagkatiwala ko siya sa 'yo." Nakangiting sabi niya.

Tumango naman ako. "Opo. Makakaasa kayo." Sagot ko na may ngiti sa labi.


Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now