Chapter 31

324 13 2
                                    


INAH VALDEZ

HINDI ko akalaing mahuhulog ang loob ko kay Hiro. Wala 'yon sa plano ko. Ang plano ko lang ay gamitin siya para makaganti kay Rein. Nakita ko kasi ang kilig sa mukha ni Rein sa tuwing magkasama, kaya alam kong crush niya ito.

Kaya para mamatay siya sa selos ay lagi akong lumalapit kay Hiro. Sa tuwing magkasama kami ki Hiro ay nagpapaka-sweet ako sa kanya para mahulog siya.

Hindi naman akong pinagsisihan sa ginawa ko dahil sobrang satisfying na makita si Rein na malungkot. Ang hindi ko lang nagustohan ay ang pagkahulog ko kay Hiro. Nong gabi ng Music Festival nagsimula ang lahat.

Habang magkalapit ang aming katawan at nagkatitigan ang mga mata ay biglang pumasok sa isip ko ang halikan siya. At do'n ko na nasabing mahal ko na nga siya. Mas lalo ko pa 'yong napatunayan nang hinalikan niya ako sa labi.


Mula noon ay sinubukan ko nang buksan ang puso ko kay Hiro. Wala ng pagpapanggap. Nagpakatotoo ako sa nararamdaman ko.

Worth it pala siyang mahalin ng tunay. Lagi akong masaya sa tuwing kasama ko siya sa mga simpleng date. Gaya ng museum date, dahil pariho kaming may hilig sa arts. Cinema date na horror pa ang una namin napanuod together, kaya nagtatago ako sa braso niya habang tinatawanan lang niya ako.

Maraming date kaming nagawa at ilang beses din niya akong nililigawan. Lagi-lagi niya akong binibigyan ng flowers sa tuwing magkikita kami. Kapag pumupunta pa siya sa bahay ay lagi niyang nakakasundo si Mama dahil tinutulongan niya ito sa mga gawaing bahay.

He's the most kind, sweet and caring man I ever known. Ganung klase ng lalaki hindi na dapat pinapakawalan. Kaya nong nakaraang linggo lang ay sinagot ko na siya. We are in official relationship, and still going strong.




Ngayong gabi ay magkasama kami ni Hiro sa bahay niya. Siya lang kasi mag-isa. And it's perfect para mag movie date kami. Pinanuod namin ang romance movie ni Tian Martell, idol ko talaga siya, grabe siya magpa-iyak ng audience sa galing niya umacting. 

Magkahawak ang mga kamay namin ni Hiro habang nakasandig ako sa balikat niya. Makailang ulit pa niya hinahalikan ang buhok ko.

It's raining, kaya tinamplahan ako ngayon ni Hiro ng kape. Kahit nakainom na kami ng kape giniginaw pa rin kami, kaya nag share na kami ng kumot habang nandito pa rin sa sofa nakaupo at nanunuod ng movie.


Mayamaya ay nakarinig kami ng doorbell and it's from Hiro's house. I insist na ako na ang magbukas ng pinto dahil ginaginaw talaga siya.

Pagkabukas ko ng pinto ay laking gulat ko nang makita si Rein na basang-basa. "Oh Rein, naparito ka?" Tanong ko.

Yakap-yakap niya ang sarili na halatang giniginaw. "W-Wala lang akong mapuntahan...p-pero sige, alis nalang ako, baka maka isturbo pa ako sa inyo ni Hiro..." maging ang labi niya nanginginig.

Humakbang na siya paalis. Tinignan ko ang paligid at sobrang lakas talaga ng ulan, halos nagsasayawan na nga ang mga puno sa labas. "R-Rein, dumito ka muna. Sobrang lakas ng ulan baka mapaano ka. Dito ka muna magpahinga hanggang sa tumigil ang ulan." Nag-alalang sabi ko sa kanya.

Isinama ko na siya sa loob at nagulat naman si Hiro nang makita siya. "Oh, hi Rein..." nakangiting pagbati ni Hiro.

"H-Hi..." pinipilit ni Rein ngumiti.

Hinarap ko si Rein. "Dito ka muna, kukuha muna ng masusuot mo," lumakad na ako ngayon papunta sa kwarto ni Hiro, may mga damit din kasi akong nilagay sa drawer niya para magamit ko kapag pumupunta ako dito.

Pagbalik ko sa sala ay inabot ko sa kanya ang towel at damit. Pumunta siya sa comfort room at nagpalit ng damit. Habang nandito naman kami ni Hiro sa lamisa tini-timplahan ng kape si Rein, napag-usapan din namin kung bakit ang lungkot ngayon si Rein.


Nang matapos si Rein ay bumalik na kami sa sala at inabot sa kanya ang kape. "Rein, may problema ba? Mukhang galing kasi sa luha ang mga mata mo," sabi ko ng mahinahon.

Habang umiinom siya ng kape ay naging malayo ang tingin, parang ang daming bumabagabal ngayon sa isip niya. Agad kaming umupo ni Hiro sa tabi niya. "Come on Rein, you can share it with us, we're your friends..." sabi sa kanya ni Hiro.

Tuloyan na nga lumuha ang mga mata niya. "M-May nalaman ako kay River...and sobrang sakit lang na matagal na pala niya itong tinatago, matagal na niya akong pinaikot...nagmukha akong tanga na walang alam..." huma-hagulhol siya.

Hinawakan ngayon ni Hiro ang likod ni Rein. "Mukhang seryosong usapan nga 'yan...pero nandito lang kami ni Inah sa 'yo, hanggang sa maging okay ka. Right Inah?" Nilingon ako ni Hiro, wala akong magawa kundi dahan-dahan nalang tumango.

Sinubukan kong ngumiti. "Sige, maiwan ko muna kayo dito. Magluluto lang ako ng makakain natin." Hinawakan ko ang braso ni Rein. "Ilabas mo lang lahat ng sakit kay Hiro, makikinig siya sa 'yo." Sabi ko habang hindi niya ako magawang tignan. Umalis na ako at pumunta sa kusina.




Habang nagluluto ng ulam ay wala akong marinig sa kanila Rein at Hiro, medyo may kalayoan kasi itong kusina sa sala. Nang matapos ko na lutoin ang adobong manok ay inilapag ko na ito sa lamisa.

Bumalik ako sa sala at halos tumigil ang mundo ko sa aking nakita. Nanlaki ang mga mata ko, halos manigas ang katawan ko, para akong binagsakan ng langit at lupa, naninikip ang dibdib ko.

Habang nanginginig ang labi ko ay dahan-dahan na pumapatak ang luha ko. Wala ng mas sasakit pa sa nakita ko ngayong magkahalikan sila. Parang sinasaksak ang dibdib ko ngayon, hirap akong makahinga habang lumuluha.

Napatakip ako sa bibig, gustong-gusto ko sumigaw sa galit pero hindi ko magawa, napangunahan ako ng sakit. So this is how feels like to be betrayed. It goes so painful that I can't even breathe.


Gusto ko silang lapitan at saktan, pero wala akong karapatan dahil hindi ko ito pamamahay. Hindi ko rin kaya ngayon ang makipaglaban dahil nasasaktan na ako ng sobra, nanghihina ako.

Dahan-dahan akong napaatras at nagtago sa gilid. Dito ay walang tigil ako sa pag tangis, gustohin ko man mag hagulhol ay hindi ko magawa, tinatakpan ko lang ang bibig ko at madiin na hinahawakan ang ulo.

Hindi ko natiis ang sakit kaya dali-dali akong pumunta sa labado at sinubukan ko pang maghilamos ng tubig para maalis ang luha, pero hindi ko magawang tumigil sa pag iyak.

"Ang sakit-sakit ng ginawa niyo...para niyo akong pinapatay..." nanginginig ngayon ang nakakuyom kong kamao. Gusto kong magalit. Galit na galit ang isip ko, pero wasak na wasak ang puso ko kaya nanghihina ang katawan ko.



Tiniis ko nalang ang sakit. Tiniis kong mag bulag-bulagan ngayon. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang damit ko. Dahan-dahan akong kumuha ng mga pinggan at inilapag sa lamisa.

Bumuntong hininga ako. "K-Kain na tayo..." nagawa ko pa silang tawagin kahit napapaos na ako kakaiyak ko kanina.

Nang nandito na sila sa hapag kainan ay nakita ko silang nag-iiwasan ng tingin, parang naiilang pa si Hiro kay Rein at sa akin siya tumabi. Gusto ko ng umalis dahil baka kung ano pa ang magawa ko. Pero nagpanggap nalang ako na wala akong nakita sa nagawa nila.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal bago kami kumain. "Panginoon, maraming salamat po sa pagkaing ito. Panginoon gabayan niyo po kami. Ilayo niyo po kami sa mga taong traydor, manloloko, at makakasalanan. Amen."

Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Rein na nakaupo sa harapan namin at lumuluha pa rin habang nakayuko. "Bakit ka umiiyak?" Nakatitig ako sa kanya.

Tumingin siya at inalis ang mga luha. "W-Wala 'to, masaya lang ako dahil matagal din tayong hindi nagsama..." pinipilit pa niyang ngumiti.

"Same." Diin kong pagkasabi. Habang kumakain kami ay sobrang tahimik ng paligid, hindi nilang dalawa kayang tignan ang isa't isa. Pero ako, kanina ko pa sila tinitigan habang matalim ang mga mata ko.




Crazy Love | Heartful Academy 3Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt