Chapter 18

360 17 0
                                    


REINA ALCANTARA

NAGTULONG-TULONG kami ng mga classmates ko para maalis dito sa fountain si River. Maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon, parang artista na nga kami sa daming nag vivideo.

Mabuti nalang nakaalis na si Hiro, dahil subrang nakakahiya talaga kapag makita pa niya kami dito.

Nang maiahon namin sa fountain si River ay para siyang binaksakan ng bulalakaw, bagsak ang mukha at balikat niya habang nakatingin sa akin.

"Wow, thanks sa paligo mo Rein." Walang kung anong expression ang makikita sa mukha niya.

"Hehehe, your welcome..." pinipilit kong ngumiti para hindi na gaano ka awkward dito.

Natahimik kamang magka-classmates at nagtitinginan nalang, parang walang gusto magsalita tungkol sa nangyari.

"Eh taika, paano 'yan River, basang-basa ka na ngayon, makakapasok ka pa ba sa mall?" Biglang sabi ni Princess.

Nilingon ni River si Bruno. "Ang cellphone ko," sabi niya dito at dali-dali naman nito inabot sa kanya ang cellphone.

Ang tukmol na 'to ginawa ba namang alagad si Bruno, taga buhat ng bag niya.


"Hello Mika, puntahan mo ako dito sa labas ng mall at magdala ka ng masusuot ko. Huwag ka na magtanong. Basta dalian mo."

Ibinaba na niya ang tawag at inabot ulit kay Bruno ang cellphone.

Napansin kong lumalalim ang titig sa akin ni River. "What?!" Pagtaray ko.

"Kasalanan mo 'to eh, siguro sinadya mong sumigaw para magulat ako at mahulog dito sa fountain..."

"Hoy...kung hindi ka nagpasikat eh hindi sana mangyari sa 'yo yan, kaya huwag mo akong sisihin, dahil from the very start kasalanan mo nang tumayo ka dyan..." umangal ako dahil ako ba naman ang pinagbibintangan, eh hindi ko naman sinadyang magulat siya.

"At tsaka isa pa, hindi ba ito naman ang gusto mo, ang mapahiya ang isa't isa sa atin sa harap ng maraming tao, eh bakit ngayon napipikon ka!" Dagdag ko pa.

Inirapan naman niya ako ng mata. Hinahawakan niya ngayon ang mga tenga at ilong niya, siguro napasukan ng mga tubig pagkahulog niya.

"Tsk. Ang sabihin mo nakakita ka na naman ng pogi, kaya ka sumigaw. Balyo ka na nga, napakakati pa..."

Nagtaasan ngayon ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya, pati mga kaibigan ko ay napatakip sa bibig sa subrang gulat.

Hindi na ako nakapagtimpi. "Anong sabi mo?!" Susugorin ko na sana siya ng kamao pero hinawakan ako ngayon ng mga kaibigan ko.

"Ulitin mo lang ang sinabi mong animal ka, ihuhulog kita ulit dyan!" Sinisigawan ko siya habang pinipilit kong makawala sa hawak nila Princess para masuntok ko siya.


"Sir River?"

Natigil kami nang marinig ang boses na 'yon mula sa likod namin ni Princess at Victor. Dahan-dahan kaming humarap at nakita namin ang isang babae na medyo maganda naman, blonde ang buhok niya at may hairnet pang nakalagay, may suot din siyang apron na may logo pang nakasulat na Hearts Coffee.

Siya siguro 'yong pinatawag ni River. Halos masira ang mukha ko nang marinig kong tawaging Sir si River.

Dali-daling lumapit si River. "Oh thanks God dumating ka Mika," sabi niya dito.

Nakita kong nakakunot ang noo ng babaeng si Mika habang dahan-dahan na inabot kay River ang pares ng t-shirt at short. "A-Anong nangyari sa 'yo Sir? Saang dagat ka ba lumangoy?" Tanong niya.

Nagpipigil naman tumawa ang mga kaibigan ko.

"Mahabang kwento," hawak na ngayon ni River ang damit. Nilingon niya kami. "Sila pala ang mga classmates ko. Samahan mo sila sa coffeeshop natin, magbibihis lang ako."

"Sige po Sir." Sagot naman ni Mika at tsaka umalis si River.

"Come on guys, follow me." Sabi sa amin ni Mika at sumunod naman kami sa likod niya.

Nilingon niya ako na nasa tabi lang niya. "Pasensyahan niyo na Sir ha, mukhang nagkainitan pa kayo kanina. Ganun na talaga 'yon, minsan masungit, pero mabait naman, at minsan sweet. Ayon ang nagustohan ko kay Sir, paiba-iba ng mood," ngumi-ngiti pa siya at parang namumula ang pisngi.

"Sir? Duh, hindi bagay..." mahinang sabi.

Nilingon niya ako ulit. "May sinasabi ka?" Tanong niya.

Umiling ako. "Ah wala, bumuntong hininga lang ako." Dali-dali kong sagot.



Nasa loob na kami ngayon ng Heartstown Mall at gaya ng pangkaraniwang mall, napakaraming tao dito at mukhang expensive ang lahat ng bilihin. Paakyat kami ngayon sa second floor gamit ang escalator.

Pagkatapak namin sa second floor lumakad pa kami ng ilang hakbang. Hanggang sa huminto sa paglalakad si Mika at nakikita namin sa aming harapan ngayon ang napakalaking coffeeshop.

Sa lahat ng nakikita naming coffeeshop dito sa mall, ito ang may pinakamagandang desinyo, nature friendly ang coffeeshop na 'to, mula sa loob hanggang sa labas ay may makikitang mga iba't ibang bulaklak, pati sa iilang lamisa ay merong tulips na nakapatong

Parang gusto ko na tumambay dito kahit wala akong kahilig-hilig sa kape.

Dahan-dahan na binuksan ni Mika ang glass door. "Hali, tuloy kayo..." nakangiting sabi niya.

Dahan-dahan naman kaming lumakad papasok sa coffeeshop na 'to at bumungad sa amin ang amoy ng mga nagsasarapang tinapay na nasa gilid-gilid, parang hinahayaan lang ang mga customers na kumuha ng kakainin nilang bread, capcakes, o kung ano gusto nilang i-pares sa kape nila.

Kahit ako na walang hilig sa kape ay halos maglalaway na dahil sa nakikita kong reaction ng mga customers sa tuwing iniinom nila ang kape mula sa hawak nilang tasa na may cute pang designs.


Nag enjoy kami sa pananatili namin dito, hindi na namin namalayan ang oras. Napasarap ang kwentohan namin habang nagkakape dito sa nakapagitnang lamisa, kaya naman tinitignan na kami ng ilang customers dahil tawa kami nang tawa, halos nasasapawan na namin ang pinatugtog nilang kanta.

"HAHAHA River kumusta ang ligo mo kanina sa fountain...sayang nakalimutan namin magdala ng shampoo, next time nalang..." malakas na tawa ni Justin.

Napakamot naman sa ulo si River na naka bihis na pero medyo basang-basa pa at magulo pa ang mga buhok, halatang hindi nakapag suklay.

"Let's just forget that," sabi niya at agad niya itinaas ang kamay niyang may hawak ng tasa. "And cheers to the first week done!"

Sabay-sabay naman kaming lima sa pagtaas ng tasa. "Yasss...first week done!" Sabay namin na sabi ni Princess at Victor habang abot tenga naman ang mga ngiti naming pinto at sabay na uminom ng kape.

Aaminin kong ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kasayang gala after class. Matatawag ko na 'tong barkada or circle of friends, dati kasi isa hanggang dalawa lang ang kaibigan ko dahil sa pagiging weird ko daw.



Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now