Chapter 15

380 15 0
                                    


REINA ALCANTARA

BUMALIK sa harapan si Ma'am at nag discuss ng lesson niya. Nililingon ko naman si River at nakita ko siyang halos nanginginig na ang mga braso sa bigat ng tatlong libro.

Hindi pa ako tapos sa kanya. Muli ko siyang inaasar at pinapakitaan ng panget na wacky face. Hindi niya ulit na control ang sarili niya, bigla siyang natawa.

Natigil si Ma'am sa pag discuss at nilingon si River na napalunok naman sa kaba at sa itaas nakatingin.

Walang salita-salita ay nilapitan siya ni Ma'am at dinagdagan pa ng isang makapal na libro, kaya apat na ngayon ang nakapatong sa mga braso ni River.

Mahinhin kaming nagtawanan ngayon ni Princess at Victor. Habang pinagbubulongan naman ng ibang kaklase namin si River. Siguradong pahiyang-pahiya na siya ngayon.

Deserve niya 'yan.

Inaasar ko pa rin ngayon si River. Nagkukunwari akong umiiyak para isipin niyang iniiyakan at kinakawaan ko siya, bagay na ikinainis niya.

Bakas ang inis sa mukha niya habang galit na nagsasalita kahit hindi naririnig dahil siguro ayaw niya pagalitan ni Ma'am.


Mayamaya ay nagtataka ako nang biglang tumahimik ang buong klase, kanina ko pa hindi narinig nagsalita si Ma'am.

Dahil sa pagtataka ko ay dahan-dahan kong nilingon ang paligid at nakita kong kanina pa pala nakatingin sa akin ang mga classmates ko at ganun din si Ma'am na napaka seryoso pa.

Napalunok ako sa kaba.

"Miss Alcantara, stand up!" Lalong bumilis ang kaba ng dibdib ko nang tawagin ako ni Ma'am.

Shit, nandadamay talaga ang hayop na River na 'to!

Nag crossed arms si Ma'am. "Because you two are making fun with each other, then let's have some fun today." Ngumiti siya.

Anong fun? Hindi naman 'to fun, gantihan namin 'tong dalawa eh.

"But this is not just a fun lang, take this as activity ninyong dalawa. Rein, I'll give you a questions about arts, kapag masagot mo ng tama makakabalik na sa upuan si River. Kapag naman nagkamali, madagdagan ang librong nakapatong sa braso ni River. Hindi lang si River ang nakasalalay sa 'yo, pati na ang attendance points mo sa araw na 'to, mababawasan 'yon kapag nagkamali ka." Instruction ni Ma'am sa sinasabi niyang fun.

Mukhang exciting naman. "Forda go Ma'am..." nakangiti ako.


"This is gonna be fun..." halatang tuwang-tuwa si Ma'am habang nililingon kaming dalawa ni River. "First question. Who painted the Mona lisa?" Tanong niya sa akin.

Basic lang. "Leonardo—" napahinto ako dahil naisip kong dapat ko lubusin ang pahirap kay River, kaya kahit mabawasan pa ang points ko ngayon, makita ko lang nag struggle si River ay masaya na ako.

"Leonardo DiCaprio." Confident akong sumagot kahit alam kong mali, nagtawanan pa ang iba kong mga classmates.

Napangiti ako nang dinagdagan ni Ma'am ng isang libro ang braso ni River. Bumalik si Ma'am sa kanyang lamisa. "Second question. What is Juan Luna known for?" Tanong ulit niya.

Alam kong Juan Luna is the Greatest Filipino Painter, one of his work is the famous Spoliarium. Pero syempre hindi pa ako tapos kay River. "Si Juan Luna po 'yong Heneral na nakipagbakbakan para sa bayan nong panahon ng Americans..." sagot ko.

Napakamot sa ulo si Ma'am. "Mali! Jusko, sinong lampastangan ba ang nagturo sa 'yo nyan?! Parang mga wala na kayong alam sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang sinasabi mong Heneral is kapatid ni Juan Luna, si Heneral Antonio Luna." Inis na 'ata si Ma'am.

Nagdagdag ulit si Ma'am ng isa pang libro kay River and it's a dictionary kaya napatakip ako ng bibig at tumawa dahil halos nanginginig na ang mga kamay at paa ni River. Pinagpapawisan na rin siya.

Satisfaction talaga sa akin ang makita siya ngayong parang naninigas na ang katawan at habang nakatingin siya sa akin ay parang nagsasabi ang mga mata niyang "tama na..." HAHAHA kawawang bata.


"Third question. What form of art that has short stories, poetry and novels?" Tanong ulit ni Ma'am.

Napanganga na ako dahil ito ang hindi ko alam. Wala naman kasi ako masyadong alam sa arts, kaunti lang. Pero mukhang familliar naman sa akin hindi ko lang sure kung ano tamang tawag no'n.

Napakamot ako sa ulo. "Ahm. Literary?" May patanong sa tuno ng boses ko dahil hindi ako sure.

Saglit naman na nahinto si Ma'am na mukhang napaisip siya. Tumango siya. "Literary, or literary works, I may consider it. But the exact answer is literature. But like I said, I consider your answer." Ngumiti siya. "So River, you may now take your set."

"Hays, salamat..." rinig namin ang buntong hininga ni River habang sinusubukan pa niya ngumiti.

Mukhang nahirapan na siya igalaw ang kamay niya. "L-Little help..." tugon niya at agad naman siyang tinulongan ng mga classmates naming lalaki, kinuha nila ang mga librong nakapatong sa braso ni River at isinauli ito kay Ma'am.

Nakita kong naglakad na pabalik dito si River habang minamasahi pa ang magkabilang braso niya, palit-palitan niya itong ginagawa at napapangiwi pa, halatang nanakit ang mga katawan niya.

Padabog akong bumalik sa pagkaupo. "Napakagaga naman, akala ko mali 'yong naging sagot ko..." sabi ko.

Hinawakan naman nila Princess at Victor ang likod ko. "Okay lang 'yan besh, medyo matindi naman 'yong ganti mo sa kanya, bawi ka nalang ulit mamaya..." sabi ni Victor.




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now