Chapter 29

331 14 0
                                    


RIVER MENDEZ

WALA ngayon si Rein sa tabi ko. Siya ang lagi kong hinahanap mula pa kaninang umaga hanggang ngayong gabi. Nandito lang kasi ako sa bahay at nilalagnat.

Kanina pa ako binabantayan ni Manang Flora, makailang ulit din niya pinupunasan ang noo ko gamit ang labakara na basa sa maligamgam na tubig, pero wala pa rin, bumabalik pa rin sa init ang ulo.

Hanggang sa lalo pang lumala, parang naghalo na ang lamig at init sa katawan ko. Kanina ko pa niyayakap ang sarili at nanginginig.

"Naku Sir kailangan na po kitang dalhin sa hospital..." ramdam ko ang pag-alala sa boses ni Manang.

Kahit na nahihirapan ay pinilit ko pa rin magsalita. "H-Huwag na Manang, lagnat lang 'to, kaya 'tong galingin sa bahay...huwag na tayong magpa-abot pa sa hospital, nakaka disturbo lang tayo ng may mas malala pang sakit..." nanginginig ang labi ko habang sabi 'yon.

"P-Pero Sir,"

"Manang I said no! Okay?! Hindi malala ang sakit ko!" Napasigaw na ako sa inis. Na-guilty ako dahil mukhang nasaktan ko ang loob niya pagkatapos ko sumigaw.

Sinubukan kong kumalma. "Look, Manang I'm sorry. Ganito nalang, pakitawag nalang si Rein, sabihin mo pumunta dito." Tumango naman siya at lumalabas na ng kwarto.



Ilang oras akong nagtiis sa init at lamig ng katawan ko, balot na balot na nga ako ngayon ng tatlong kumot. Kanina pa ako nag antay sa pagdating ni Rein.

Nakatingin ako sa labas ng bintana sa kwarto ko. Hanggang sa nawala nalang 'yon buwan at biglang umulan. Ang kanina lang mahinang ulan ay lalo pang lumalakas.

Nawalan na ako ng pag-asang dumating pa si Rein, kaya nagtago nalang ako sa kumot.

Mayamaya ay may narinig akong katok sa. "P-Pasok..." sabi ko.

Habang nakatago ako sa loob ng kumot ay narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at binuksan nito ang ilaw, kaya agad kong inalis ang kumot sa katawan. "Turn it off!" Sigaw ko, pero nanlaki ngayon ang mga mata ko nang makita ko si Rein.

"Sabi sa akin ni Manang Flora nilagnat ka daw. Kumusta pakiramdam mo ngayon?" Hindi ako makasagot sa tanong niya.


Napansin kong may hawak siya ng mangkok. "Dinalhan kita ng arroz caldo . Actually kanina pa talaga ako dumating dito, nagluto lang ako sa baba. Hindi ka daw kasi kumakain," nakita ko ang pag-alala sa mukha niya habang dahan-dahan na lumapit sa akin.

Dahan-dahan akong umayos sa pagkaupo, kahit sakit pa ang ulo ay pinipilit ko pa rin makagalaw para makasandig ako at makausap siya ng maayos.

Umupo siya sa tabi ko at walang salita-salita ay inilapit niya sa akin ang kutsarang naglalaman ng arroz caldo. Hindi ko akalaing sa isang titig lang niya ay napasunod na niya ako. Ngumanga ako at dahan-dahan ngayon kinakain ang lugaw at itlog ng arroz caldo.

"Good boy ka ngayon ah..." tumawa siya, sapat na para mapangiti ako. "Naku kung hindi ako dumating ngayon, malamang namayat ka na, eh ayaw mo daw kumain eh..." dagdag pa niya.



Nang maubos ko na ang arroz caldo ay lumabas siya ng kwarto. Pagbalik niya ay may dala na siya ngayong tubig at pina-inom niya ako ng gamot. Ganito pala siya ka-maalaga, unti-unting bumubuti ang pakiramdam ko kahit papaano. May lagnat pa, pero sabi niya matulog lang daw ako.

"May Stephen King ka palang libro, fan din niya ako eh," rinig kong sabi niya kahit nakapikit ang mata ko.

"Yeah. Kung gusto mo pwede mong hiramin." Sagot ko. Ilang sandali pa ay namulat at nanlaki ang mga mata ko nang ngayon ko pa lang narealize na may bagay pala akong nilagay sa libro na hindi pa niya pwedeng malamang.

"Rein wait..." nataranta ako kaya dali-dali akong bumangon. Pero nanginig na ngayon ang labi ko sa gulat nang mahulog ang hawak niyang libro at kasamang nahulog ang mga bagay na nilagay ko do'n.

Nagsimula na akong kabahan habang nakaupo sa kama. Nihindi ko kayang tignan si Rein habang dahan-dahan na pinulot sa sahig ang mga nahulog mula sa libro.

"May mga pictures at sulat pala nakalagay sa libro, hindi mo man lang sinabi. Wow parang mga love letters 'to ah..." napalunok na nga ako sa kaba.

"H-Huwag mo nalang tignan." Sabi ko habang nakayuko ang ulo. Natahimik siya, kaya dahan-dahan ko siyang tinignan. At huli na ang lahat nong sabihin kong huwag niya tignan, dahil binabasa na niya ito ngayon.


Parang gusto ko nalang magpalibing sa takot ko nang mag angat siya sa akin ng tingin pagkatapos niya basahin ang hawak na lumang love letters. Mas lalo pang lumakas ang kaba sa dibdib ko nang magpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa mga pictures na hawak niya.

Nakita ko sa mga mata niya ngayon ang mga luhang nagbabadya, halos manginig pa ang mga kamay niya habang hawak-hawak ang mga letters at pictures.

"Rein, magpaliwanag ako..." sinubukan kong kumalma para makinig siya.

Napapaatras siya. "I-Ikaw, si Lamson7?" Nanginginig ang labi niya. Pinipilit kong tumayo kahit nahirapan. "Sagotin mo ako! Ikaw ba si Lamson7?!" Natigil ako sa planong pagtayo nang magsimulang tumaas ang boses niya.

Dahan-dahan akong tumango. "O-Oo. A-Ako si Lamson7," parang nawalan ako ng lakas.


Nakita ko siyang napahawak sa ulo. "So all this time pinaglaroan mo lang ako! All this time nagmumukha akong tanga! Wala akong kaalam-alam sa gimik na ginawa mo! Matagal mo na pala akong ginagago!" Tuloyan na ngang pumatak ang mga luha niya.

"Rein pakinggan mo muna ako..." sinubukan kong magpaliwanag pero ayaw niyang makinig at itinapon pa niya sa dibdib ko ang mga letters at pictures.

"Para ano?! Para sa another lies na naman?! Para bilogin mo na naman ang isip ko at magpapanggap ka!" Punong-puno siya ng galit habang tuloy sa pagpatak ang mga luha niya. "Huwag na River, dahil sobra mo na akong nasaktan..." dali-dali siyang umalis.

"R-Rein..." agad ko naman siyang sinundan, pero dahil hindi pa maayos ang nararamdaman ko ay mabagal ang lakad ko, halos nahihilo pa nga ako.

Pero nagawa ko pa rin makababa sa hagdan. "M-Manang, s-san nagpunta si Rein??" Hingal na hingal akong nagtanong.

"Ay Sir lumabas po, mukhang umiiyak nga po eh," sagot niya, dali-dali na akong lumabas ng bahay. "Sir sa'n po kayo pupunta? Umuulan po sa labas, may lagnat pa po kayo..." rinig kong sigaw ni Manang, pero hindi ako nakinig sa kanya at tumakbo na ako palayo dito.




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now