Chapter 6

510 18 0
                                    


REINA ALCANTARA

HANGGANG ngayon hindi ko pa rin alam anong dahilan kung bakit ako isinama ng sales lady na ito dito sa office nila. May nagawa ba akong mali? Hindi ko naman nasira ang hanger, naibalik ko din ng maayos ang damit na ginamit pang hampas ko sa hayop na 'yon.

Kaya bakit ako nandito?

Lumabas na ng office ang sales lady pagkatapos niya bulongan ang babaeng kanina pa dito sa loob, kung hindi ako nagkakamali siya ang manager or naka naka assign dito sa office.

Nakaupo ako na may pagtataka pa rin sa nangyayari. Kaharap ko ang babae na magkahawak pa ang dalawang kamay at nakalagay sa kanyang baba.

Seryoso siyang nakatitig sa akin kaya napapa iwas ako ng tingin. "Akin na." Bigla niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "A-Ang alin po?" Tanong ko.

Bakas na ang inis sa mukha niya. "Huwag ka na magpanggap, ilabas mo na 'yang nasa bag mo!" Tinaasan na niya ako ng boses habang nakaturo sa bag ko.

Dahan-dahan ko tinignan ang bag ko at napanganga nalang ako nang makitang may bra sa loob ng bag ko, dahan-dahan ko itong inalis sa bag.

"What?! Paano ako nagkaroon nito sa loob?" Laking pagtataka ko habang nakatingin sa bra na itinaas ko.

Umiling at tumawa ang babae. "Hija panis na yan, hindi na 'yan bibinta...huwag mo na kaming lukohin pa..." halatang ayaw niya akong paniwalaan.

Ngayon malinaw na ang lahat sa akin kung bakit ako nandito, napagkamalan nila akong magnanakaw.



Dahan kong inilapag sa table disk ang bra at tinaasan ko siya ng kilay, enough na para magmukha akong mataray. "Wait lang, bakit ko naman nanakawin ang bra na yan? Sa tingin niyo ba kakasya sa akin 'yan? Eh ang liit-liit niyan para sa boobs ko...tignan niyo nga ang boobs ko, mas malaki pa kumpara sa 'yo..."

Napalunok siya at nakita ko pang palipat-lipat siya ng tingin sa boobs ko at sa kanya. "Walanghiya naman talaga oh, talagang talo pa ako sa bata..." napakamot siya sa ulo.

Muli siyang sumeryoso. "Anyway, nasa'n ang mga magulang mo?" Tanong niya.

"Seryoso?! Sabi na ngang wala akong alam dyan! Hindi ko alam paano napunta 'yan sa bag ko! Suki niyo na ako dito tapos pagbibintangan niyo lang akong magnanakaw, duh..." I rolled my eyes upon her.

"Akin na number ng mga magulang mo..." sabay abot niya ng kamay.

May naisip akong paraan. "Bago ko gawin niyan, gusto ko muna makita ang cctv." Agad na sabi ko.

Napakamot siya sa ulo. "Fine! Dami namang arte ng batang ito!" Inis siyang tumingin sa mga malalaking tv screen na nasa gilid namin.

Malaki talaga ang kutob kong may ibang tao ang naglagay ng bra sa bag ko. At sure akong ang animal na lalaking 'yon ang may gawa nito. Wala na akong ibang naisip na gagawa ng kahayopang ito para mapahiya ako kundi siya, dahil hayop siya!

Tinignan niya ng mabuti ang mga kuha ng cctv. Mayamaya ay nakita kong kumukunot ang noo niya habang inilalapit niya ang mukha niya sa tv screen.

Nagtataka ako dahil parang may kung anong multo siyang nakita dito, kaya dahan-dahan akong sumilip at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kuha ng cctv sa nangyari kanina.

Tama nga ako, ang animal na 'yon ang may gawa nito! Inilagay niya sa bag ko ang bra nong mga sandaling ibinalik ko sa lagayan ang damit na inihampas-hampas sa kanya. Kaya pala nanatili lang siya sa likod ko no'n para magawa niya ang pinaplano niya.

Hindi ko namalayan dahil matagal na palang nakabukas ang bag ko kaya walang kahirap-hirap niyang naipasok ang bra sa bag ko, at kita din ditong hindi niya ipinasok ang buong bahagi ng bra, para siguro madali lang makita ng sales lady ang nakasabit na strap.

Mautak sa kalokohan ang gung gong na 'to.



Nang makita ko ang buong pangyayari ay napaupo ako ng maayos at nakakuyom ngayon ang mga kamao ko. Gusto ko ulit masuntok ang pagmumukha ng hayop na 'yon! Gigil na gigil na ako!

Nag angat ako ng tingin sa babae at agad na tumayo. "Kailangan ko na umalis, may gagantihan pa ako..." kinuha ko na ang inilagay ko sa ibaba na basket na naglalaman ng bibilhin kong gamit.

Lalabas na sana ako pero bigla pa nagsalita ang babae kaya napalingon ako sa kanya. "Wait hija, sorry pala sa misunderstood na nangyari..." kalmadong sabi niya.

Seryoso lang akong nakatitig sa kanya. "Iisang tao lang ang dapat na humingi ng tawad. At nando'n siya sa labas, kaya hindi ko hahayang makaalis siya nang hindi ako makaganti..." dali-dali na akong lumabas ng office.

Pagkalabas ko ay bumalik ako sa cashier area at nag bayad. Nakalagay na sa eco bag ang binili ko kaya bitbit ko ito ngayon habang hinahanap ang hayop na lalaking 'yon. Mayamaya ay napangiti ako nang makitang hindi pa pala siya nakaalis.



Pababa na siya ngayon sa hagdan at tamang-tama na do'n din ako dadaan. "Bitch gusto mo ng laro?! Well let me show you how crazy people revenge." Sabi ko habang nakatingin sa likod niya.

Lumakad na ako papunta sa kanya at pagkarating ko sa likod niya ay agad kong sinipa ang paa niya, kaya siya ngayon ay nawalan ng balance at nagpagiling-giling sa hagdan.

"Ouch! Ouch! Ouch!" Pagsisigaw niya habang patuloy sa pag giling at halatang nasasaktan siya sa pwet niyang tumatama sa hagdan.

Natigil lang nang nasa ground floor na siya at napahawak pa siya sa likod niyang sumasakit. May mga tao ang nakakita sa kanya sa ibaba at hindi alam ng mga ito kung matatawa o maaawa ba sa kanya. Basta ang alam ko napahiya siya.

Tumatawa lang ako habang bumaba sa hagdan. Tumigil ako sa harapan niya. "I say deserve mo 'yan te...you lose, I slay..." nag wacky pose pa ako na labas dila para lalo siya mainis.

Nahihirapan siyang tignan ako dahil lagi lang siyang napapangiwi sa sakit. "A-Ang sakit ng katawan ko...malalagot ka talaga sa aking balyo ka kapag may mangyari sa akin..." sabi niya.

Dahan-dahan kong inilapit sa kanya ang mukha ko para takotin siya. "Ito ang tandaan mo. Mali ka ng napagtripan dahil lumalaban ako, kahit hanggang physikalan pa..." seryosong sabi ko kaya napanganga nalang siya. Tinawanan ko muna siya bago siya iniwanan.




Crazy Love | Heartful Academy 3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora