Chapter 23

340 16 0
                                    


RIVER MENDEZ

NATAPOS na ang klase at magkasama kami ngayon ni Hiro at Rein. Gaya ng laging nangyayari kapag magkasama kami, I feel left out sa kanila, ang sweet-sweet nila na parang mag jowa.

Hawak-hawak ni Rein ang braso ni Hiro at nag kwentohan sila tungkol sa first day of class ngayon ni Hiro. Parang ang bilis naging comfortable ni Hiro kay Rein.

Well, hindi na dapat ako magugulat dahil ganito naman talaga ka friendly ang pinsan ko. Madaling i-approach. Kaya nagkaroon siya ngayon ng kaibigan na takas mental.

Gustong-gusto ko na sabihin na "excuse me, nandito lang ako sa gilid niyo, baka gusto niyo naman kausapin ako" pero huwag nalang dahil baka magalit na naman si Rein.

Ginawa nga ni Rein ang sinabi niya kanina na bilhan niya ng ice cream si Hiro. Nagustohan naman ito ni Hiro, mukhang special kasi tignan ang chocolate ice cream na ito, malaki ang size, may sprinkles at cherry.


Pagkalabas namin sa cafeteria ay napahinto si Rein, kaya ganun din kami ni Hiro. Nakatingin siya sa malayo. Dahil sa pagtataka ko ay lumingon ako sa kung sa'n siya nakatingin at napanganga ako nang makita si Inah, ang kaibigan niya.

Habang naglalakad si Inah kasama ng mga kaibigan niyang puro babae ay nakatingin din siya sa amin. Muli ko nilingon si Rein at hindi rin siya nag-alis ng tingin kay Inah.

Nakita ko ngayon ang lungkot sa mga mata ni Rein. Hindi ko alam anong issue nila, pero labas na ako do'n, ayaw ko na makialam sa away nila.

Nilingon ko ngayon si Hiro at nagtaka ako dahil may ngiti sa labi niya habang nakatingin kay Inah. Pero hindi siya napansin ni Inah dahil nakatuon ang attention ni Inah kay Rein. Ilang sandali pa ay nag irapan ng mga mata ang dalawa at wala ng pansinan.



Hating-gabi na pero nakaupo pa rin ako sa kama at hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip ng mga sinabi sa akin ni Rein kanina.

Nong tumunog kasi ang school bell ng STEM Building 3 ay akala naman lalabas na si Hiro gaya ng ibang students, pero kinausap pa siya ng mga teachers niya dahil bagong transfer pa nga siya.

Kaya sa labas ng building nalang kami naghintay ni Rein. Naalala ko pa ang buong pag-uusap namin habang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng puno.

"Can we end this war?" Biglang sabi niya.

Nilingon ko siya. "Bakit?" Nagbalik ako ng tanong.

"Nakakapagod na kasi. Gusto ko na ng world peace." Sagot niya.

"Ayon ba talaga, o pinapabango mo lang ang sarili mo sa akin para magustohan kita para kay Hiro." Nakakunot ang noo ko.


Napabuntong hininga siya. "Okay. Wala naman dapat akong itago, dahil totoo naman ang nararamdaman ko kay Hiro. Yes, I do love Hiro. Hindi dahil gwapo siya, kundi dahil sa ugali niya. Maliban kay papa, siya lang 'yong lalaking hindi nandidiri sa kaweirdohan ko."

Nilingon niya ako at dahan-dahan niya hinawakan ang kamay ko. "Kaya pakiusap, tulongan mo naman akong mahalin niya, para masabi ko ang nararamdaman ko sa kanya..."

Hindi ko mapigilang mapakagat sa labi dahil gusto kong mainis. Pero habang hawak-hawak niya ang kamay ko parang nanghihina ako. Hindi ko man lang magawang magsalita habang tinitigan ko ang mga kamay namin.

Bumuntong hininga nalang ako. "Pag-isipan ko." Maikling sagot ko habang nakatingin sa malayo.

"S-Salamat..." kahit hindi ko siya lingonin alam kong may ngiti sa labi niya.

Napahiga nalang ako sa kama at gusto kong tawanan ang sarili ko. "Napakatanga ko talaga gumawa ng plano, mula noon hanggang ngayon, puro failed mga plano ko..." sabi ko sa sarili.

Napahawak nalang ako sa ulo. "Itigil ko nalang kaya ang misyon na 'to at bumalik nalang sa America." Umiling ako. "Hindi. Matagal kong pinag-planohan ito, kaya hindi pwedeng susuko nalang ako. It's time for plan b."



Nabago na nga ang lahat sa amin ni Rein. Lalo pa akong naninibago sa kanya.

I saw gentle smile on her face pagkapasok ko sa room, binati pa niya ako ng "good morning". Habang may teacher na nag didiscuss sa harapan nililingon niya ako sabay ngiti, hindi ko naman siya magawang tignan ng matagal.

May oras pang nakaramdam ako ng gutom, inabutan niya ako ng baon niyang biscuits. Dahan-dahan ko naman ito tinanggap. "S-Salamat," pasalamat ko.

Tinulongan pa niya ako sa quiz namin na may pa essay, medyo mahina kasi ako sa essay, eh siya mukhang hindi nauubosan ng isasagot.


Nanibago ang lahat sa amin. Maging si Ma'am ay napangiti nang makitang nagtulongan na kami ni Rein sa mga task. Tinulongan ko na din siya sa pag-aawat sa mga pasaway naming classmates, ako kasi 'yong class president pero wala akong ginagawa dati, hinahayaan ko lang siya kahit vice naman siya.

"Ang mga dating pasimuno ng gulo, ngayon nagsusulong na ng kapayapaan sa classroom na ito." Nakangiting sabi ni Ma'am.

"Ang oa ni Ma'am," bulong namin ni Rein sa isa't isa.

"May sinasabi kayo?!" Mukhang inis na tanong ni Ma'am.

"Wala po Ma'am." Sabay naming sagot.


Naging usap-usapan kami ng mga classmates namin. Napapansin nila kami na laging nag-uusap, puro tawanan pa kami, lalo na nong sumali sina Princess at Victor. Kami dito sa likod ang naging pinaka maingay sa classroom.

"Naku River, naging one of the girls ka na..." biro ng isa kong classmates at tinawanan nila ako ngayon.

"No he's not."

Napalingon kami sa gilid at napa ngiti kami nang makitang tumabi sa amin sina Bruno at Justin. Kaya natigil ang lahat sa pagtawa.

Wala ng away na nagaganap. Wala ng malupet na prank. Wala ng gantihan. Wala ng gulo sa amin ni Rein at sa klase.


Nang mag tanghali na ay nagsipuntahan na sa cafeteria ang mga students. Magkasama kaming kumakain ni Rein at Hiro sa iisang lamisa.

Umalis muna ako para bumili ng juice. Pagkabalik ko ay napahinto ako at nanatili dito sa kinatatayoan ko habang tanaw silang dalawa na nagsusubuan ng pagkain at ipina-inom pa ni Rein si Hiro ng milk tea.

Lalo pa akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nang dahan-dahan na pinunasan ni Hiro ang labi ni Rein dahil may bahid ito ng ulam. Hindi ko mapaliwanag ang sakit, walang katumbas.

Wala ng sasakit pa sa nakita ko ngayong nagkalapit ang mga mukha nila at masayang nagtawanan. 




Crazy Love | Heartful Academy 3Where stories live. Discover now