00

13.6K 364 123
                                    

• 🏐 •

"Northville University is now at match point!"

Iyong ngiti ko ay unti-unting nawala nang halos walang mag-cheer para sa 'min. Nilibot ko ng tingin ang buong arena at iisang kulay lang ang nakikita ko.

Kulay puti na alam mong mga supporters ng Creston University. Lamon na lamon nila kami. May mga dala pang clappers at mga puting lobo ang karamihan sa kanila. Sa totoo lang, nakakatakot sila in a good way lalo na kapag inumpisahan na nilang isigaw ang chant ng school nila. Pero nakakatuwa rin sila panoorin at the same time kasi makikita mo talaga na sobrang passionate nila sa mga student-athletes ng Creston.

Sila talaga ang tinatawag na seventh man ng team.

At sa mundo ng sports, kahit hindi sila ang naglalaro, kahit nagchi-cheer lang sila ay malaking bagay na iyon para ma-boost ang morale ng mga players.

At iyon ang kulang sa 'min.

Halos bilang lang sa daliri ang mga nakakulay pula para suportahan ang Northville. Hula ko pa nga ay mga parents at kamag-anak pa iyon ng mga teammates ko. Ang nakakalungkot pa, iilan na nga lang sila, hindi pa nagtabi-tabi.

Na-miss ko tuloy bigla sina nanay at tatay.

Kung nandito sila ngayon, sigurado akong nagtatatalon na iyon at sumisigaw para lang i-cheer ako at ang team. Kahit pa bangko ako, alam kong full support pa rin sila.

Kung hindi lang talaga malayo ang Iloilo sa Manila, kahit ako na ang sumagot ng pamasahe nila bawat game namin.

"Guys, kapit-bisig!" Sabi ni Kuya Nolan, isa sa mga outside hitters namin. "Tayo na lang mag-cheer para sa kanila!" Tukoy niya sa starting six namin.

"Tama! Tama!" Sabi naman ni Uno, isa sa mga middle blockers namin na gaya ko ay rookie rin, sabay hila sa 'kin para magkapit-bisig kami ro'n sa bench. "Seb, tara! Sumama ka rito! Nandiyan ka na naman sa gilid!"

Natawa ako at nagpahila na lang kasi sa dalawang buwan na kasama ko sila, alam kong wala akong magagawa kapag nagsimula na silang magkulit.

Unang araw nga pala ngayon ng off-season tournament. Ito rin ang unang araw ko as an official player ng men's volleyball team ng Northville. At aaminin ko, sobra kong excited na hindi na nga ako halos nakatulog kagabi.

At sa totoo lang, hindi ko rin inasahan na ganito ang magiging excitement ko sa una kong official game. Mahal ko ang volleyball pero hindi ko pinangarap na makapaglaro sa pinakamalaking stage ng collegiate volleyball sa Pilipinas. Ayos na ako na maglaro paminsan-minsan sa mga ODL o one day league sa barangay namin. Ayos na rin sa 'kin kahit sa kabilang bayan ako mag-college.

Wala talaga sa plano ko ang Manila kasi nasa Iloilo ang buhay ko. Doon na ako lumaki at nagkaisip. Isa pa, ayoko malayo kina nanay at tatay lalo na't tumatanda na rin sila.

Pero iba ang plano ng mga magulang ko. Sila talaga ang may gusto na rito ako mag-aral sa Manila. Hindi lang iyon. Gusto rin nila na ipagpatuloy ko rito ang paglalaro ng volleyball kasi gusto raw nila akong mapanood sa TV.

At dahil masunurin akong anak at gusto ko lang na palaging masaya sina nanay at tatay, kahit ayoko talaga malayo sa kanila ay pumayag na rin ako. Sakto rin namang nag-offer sa 'kin ang Northville University ng mga panahong iyon.

Kaya heto, lagpas dalawang buwan na ako rito sa Manila na mag-isa.

Halos araw-araw naman kami magkausap nila nanay pero may mga oras pa rin na sobrang nami-miss ko sila. Lalo na no'ng unang linggo ko rito. Nakikita ko na lang iyong sarili ko no'n na naiiyak sa sobrang homesick at ilang beses kong inisip na umuwi na lang sa 'min.

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now