08

6.7K 407 301
                                    

• 🏐 •

Tahimik lang ang buong team habang pabalik sa Northville.

Maliban na lang kay Uno at Marky na nag-aaway na yata sa may likuran. Madalas pagkatapos ng game ay si Uno ang katabi ko rito sa bus pauwi ng dorm pero ayos na rin na hindi ko siya katabi ngayon kasi wala na akong energy para sa mga kwento niya. Para na rin may oras ako na isipin iyong game kanina.

Bilang setter na nakalaban ang isang Lance Ventura ng Westmore University ay masasabi kong ang dami ko pa talagang dapat matutunan.

Pina-realize niya sa 'kin na ang dami ko pang kakaining bigas para lang mapantayan ang skills na meron siya. At sa totoo lang, wala akong masabi kundi ang galing, galing niya. Sobrang taas ng volleyball IQ niya na hindi mo alam kung kanino niya ise-set iyong bola. Mamamalayan mo na lang, nakapalo na pala iyong spiker niya at naka-score na sila.

Bumuntong hininga ako habang nakatingin pa rin sa dinaraanan namin.

Mukhang kailangan ko na yatang sabayan si Bok tumuka ng bigas para maging kasinggaling ni Lance.

Naisip ko tuloy bigla iyong sinabi niya kanina. Kailangan daw nila ng setter sa Westmore. Nagbibiro lang naman siguro siya, 'di ba? Hindi pa naman siya ga-graduate para mag-recruit ng setter.

Pero grabe... sa rami ng magagaling na setter ngayon sa men's collegiate volleyball, ako ang nire-recruit niya? Kahit pa sabihing biro niya lang iyon, nakakatuwa pa rin.

"Magpapa-recruit ka?"

Napakurap ako nang biglang marinig iyong sinabi ni Kuya Nico kanina sa isip ko. Hala...

Pero... oo nga, 'no? Kung sakali ba na totoo ngang kukunin ako ng Westmore o kaya ng ibang school, magta-transfer ba ako?

Iiwan ko ba ang Northville?

Ngumuso ako at agad inalis ang idea na iyon sa utak ko. Syempre hindi ako lilipat. Ang Northville ang nakakita ng kakayahan ko. Sila ang unang nagtiwala sa 'kin. Maayos din naman ang trato nila sa 'kin. Inaalagaan naman nila kami nang maayos.

Isa pa, nandito na ako, naka-adapt na ako sa sistema ni Coach Al. Nasimulan na namin kaya bakit ako lilipat?

Tumingin ako sa harap. Natatanaw ko ang ulo ni Coach Al mula rito sa kinauupuan ko. Pero natigilan nga lang ako nang ilibot ko ang tingin at makitang nakalingon sa 'kin si Coach Greg.

Pero pasimple akong nag-iwas ng tingin.

Iyon na naman siya. Nakatingin na naman.

Bakit ba siya nakatingin?

Para siyang si Kuya Nico. Ang kaibahan nga lang nila ay may kung ano sa tingin ni Coach Greg na hindi ko maipaliwanag. May kakaiba na hindi ako komportable.

Iyong kay Kuya Nico naman... hindi rin ako komportable minsan pero... hindi ako natatakot na tignan din siya pabalik kahit pa nakakalunod siya tumingin.

At doon ko lang naalala na si Kuya Nico ang katabi ko ngayon. Pasimple akong nagnakaw ng tingin sa kaniya pero halos mapatalon ako gulat nang maabutan siyang nakatingin na pala sa 'kin!

Ang word of the day yata ngayon ay tingin!

"What the hell?" Sabi niya na nakakunot agad ang noo.

"S-Sorry," sabay ayos ko ng upo.

Ramdam ko iyong lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero bakit naman kasi siya nakatingin din? Kanina pa ba niya ako pinapanood? Nagmumuni-muni pa naman ako kanina. Nakakahiya!

"Is there a problem, Seb?" Rinig kong tanong niya.

Umiling agad ako. Binabawi ko na iyong sinabi ko kanina. Uno, tabi na ulit tayo. Ayoko rito kay Kuya Nico.

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now