14

7.3K 387 215
                                    

• 🏐 •

Iyong mga sumunod na araw ay mabagal na dumaan. Doon ko na talaga naramdaman iyong pagod at pressure pagdating sa kung paano ko pagbabalansehin ang pagiging estudyante at volleyball player. Pero sabi nga nila, kaya nauuna ang student sa salitang student-athlete ay dapat mas priority namin ang pag-aaral.

Tama rin naman iyon. Paano naman kasi ako mala-lineup sa team kung bagsak ang mga grades ko, 'di ba?

Isa pa, ang pangit tignan no'n sa transcript kung sakaling hindi ko itutuloy sa pro ang paglalaro at mag-apply ng trabaho sa labas ng mundo ng volleyball.

Nakakasabay naman ako sa mga lessons. Nagagawa pa rin naman on time ang mga school works. Inaantok minsan lalo na kapag may morning class kinabukasan tapos late natatapos ang training sa gabi. Pero kinakaya ko pa naman.

Iniisip ko na lang na kailangan ko galingan para may maipakain akong masarap kay Bok. Hindi iyong puro bigas, mais, o pellet lang.

At syempre, para makatulong ako kina nanay at tatay sa lahat ng ginawa at sakripisyo nila sa 'ming magkakapatid simula no'ng mga bata pa lang kami. Gusto ko kasi, kapag gr-um-aduate na ako at nagkatrabaho, sa bahay na lang sila at magre-relax.

Iyong iinom na lang sila ng kape habang magkatabi sa terrace ng bahay namin at pinapanood ang pagsikat ng araw. Iyong ipapasyal ko sila sa kung saan nila gusto. Kahit sa ibang bansa pa iyan.

Gano'n lang ang gusto ko para sa kanila.

Kaya kailangan kong galingan dito sa Manila. Kailangan ay sipagan ko pa sa mga trainings. Kailangan maka-graduate ako on time.

Pero first things first. Kailangan ko munang ipasa ang sem na 'to para mag-sembreak na at makauwi na ako sa 'min sa Iloilo.

Ay, iyong off-season tournament din pala! Kailangan din naming galingan kasi may game nga pala kami ngayong araw laban sa Easton University. Ito na iyong huli naming game sa elimination round at crucial ito para sa kanila kasi dito malalaman kung sila ba ang magna-number 1 sa standings o ang Westmore. Kami naman ay kahit anong maging resulta ng game ay number 4 pa rin kami.

Pero mas maganda kung mananalo kami laban sa Easton kasi pampataas iyon ng morale ng team sa semifinals.

Ngumuso ako. Ang dami ko palang kailangang gawin. Nakakaiyak.

'Dito na kita hintayin sa lobby, Seb.'

Napatingin ako sa phone kong nag-vibrate. Message from Nico Almojer (Teammate). Tinapos ko muna ang pagsisintas ko saka iyon ni-reply-an.

'Pababa na ako,' reply ko.

'Take your time.'

'Hindi. Pababa na nga talaga ako.'

'Okay. Ingat pababa.'

Natawa ako sa huling reply niya. Ingat pababa? Anong iniisip niyang mangyayari sa 'kin habang pababa ako sa lobby? Madapa? Gumulong sa hagdan? Gano'n ba ako ka-clumsy sa paningin niya?

At speaking of Nico, napapadalas ang pagme-message niya sa 'kin nitong mga nakaraang araw. Mas madalas na ngang siya ang laman ng inbox ko kaysa kay nanay, e.

Nagre-reply naman ako. Minsan, late. Madalas ay mabilis kasi wala rin naman akong magawa sa phone ko kundi text at call lang. Naka-social media ban kasi kami.

Puro mga maiikling palitan lang naman ang mga text messages namin ni Nico.

Madalas ay uumpisahan niya ng good morning message tuwing umaga. Alangang sa gabi, Seb, 'di ba?

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now