01

7.3K 379 324
                                    

• 🏐 •

Natalo kami.

Reverse sweep.

Iyon talaga ang pinakamasakit na talo para sa 'kin. Iyong akala n'yo ay sa inyo na ang game dahil nakuha n'yo iyong first two sets tapos nag-match point pa kayo no'ng third set... pero dahil sa pagkakamali ko ay nalipat sa kalaban ang momentum.

Gusto ko na lang bugbugin ang sarili ko ng mga oras na iyon. Ako ang nagpatalo sa 'min. Walang ibang pwedeng sisihin kundi ako.

Sa 'min na dapat iyon, e.

Panalo na dapat kami.

One point na lang pero hinayaan kong maunahan ako ng kaba at pressure.

At hindi ko lang pinatalo ang game, naka-injure pa ako ng teammate. At hindi lang basta teammate. Iyong ace spiker pa namin na si Kuya Nico ang nabigyan ko ng ankle sprain na naging dahilan kung bakit hindi na siya nakabalik sa game.

Hindi ko alam no'ng una kung gaano kalala ang nangyari sa kaniya. Pero no'ng nilabas ako ni coach, naabutan kong nilalagyan ng yelo ang paa niya na pulang-pula at sobrang namamaga. Dumoble iyong kabog ng dibdib ko lalo na no'ng maisip na baka hindi na siya makabalik sa mga susunod na games... or worse, baka hindi na siya makalaro sa buong tournament.

Ang tanga, tanga mo, Sebastian.

Setter ka. Ise-set mo lang nang maayos ang bola pero hindi mo pa nagawa. Iyon lang ang trabaho mo pero pumalpak ka pa rin. Nakakahiya ka. Nakakahiya kay coach na binigyan ako ng tiwala. Nakakahiya sa buong team na napagod lang sa wala.

Kaya naintindihan ko agad kung bakit gano'n na lang ang galit sa 'kin ng team captain namin na si Kuya Harold pagbalik sa dugout.

"Tangina, setter ka ba talaga?" Sumugod agad siya sa 'kin.

Agad akong yumuko at pumikit, inaasahan na ang kamao niya sa mukha ko. Nang hindi iyon dumating ay dumilat ako at nakitang hawak na siya ng iba naming teammates. Si Uno naman ay agad na tumabi sa 'kin.

"Bitawan n'yo nga ako!" Sigaw ni Kuya Harold pero hindi pa rin siya binibitawan nina Kuya Nolan. Napayuko na lang ulit ako nang tignan niya ako nang masama. "Bitawan n'yo sabi ako, e! Sasapakin ko lang ang tangang iyan!"

"Cap, kumalma ka-"

"Paano ako kakalma, e, ang bobo ng isang iyan? Magse-set na nga lang, do'n pa s-in-et papunta sa referee? Anong klaseng kabobohan iyon?"

"Cap, marinig ka ni coach-"

"Wala akong pakialam!" Sigaw ulit niya na nagpatahimik na lahat. "Ang bobo! Tangina! Atin na iyon, e! Isa na lang! Ise-set na lang nang maayos ng putanginang 'to, hindi pa nagawa! Anong klase iyon?"

"S-Sorry po-"

"Tangina, anong gagawin namin sa sorry mo?" Putol niya sa 'kin. "Sa'n ka ba napulot ni coach? Ba't hindi ka na lang bumalik do'n?"

Hindi na ako nagtangka na magsalita.

Nanatili na lang akong nakayuko ro'n. Pinipigilan na tumulo ang mga luha. Pilit na tinatanggap ang mga masasakit na salita ni Kuya Harold kasi totoo naman lahat ng sinabi niya. Iyon na nga lang ang gagawin ko, hindi ko pa nagawa nang maayos.

Akala mo, hindi nagte-training halos araw-araw, e.

Akala mo, baguhan para kabahan pa kapag ipapasok sa loob ng court.

Akala mo, first time mag-volleyball.

"Dahil sa katangahan mo, na-injure mo pa si Nico! Alam mo ba talaga maglaro? Marunong ka ba talaga, Angeles? Kasi kung hindi, bumalik ka na ng dorm, mag-impake ka na at umuwi ka na sa inyo. Doon ka magkalat ng katangahan mo!"

Jersey Number NineOnde as histórias ganham vida. Descobre agora