05

7.2K 418 393
                                    

• 🏐 •

"Seb, 'nak, kumusta ka na riyan?"

Iyon ang bungad ni nanay nang sagutin niya ang video call ko ng umagang iyon. Napangiti ako nang makita siya na suot ang paborito niyang daster habang umiinom ng kape. Pareho kaming kumakain ngayon ng almusal. Iyon nga lang, nasa Iloilo siya habang ako ay nandito sa Manila, specifically sa isa sa mga cafeteria ng Northville.

Grabe... miss ko na ang bahay namin.

Miss na miss ko na rin sina nanay at tatay.

"Okay naman po," sagot ko. "Kayo po? Nasaan po pala si tatay?"

"Pumasok na. Dapat pala ay pinilit kong mag-almusal para naabutan niya itong tawag mo," malambing ang boses na sabi ni nanay.

Ngumiti lang ako saka napatingin sa wrist watch na suot. Mag-e-eight na rin pala ng umaga at kanina pang seven ang pasok ni tatay sa munisipyo. Hindi iyon nale-late kaya dapat pala ay inagahan ko ang tawag.

"May pera ka pa ba riyan, Sebastian? Pupunta akong bayan mamaya. Mamamalengke ako. Magpapadala na rin ako sa 'yo."

"Ay, itabi n'yo na lang po iyan, 'nay. May pera pa naman po ako. Wala rin naman po akong pinagkakagastusan dito."

"Sigurado ka, 'nak?" Tanong niya at tumango naman ako habang nakangiti. "Parang pumayat ka? Tinitipid mo ba ang sarili mo? Naku! Kumain ka, Sebastian. Hindi ba, sabi ko sa 'yo, 'wag na 'wag kang magpapalipas ng gutom?"

Napakurap ako sa biglaang sermon ni nanay. "Kumakain naman po ako. Tignan n'yo po," sabay taas ko sa kinakain kong kanin at chop suey para ipakita sa kaniya.

"Ang kaunti naman niyan, 'nak. Bili ka pa ro'n. Kailangan mo kumain nang marami kasi nagva-volleyball ka. Sige na, bumili ka pa ro'n. Mag-extra rice ka. Mag-karne ka. Hindi puro gulay! Hindi kita pinalaking kambing."

Naging kambing pa nga ako.

Sasagot na sana ako nang matigilan kasi may biglang lumapit sa 'kin dito. Pagtingala ko ay nagulat na lang ako nang makita ro'n si Kuya Nico.

Napakurap ako habang seryoso naman siyang nakatingin sa 'kin. Hala...

"Sebastian, bumili ka pa. Kumain ka pa nang marami," rinig kong sabi ni nanay kaya sa kaniya ulit napunta ang tingin ko.

"U-Uhm, opo," sagot ko at binalik na naman ang tingin kay Kuya Nico na umupo na sa harap ko pero ang mga mata niya ay nasa phone ko na.

Hala, anong ginagawa niya rito?

Wala ba siyang klase?

O may klase rin siya at kakain lang din muna?

Hindi ko alam pero bigla akong nabusog. Parang biglang hindi ko na alam kung paano kakain lalo na ngayong nasa harap ko si Kuya Nico na siguradong panonoorin na naman akong ngumuya.

Pero nagulat ako nang bigla ulit siyang tumayo pero iniwan niya iyong messenger bag niya. Pinanood ko siyang pumunta sa counter at umawang ang labi ko nang makitang pumila siya ro'n sa bilihan ng pagkain. Bahagya akong napatango nang ma-realize na gaya ko ay kakain din siguro muna siya bago ang una niyang klase.

Wala sa sarili kong tinignan ang paligid. Ang daming bakanteng table pero rito niya talaga napiling maupo. Pwede naman sa iba...

Hala, Seb, grabe ka naman. Para namang hindi kayo teammates. Syempre makiki-share siya ng table sa 'yo kasi magkakilala naman kayong dalawa. Ang pangit naman tignan kung kilala n'yo ang isa't isa tapos hiwalay pa kayo ng mesa.

Isa pa, baka siya iyong tipo na ayaw kumain mag-isa.

Pero ako, mas gusto kong kumain mag-isa... lalo na kung si Kuya Nico ang magiging kasabay ko... mas pipiliin kong maging loner-

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon