12

6.8K 443 258
                                    

• 🏐 •

"Iyong akin na lang ang hiramin mo, Seb," tukoy ni Kuya Nico sa hoodie niya.

Napakurap ako habang diretso ang tingin niya sa 'kin. Iyon na naman iyong tingin niya na nakakalunod. Sobrang lalim na papunta na nga sa pangongonsensya. At hindi ko sasabihin sa kaniya pero sobrang effective no'n sa 'kin kapag ganito niya ako tignan.

Pero... ano ba kasing problema niya sa hoodie ni Uno at mukhang kanina pa niya kinikimkim ang tungkol do'n?

Sa totoo lang, nagtataka nga ako kanina kung bakit kanina pa siya tahimik kahit no'ng kumakain na kami. Akala ko, nag-aalala rin siya tungkol sa school works gaya ko pero iyong hoodie pa rin pala ang laman ng isip niya.

Big deal talaga sa kaniya iyon?

Gusto niya rin ba ng hoodie ni Uno?

Pwede naman siyang manghiram din sa roommate ko tutal ay mukhang pareho naman sila ng size...

Pero sabi niya, iyong kaniya na lang daw ang hiramin ko, e. Pinagmalaki pa nga niya na marami rin daw siyang hoodie. Malalaki at komportable rin daw suotin! Para bang pino-promote niya iyong hoodie niya na mas maganda raw iyon kumpara sa brand x.

Hindi ko nga lang siya masyadong maseryoso kasi namumula pa rin iyong buong mukha niya.

Ano ba naman itong si Kuya Nico.

Init na init pa rin ba siya? Malamig naman dito, a? O baka kasi dahil sa hoodie na suot niya kaya siya naiinitan? Naku, kung mainit pala suotin ang hoodie niya, e, 'di hindi ko na iyon hihiramin. Hindi naman pala komportable gaya ng sinabi niya.

"Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng hoodie. I can..." tumikhim siya. "... give you some if you want."

Hala, syempre, I don't want!

Napaawang iyong labi ko. Ang OA naman nito ni Kuya Nico. Gano'n ba karami ang hoodie niya para magbigay siya sa 'kin?

At iyong salitang ginamit pa niya ay some! More than one iyon, 'di ba? Mukha naman talaga siyang mayaman pero grabe pa rin. Samantalang ako, apat lang ang hoodie ko. Iyong dalawa, bigay pa ng school kasi varsity ako.

"Here," sabay lahad niya ng phone niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Hala, 'wag mo sabihing ibibigay niya rin ang phone niya sa 'kin? Seryoso ba itong si Kuya Nico? Iyong latest model pa yata iyon ng mansanas na may kagat! Hoodie nga niya, hindi ko matatanggap tapos magbibigay pa siya ng cellphone?

"H-Hindi ko matatanggap iyan."

Nagtaka ang mukha niya. "What?"

"May phone pa naman ako. Two years pa lang iyon sa 'kin. Hindi ko po tatanggapin iyan."

"What are you saying, Seb?" Mula sa pagtataka ay hindi ko alam kung matatawa na ba siya o ano. "I'm asking for your number, silly."

"H-Ha?"

"Hinihingi ko iyong number mo, Seb."

"N-Number?"

Tumango si Kuya Nico saka tumingin sa malayo at ngumiti. Hindi ko pa naintindihan no'ng una pero nang mag-sink in na sa mabagal kong utak ay parang gusto ko na lang magpakain sa tiles ng sahig nitong banyo ng restaurant.

Ano iyon, Sebastian? Nakakahiya ka!

Ako naman yata ang namumula ngayon. Gusto ko na tuloy maiyak.

Ngumuso ako habang kinukuha iyong phone ni Kuya Nico. Kinuha ko rin sa bulsa ko iyong phone ko para tignan do'n iyong number kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisado.

Jersey Number NineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora