06

5.7K 370 265
                                    

• 🏐 •

"Northville University's opposite hitter, wearing jersey number eight, Nico Almojer!"

Wala sa sarili kong tinaas ang mga kamay ko para makipag-high five no'ng tinatawag na iyong starting six namin. Kung hindi pa nga ako hinawakan sa siko ng katabi kong si Coach Greg ay hindi ko pa mamamalayan ang mga nangyayari.

Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko iyong sinabi ni Kuya Nico. May Bok na nga raw ako tapos titingin pa raw ako kay Roen Alejo na kanina ko lang nalaman na pinsan pala niya.

Ako ang sinabihan niya no'n, 'di ba?

Pero anong ibig sabihin niya ro'n?

Bakit nadamay si Bok? Naisip ba niya na kaya ako tumitingin kay Alejo ay dahil gusto ko ring gawing alaga ang pinsan niya? Hindi naman pwede iyon. Hindi naman manok si Alejo.

Pero alam naman siguro ni Kuya Nico na manok si Bok, 'di ba? Tutal nakikinig naman siya sa 'min ni nanay na nag-uusap no'ng araw na iyon.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang koneksyon nina Bok at Alejo. Hindi ko kasi ma-imagine na magkasama sila sa iisang sentence. Tapos badtrip pa si Kuya Nico hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong kinaba-badtrip niya. Naguguluhan talaga ako.

O... baka naman hindi sa ano siya badtrip. Baka sa sino.

Hala... grabe naman siya kung badtrip siya kay Bok. Hindi pa naman sila magkakilaka, e. Hindi rin ba iyon considered as animal cruelty kapag galit ka sa manok?

Isa pa, masyadong inosente ang anak ko na iyon. Ang bait kaya no'n. Kapag pinapaliguan ko, hindi pumapalag. Kaya palagi siyang mabango. Amoy sabon. Marunong din ng tricks si Bok. Kaya niya mag-play dead. Na-miss ko tuloy iyon lalo.

Pero kung hindi kay Bok... kay Roen Alejo siya badtrip? Pero bakit naman siya maiinis sa pinsan niya? Hindi ba sila close?

Naalala ko ulit iyong sinabi niya kanina. Tumitingin pa raw ako kay Alejo...

Hala... dahil ba ro'n kaya siya badtrip? Kasi tinitignan ko ang pinsan niya? So... sa 'kin siya naiinis? Tumingin lang naman ako... pati iyon ay bawal?

Kung sabihan ko rin kaya siyang bawal niya ako tignan? Ang hilig pa naman niya akong panoorin.

Ngumuso ako. Bawal na nga ako mag-po at tawagin siyang kuya, pati pagtingin sa pinsan niya, hindi rin pwede.

Ang daming bawal.

Baka mamaya, bawal na rin pala akong huminga. Pero hindi naman siguro gano'n ka-brutal si Kuya Nico...

Umiling na lang ako at tumingin sa court. Pinanood ko sila na pumepwesto na. Si Kuya Harold ang unang magse-serve. Napako ang tingin ko kay Kuya Nico na seryoso pa rin ang mukha at kunot ang noo. Sana lang ay hindi maapektuhan ang performance niya sa kung ano man ang kinaiinisan niya ngayon.

"Sa tingin mo, Seb, mananalo tayo?" Tanong ni Uno na nakaupo sa kanan ko.

Tumango ako. "Oo naman."

"Naks! Ako kasi, feeling ko, talo tayo in straight sets tapos tambak ang score," tumawa siya.

Sumimangot ako sa kaniya. "Ang negative mo naman."

"Do'n lang tayo sa totoo, Sebby boy. Kita mo naman kung paano maglaro ang mga tiga-Westmore. All out lagi. Kahit team B nila, palaban. Ano pa kapag sina Alejo na ang naglalaro?"

"Bilog naman ang bola."

Isa pa, may tiwala naman ako kay Kuya Nico.

Para sa 'kin, hindi naman sila nagkakalayo sa skill set ni Alejo. Magkaiba sila ng position pero halos pareho na mataas ang volleyball IQ. At ayoko sanang sabihin 'to pero ang pinagkaiba lang nila ay iyong support system, kaming mga teammates nila.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon