03

6.5K 360 146
                                    

• 🏐 •

"Northville University's starting setter, wearing jersey number nine, Sebastian Angeles!"

Gaya ng una naming game ngayong off-season tournament ay halos wala ulit nagchi-cheer para sa 'min. Kung hindi pa yata ni-require ang mga senior high school students ng Northville ay wala pa yatang pupunta ngayon sa arena para sumuporta.

Ang daming bakanteng upuan ngayon dito siguro kasi ay 2 PM pa lang at kami ang first game. Mamaya pa siguro magdadatingan ang mga tao para sa main event which is Creston versus Easton. Pero na-appreciate ko pa rin ang mga maliligalig na SHS students namin kasi rinig na rinig talaga ang sigaw nila.

Hindi bale nang required lang sila na i-cheer kami. Hindi bale nang pinapunta lang sila rito ng PE teachers nila.

Kailangan ko rin kasi iyon ngayon since kasama ako sa starting six laban sa Southern University.

At sa totoo lang, kinakabahan na naman ako tulad no'ng unang game namin against Creston. Pero alam ko rin na kailangan kong labanan ang kaba ko kasi pinagkatiwalaan na naman ako ni coach kahit nagkamali ako no'ng unang beses.

Sana lang talaga ay hindi ako magkamali ulit.

Ayoko na mag-misset kasi nakakahiya kahit kaunti lang ang nanonood ngayon. Mas nakakahiya rin kina coach at sa mga teammates ko.

Ayoko na rin maka-injure ng teammate kasi takot na akong mapagalitan ng team captain namin.

At ayoko rin na mapanood ako nina nanay at tatay tapos puro kapalpakan lang ang makikita nila.

Baka maiyak na talaga ako on national TV.

"Go, Seb!" Sabi ng mga teammates ko habang nakikipag-high five ako sa kanila. Ginulo pa nina Kuya Oliver iyong buhok ko. "Ilaban mo iyan!"

Ngumiti ako kahit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pero nawala rin iyong ngiti ko nang ibaba ni Kuya Harold iyong mga kamaya niya no'ng siya na ang iha-high five ko. Sumama ang tingin niya sa 'kin at dumoble ang kaba no'ng akala ko ay susuntukin niya ako.

"Umayos ka," sabi niya. "Kapag ito pinatalo mo na naman, umuwi ka na sa inyo."

Napakurap ako at dahan-dahan lang na tumango. Masama pa rin talaga ang loob niya sa 'kin. Pero naiintindihan ko naman. Kaya kailangan ko talagang bumawi ngayon sa team.

"Hoy, Harold, binu-bully mo na naman si Seb," sabi ni Kuya Benny sabay apir sa 'kin. "H'wag mo pansinin iyan. Bitter lang iyan kasi bangko ngayon."

Nakita kong umirap lang si Kuya Harold at umupo na lang sa bench. Nakakatakot talaga siya. Pero iba iyong takot ko sa kaniya kumpara sa takot ko kay Kuya Nico.

"Seb, just stick to the game plan ha? 'Wag ka kabahan. Kaya mo iyan!" Nakangiting sabi ni Coach Greg na tinanguan din ng head coach namin na si Coach Al no'ng sa kanila na ako nagha-high five.

"Yes po, coach," sagot ko saka na dumiretso sa court para hintayin doon ang iba ko pang kasama sa starting six.

Kaming second stringers ang starters at kasama si Uno ro'n. Tuwang-tuwa nga siya at halos matumba ako nang bigla niya akong talunan no'ng siya na ang tinawag ng announcer.

Pinulupot niya iyong mga binti niya sa bewang ko at buti na lang ay nasalo ko siya kahit ang laki niyang tao. Natawa na nga lang din ako kahit gusto ko nang magreklamo kasi hindi na siya naawa sa height difference naming dalawa.

5'9" lang ako samantalang nasa 6'4" itong si Uno. Nakalimutan niya yatang middle blocker siya na mala-Goliath ang height tapos David lang ako.

"Sebby boy, damihan mo sets sa 'kin ha?" Sabi pa niya, kinokontrata na ako.

Jersey Number NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon