10

6.7K 400 265
                                    

• 🏐 •

"I'm sorry. Bati na tayo, please?"

Hala... ano raw?

Sorry daw, Seb... Bati na raw kayo, Seb...

Napakurap ako nang biglang mag-echo sa isip ko iyong boses ni Kuya Nico. Pero bakit gano'n? Bakit siya tunog nangongonsensya? Bakit parang... ako iyong may kasalanan?

Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa mukha niya ngayon na sobrang layo sa palaging seryoso at suplado. Kitang-kita ko iyong guilt lalo na sa mga mata niya na diretso ring nakatingin sa 'kin.

Sa totoo lang, para siya ngayong batang pinapagalitan ng nanay niya kasi hindi siya natulog sa tanghali.

Iyong mukha niya, akala mo, aping-api at kawawa.

Pero 'di ba dapat nga ay ako iyong kawawa ngayon sa 'ming dalawa kasi ako iyong bigla niyang hindi pinapansin nitong mga nakaraang araw. Hinalungkat ko iyong utak ko kung may nagawa ba ako o nasabi no'ng huli kaming nagkausap pero wala naman akong matandaan.

Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang siyang naging malamig at naging suplado ulit sa 'kin. 'Wag niya lang talagang idadahilan na dahil kay Bok kasi hindi ko talaga iyon palalampasin.

Hindi niya dapat inaaway ang anak ko.

"Seb, bati na tayo. Please?"

Napaawang iyong labi ko. Iyon na yata iyong pinakamarahang boses na narinig ko kay Kuya Nico.

Pero iyon na naman iyong pakiramdam ko na kinokosensya niya ako. Nakikipagbati ba siya dahil sa ginawa niyang pag-iwas sa 'kin? Pero bakit naman gano'n? Siya itong nagso-sorry pero bakit ako iyong nagi-guilty?

Kasi hindi ko siya h-in-igh five kanina?

Kasi hindi ko rin siya binigyan ng maayos na sets during the game?

Pero... naiinis kasi ako sa kaniya...

Sabi ni nanay, maging mapagpatawad daw.

Sa totoo lang, mabilis naman din akong magpatawad. Nag-sorry naman na siya kaya ayos na.

Hindi ko lang talaga mapigilan na patagalin pa 'to kasi tignan mo naman ang mukha ni Kuya Nico ngayon. Minsan ko lang makita na ganito kabait ang hitsura niya kaya gusto kong lubus-lubusin.

"Ayoko," sabi ko.

Nakita ko agad ang taranta sa mukha niya. "B-Bakit?"

"Bakit ka nagso-sorry?" Ginawa kong inosente ang boses ko.

Mas lalo siyang nataranta na sinabayan pa ng pagpula ng buong mukha niya. No'ng mga oras na iyon, gusto ko nang bawiin iyong tanong ko pero pinanindigan ko na lang. 'Wag lang talagang malalaman ni nanay na pinapatagal ko pa 'to kasi lagot talaga ako.

Isa pa, igaganti ko na rin si Bok dito kay Kuya Nico.

"May... kasalanan ka ba?" Sunod kong tanong no'ng hindi siya makapagsalita.

"Uh... I'm..." hindi niya masundan iyon.

"Bakit ka nakikipagbati?"

"Because... I..."

"May... ginawa ka ba?"

Hindi ko alam pero may ipupula pa pala iyong mukha ni Kuya Nico. At doon ko na na-realize na hindi talaga ako pinanganak para pag-trip-an ang ibang tao. Ang bilis kong ma-guilty. Gusto ko nang sabihin sa kaniya na pinapatawad ko na siya.

Pero may kung ano talaga na pumipigil sa 'kin para tigilan ko na si Kuya Nico. Siguro kasi, iyong mukha niya ngayon na hindi ko alam na pwede palang maging kawawa? Palagi kasi siyang matapang tignan.

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now