16

6.9K 445 288
                                    

• 🏐 •

Natalo kami sa first set. 25-10 ang score.

Kitang-kita na sa mukha ng starters namin ang frustration kasi hindi talaga sila makapuntos. Bukod sa sobrang galing ng floor defense ng Easton, hirap makapatay ang spikers namin dahil sa setting ni Kuya Harold.

Hindi ko 'to sinasabi kasi gusto ko siyang palitan sa court pero hindi talaga maganda ang quality ng sets niya sa unang set. Maiintindihan ko pa sana kung wala kaming receive pero sobrang ganda ng pasa ng libero namin. Nakasimangot na nga si Kuya Benny kasi alam naming lahat na pet peeve niya iyon. Iyong ang ganda ng first ball niya tapos hindi maayos iyong second ball ng setter.

"Bawi sa set 2, boys!" Sabi ni Kuya Nolan saka inabot sa starters namin iyong mga tumbler at towel nila.

Kahit iyong dalawa naming middle blocker, hindi rin nakakapatay agad. Kung hindi sila nalulunod sa taas ng sets ni Kuya Harold ay diretso naman sa net ang mga palo nila kasi mababa naman ang bigay minsan.

At si Nico na mukhang hindi na rin maganda ang timpla ngayon kasi wala pa talaga siyang nababarog na palo.

Hindi ko alam pero kapag pangit ang receive namin, sa kaniya ibibigay ni Kuya Harold iyong bola. At ang resulta? Free ball sa kalaban. At isa ang Easton sa mga hindi mo pwedeng bigyan ng free ball kasi malakas na palo ang ibabalik nila sa inyo.

Sa totoo lang, nakaka-frustrate silang panoorin kanina. Pero nag-cheer na lang kami sa bench kasi alam naman naming mas frustrated sila Nico ngayon.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hindi nagbabalasa ng tao niya si Coach Greg?

Hindi naman ganito si Coach Al. Akala ko pa naman ay halos pareho na sila ng coaching style at diskarte pero hindi pala. Si Coach Al, makita niya lang na walang laro iyong player niya, magsa-substitute agad siya.

Itong si Coach Greg... hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Idagdag pa na ang kalmado niya lang kahit tinatambakan na kami ng kalaban.

Nagkatinginan kami ni Nico nang makabalik na sila rito sa bench. Nakita kong lalapitan niya ako nang biglang humarang si Kuya Harold sa harap ko.

"Ako na magbibigay niyan kay Nico," aniya sabay kuha sa hawak kong tumbler at towel ng ace spiker namin.

Hindi na ako nakapagsalita nang tumalikod na siya at lumapit kay Nico. May sinabi siya rito pero nahanap ng opposite hitter namin ang mga mata ko. Saglit kaming nagkatinginan ulit pero pasimple na lang akong nag-iwas ng tingin at tinabihan si Uno na nakaupo lang sa bench, medyo malayo sa team na hina-huddle na ngayon ni Coach Greg.

"We need to pass," rinig kong sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Iyan na naman iyong we need to pass niya. Pareho ba kami ng set na pinanood?

Anong pasa pa ba ang kailangan niya? Mula sa libero namin hanggang sa outside hitter, ayos naman iyong receive, a? Hindi ko alam pero kung ako si Kuya Benny na libero, maiinsulto ako kasi hindi naman ako iyong problema, e.

Si Kuya Harold at ang setting niya ang nawawala ngayon. Hindi ba talaga nakikita ni Coach Greg iyon?

"Tangina talaga ni Harold, 'no?"

Nilingon ko si Uno. Galit ang hitsura niya at mukhang hindi na yata papapigil sa mga gustong sabihin.

"Uno, marinig ka-"

"Wala na akong pakialam, Sebby boy. Tangina ng captain natin. Tignan mo iyong mukha? Akala mo, hindi nagtae kanina sa buong set! Tapos hindi man lang nag-sorry sa mga errors niya!"

Hindi ako nagsalita kasi tama rin naman si Uno. Napansin ko rin iyon kanina. Kapag nag-e-error si Kuya Harold, parang siya pa iyong galit.

Tapos hindi pa siya nagsasalita kapag nagha-huddle sila sa gitna. Kahit no'ng timeout. Hindi ba dapat as a team captain, maging vocal siya? Hindi ba dapat isa siya sa mga nagpapataas ng morale ng team?

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now